BAKASYON 22

4 0 0
                                    

"SANDALI lang guys ha, magpapa-gas muna ko. Malapit-lapit na rin ang gas station. May iihi ba?" Tanong ni Macky sa mga ito.

Isang oras na silang bumabyahe at siya lang panay kibo sa mga ito.

"Sabi ko nga walang iihi." Sabi ni Macky at bumuntonghininga ulit. Sinilip niya ang mga kaibigan, tulog pala si Ross habang nakahilig ito kay Macky.

Si Ylona naman ay nagcecellphone. Naisip ni Macky na baka tinatawagan ang ina na nag-aalala kay Ylona.

Tumingin naman si Macky sa gawi ni Mon. Si Mon naman ay nakaheadset at nakatingin sa kabilang direksyon.

Lahat-lahat pala ay may sari-sariling mundo, dama ni Macky na may nag-iba sakanilang pagkakaibigan at yun ay ang napalitan ng lungkot ang kanilang nadarama na kasiyahan noong magdesisyon sila na magbakasyon.

Iniisip niya ang mga masasayang alaala kasama ang yumaong kaibigan na ngayon ay wala na.

Kinapa-kapa niya ang kaliwang bulsa na suot naalala niya nga pala ang puting pulseras na nilagay niya doon.

Wala na ito sa bulsa niya kaya kakamot-kamot na lang siya na nagdrive papalapit sa gas station.

***

"BOSS, full tank?" tanong ng gasoline boy kay Macky.

"Sige, kuya." Sagot ni Macky dito at binaling na ang atensyon sa kabilang mga sasakyan. Dalawang kotse na nagpapagas din, sobrang lalakas ng boses at tila may pinagkukwentuhan.

"Ano raw ba dahilan?" Tanong ng isang lalaki na nasa loob ng kotse, sa katabing kotse nito na nagpapagas.

"Ang sabi e, balak naman talaga magpakamatay nung babae dahil nga nabuntis. Hindi yata tanggap ng magulang e." Sagot ng isang driver at nag abot ng bayad sa gasoline boy.

"Edi kakasuhan pa ngayon yung kotse na nakabunggo?" Tanong ulit ng kausap nito.

"Oo syempre gago, binunggo niya rin e!" Sagot nito na tatawa-tawa.

"Under investigation pa raw sa kaso mga boss." Napatingin si Macky sa gasoline boy na naggaga-gas sakanya. Nakikisali narin kasi ito sa usapan at hindi niya mapigilan tanungin ang mga ito kung ano ang pinag uusapan.

"Ahh, excuse me mga sir. Ano pala yon?" hindi na napigilan ni Macky ang magtanong sa mga ito, dala ng kuryosidad. Takang-taka kasi siya at tila lahat ay updated.

"May nasagasaan last last week boss, dalaga." Sagot ng gasoline boy sakaniya.

"Nagpa-sagasa daw yon." Pagtatama ng isa pang driver.

"Ah oo boss, nagpa-sagasa daw sabi ng mga pulis. Nakatayo lang daw don sa gilid ng may Road 3, inaantay na may sasalubong na kotse. Nung may sumalubong ng kotse, dali-dali daw yon tumakbo paharap sa kotse. Edi ayon, boss patay na. Sayang nga e, ganda kasi! Atsaka kawawa yung anak, boss. Buntis pala." Nanghihinayang na sabi ng gasoline boy kay Macky.

Nagtawanan naman ang mga driver na nandodoon dahil sa sinabi ng gasoline boy kay Macky, na sayang raw ang kagandahang taglay nito.

Nangunot naman ang noo ni Macky, sa pagkakatanda niya kasi 'yon rin ang lugar kung saan sila napatigil noon sa kadahilanan na may nasagasaan din.

"Anong exact date yon, mga sir?" Tanong ni Macky sa mga ito. Nagtataka kasi siya dahil kung last last week nangyari yon, yun din ang araw na nagbabyahe silang magkakaibigan doon.

"Teka boss, 25, 24..." Sabi ng gasoline boy at nagbibilang pa ito sa kamay. "Ayun! April 15, boss!" Sagot nito kay Macky na ngiting-ngiti pa.

"A-april 15?" Nauutal na pag-uulit ni Macky dito. April 15 sila bumyaheng magkakaibigan, papunta sa bahay ng lola niya at April 15 din ang date kung saan sila napatigil sa Road 3!

