BAKASYON 5

942 31 4
                                    

ALAS-SAIS ng hapon...

"Edz, Mon ibaba n'yo na yung mga gamit ng girls at ako na ang bahala sa mga pinamili natin."

Utos ni Macky sa dalawa. Hindi naman sinunod iyon ni Edzel.

"Ano ka hilo? Ang kaunti lang ng pinamili natin kumpara dito sa bag ni Francey na akala mo pati bahay nila dala niya e!"

Reklamo ni Edzel at naiinis naman siyang inirapan ni Francey.

Sinuway siya ng kasintahan kaya binuhat na niya ang bag nila ni Ross at Francey.

Nakarating narin sila sa bahay ng lola ni Macky.

Bahay-kastila ang disenyo ng malaking bahay at maraming mga paniki ang nagsisiliparan sa paligid dahil sasapit na ang dilim.

"So creepy naman here"

Sabi ni Francey habang sinusundan ng tingin ang mga paniking nagsisiliparan.

"Adventure tayo mamaya ah?"

Tanong ni Giegie kila Francey at manghang-mangha siyang lumingon sa paligid.

"Ihhh! Ayoko nga.Mag-i-stay na lang ako sa room nila Macky no,kung gusto mo mag-isa ka."

Maarteng sabi ni Francey habang nililibot ang kanyang paningin,bigla s'yang kinilabutan ng makitang mga talahiban at puno lang ang kanyang nakikita sa paligid.

Nakaabang naman sa malaking pintuan ang lola ni Macky.

Habang si Ylona naman ay pinagmamasdan ang lola ni Macky na nakangiti sa kanila.Kulu-kulubot na ang balat ng lola ni Macky at bagsak narin ang mga balikat nito dahil sa katandaan.

"Tara na at naghihintay na si lola,o"

Sabi ni Macky ng makitang natatakot si Francey na wala atang balak na pumasok.

Nangunguna naman sa paglalakad si Giegie na kasabay si Ross,Edzel at Macky.Habang nasa likuran naman sila Ylona,Mon at Francey.

" Lola, kamusta na po kayo? Ang laki po ng pinagbago n'yo ha. "

Sabi ni Macky ng makita ang hitsura ng kanyang lola.

"Ay,mabuti naman ako rito,apo. Sino ba iyang mga kasama mo? "

Tanong ng lola ni Macky.

"Mga kaibigan ko po, lola. Mag-i-stay po sila dito ng mga isang linggo kase hindi na po kami magkakasama e. Si Ylona po sa states mag-aaral dun n'ya po ipagpapatuloy ang college at si francey naman po lilipat na ng bahay kaya mag bo-bonding bonding na po kami dito. Ayos lang po ba sa inyo,lola? "

Paliwanag ni Macky.

"Ayos lang naman kaysa maglakwatsa pa kayo ng maglakwatsa riyan sa Maynila,dito na lang kayo saamin at sariwa pa ang hangin ni hindi katulad sa Maynila nahahaluan ng usok. Ay,halina kayo para makapagpahinga kayo at makakain ng hapunan."

Sabi ng lola ni Macky.

Manghang-Mangha naman si Giegie pagpasok n'ya ng bahay ng lola ni Macky.Malaki ang bahay at puro makaluma ang gamit at animo'y walang bakas ng alikabok at dumi. Maging ang hagdan ay malinis.

Nilibot nila ang ibabang parte ng bahay.

"Dito yung sala " turo ni Macky sa mahaba't malalaking sofa na gawa sa kawayan at muwebles na pinaglalagyan ng mga makalumang vase.

"Dito naman yung hapagkainan"

Turo ni Macky sa mahabang lamesa.

Napanganga si Giegie sa laki at haba ng lamesa.Hugis pahaba na bilog ito.

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now