BAKASYON 29

2 0 0
                                    

SAWAKAS, sa tagal ng kanilang pagbyahe pabalik sa probinsya, nakarating na ulit sila sa bahay ng lola ni Macky. Nandon na ulit ang lola niya sa pintuan nakatayo at inaabangan sila.

Yumakap si Macky dito, at naroroon na rin pala ang albularyo na si Tagpo. Mukhang galit ito base sa pagkakatingin sa kanila.

"Ano'ng nangyari sa inyo? Bakit kayo ganyan ka-lungkot?!" singhal ni Tagpo, na agad na nakadama ng malasakit sa kanilang mukha.

Iniabot ni Macky ang kamay sa lola niya. "Lola, marami pong nangyari. Nawala si Ross at may mga bagay na hindi namin maintindihan."

Naglakbay ang mga mata ng lola mula kay Macky hanggang kay Mon, at Ylona. Napansin niyang puno ng kalungkutan ang mga ito.

"Magkwento kayo. Dapat malaman ko ang buong katotohanan," utos ni Tagpo, na tila ba may nararamdaman na hindi maganda.

Sa pagkukuwento ng buong pangyayari, hindi napigilan ni Ylona na maluha at napayakap muli kay Mon.

Nang matapos ang kanilang kwento, napansin ni Tagpo na ang kulay ng kanyang orasyon na nagdadala ng kapahamakan at kadiliman ay biglang nag-iba.

"Hindi ito maganda. Isang diablo ang nagtatago dito. Kailangan nating alamin ang buong pagkatao nito bago siya palayasin at sugpuin, dalian natin bago pa ito magdulot ng higit pang pinsala," babala ni Tagpo.

Mabuti na lamang hindi na sila pinagalitan ni Tagpo dahil lagpas na silang dalawang linggo bago bumalik doon. Naiintindihan naman siguro nito na sa dami ng pangyayari, nawawala na sa isip nila ang tumingin at alamin pa ang petsa ng mga araw.

Nagkatitigan ang tatlo na puno ng pagtataka, may nakahanda kasi na dalawang ataul at dalawang bell.

Napansin naman ni Tagpo ang pagtataka ng magkakaibigan.

"Kailangan niyong maglakbay patungo sa lugar kung saan nakakulong ang mga kaluluwa ng mga patay ninyong kaibigan...Ang lugar na tirahan ng diablo." Nanindig naman ang mga balahibo ni Ylona sakaniyang magkabilang braso. Magtatanong pa sana siya kung paano ng magsalita ulit si Tagpo.

"Ang daan patungo sa lugar ng diablo puno ng lihim na landas at gubat. Makakarating lamang kayo sa kanilang paroroonan sa gagawin nating orasyon, dadasalan ko muna ang inyong mga kaluluwa upang humiwalay sainyong katawan at ito ay maglakbay patungo roon." Tumingin si Tagpo kay Ylona at Mon. "Kayong dalawa ang maglalakbay, tig-isa kayo ng ataul."

Tinuro nito si Macky, "Ikaw at ang lola mo ang magpapatunog ng bell, hudyat na kailangan na nilang bumalik sa kanilang mga katawan." Tumango-tango naman si Macky sa sinabi ni Tagpo.

"Kinse minutos lang kayo maglalagi sa kanilang dimensyon. Kailangan niyong mahanap ang kanilang mga kaluluwa, mga kaluluwa ng mga yumao ninyong mga kaibigan. Ibigay sa kanila ang puting pulseras, at tiyaking maisuot ito sa kanilang mga kamay. Ang puting pulseras ang magbabalik sakanilang mundong tinitirhan."  Napatigil ito sa pagsasalita at malungkot na tumingin sakanilang dalawa.

"Maingat kayong sumunod sa oras, dahil kapag tumunog na ang bell at hindi kayo nakabalik. Hinding-hindi na kayo makakabalik rito. Huwag kayong mag-alala, ako ang maggagabay sainyo. Sa oras na humiga kayo sa ataul na ito at naramdaman niyo na ang kakaibang malamig na simoy ng hangin. Iyon na ang simula ng ritwal at misyon na gagawin natin."

Dahil sa pangangailangan na isagawa ang ritwal, nagbigay si Tagpo ng isang maikling panahon para sa paghahanda ng tatlong kaibigan. Bawat isa sa kanila ay nagdala ng mga bagay na makakatulong sa kanilang misyon—ang Banal na tubig at rosaryo.

Habang abala sa paglalagay ng tali sa bewang si Mon at Ylona upang maging lalagyan ng mga puting pulseras, banal na tubig at rosaryo.

Napapaisip naman si Macky na kapag matagumpay na nabalik ang mga kaibigan rito ay titigilan na sila ng diablo?

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now