Nawala ang kaba sa dibdib ni Macky at naisip na baka dalawa ang nasagasaan non. "Kung April 15, nangyari yon. Edi dalawa nasagasaan sa Road 3?" Nagtataka na tanong niya ulit dito.

Nangunot noo naman ang gasoline boy sakaniya at tila nagtaka sa tinatanong niya.

"Isa lang, boss. Bakit?" Sagot ulit ng gasoline boy sakaniya na nangungunot noo parin.

"Doon kami tumigil nung April 15, may nasagasaang matandang babae na nakaputi sa Road 3." Sabi niya rito.

"E, boss. Wala kami nababalitaang ganon dito, boss. Isa lang binalita non, dalagang babae na buntis boss." Sagot nito sakaniya.

Nag-rambulan ang kaba sa dibdib niya.

Naalala niya ang Video Cam na ginamit ni Edzel.

Tumayo siya at lumapit sa likod na bahagi ng sasakyan kung saan nandon si Mon at Ross.

"Mon." Tawag niya rito. Kahit na nasa harapan kasi siya nito, hindi parin siya napapansin.

Inalis nito ang suot na headset at hinihintay ang sasabihin ni Macky sakaniya.

"Mon, dala ba ni Ross ang mga gamit din ni Edzel?" Tanong niya dito.

Kumunot ang noo ni Mon at nagtataka sa kaibigan. "Oo, itong bag na nasa harapan ko. Mga gamit ni Edzel, hawak-hawak ko pa to kanina—" natigil sa pagsasalita si Mon ng dali-dali itong kalkalin ni Macky.

May kinakapa-kapa ito roon at may hinahanap.

"May problema ba?" Tanong ulit ni Mon dito ngunit wala siyang nakuhang sagot kay Macky.

Hawak-hawak na nito ang Video Cam ni Edzel. Itinakbo pa ito ni Macky paupo sa driver seat.

Napailing na lang si Mon at inayos ang mga nagulong damit na kinalkal ng kaibigan.

Binuksan ni Macky ito, at muntik na siya mapasigaw sa saya ng makitang full charge pa.

Hinanap niya ang video at hindi naman siya natagalan dahil yun ang last video na nasa unahan.

3 weeks preparation for graduation day.  Yun ang title ng video, mahaba pala ito. Dahil nagsimula ang video ng hindi pa nakakasakay si Edzel sa van.

Maluha-luha si Macky ng makita ang kaibigan na yumao, buhay na buhay ito at masayang nagsasalita sa video kasama si Ross.

Finast forward na lang ni Macky ang video, ipinunta niya na agad sa video na kung saan may nasagasaan. Magulo ang video dahil inaawat ito ng kasintahan na si Ross.

"Mga sir, ito yung nakuhanan namin na video last last week. Matandang babae nasagasaan." Silip ni Macky sa labas ng bintana ng van.

Lumabas naman ang dalawang driver ng kotse at nakiusyoso sa sinasabi niya. Binigay ni Macky ang video cam sa gasoline boy at nakidungaw naman doon ang dalawang driver.

"Boss?" Tawag ng gasoline boy sakaniya.

Lumingon si Macky sa mga ito na nakatingin na sakaniya.

Tatawa-tawa naman ang dalawang driver.

"Adik yata." Narinig pa niyang sabi ng isang driver, tumatawa ito at bumalik na sa loob ng sasakyan.

"Boss, paano naging matandang babae ito?" Tanong ng gasoline boy sakaniya. Naka-pause na ang video kung saan may babaeng nakahilata sa daan at may nakatakip na diyaryo sa mukha.

Makinis, maputi at hindi kulubot ang balat. Malayo sa pagiging matanda. Ang mga kuko rin nito sa paa ay may kulay. Hindi rin ito nakasuot ng puting bestida! Croptop red at jeans ang suot ng dalagang nasagasaan.

Nanlaki ang mga mata ni Macky, hindi iyon ang matandang babae na nakita nila non! At hindi yun ang navideohan ni Edzel!

"P-paanong nangyari." Naguguluhan na bulong niya.

"Bayaran ko na lang yung gas, kahit wag mo na ko suklian." Nagmamadali niyang sabi sa gasoline boy at kinuha na niya ang video cam mula dito.

***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now