BAKASYON 16

331 11 3
                                    

A/N:

Sorry hindi na ko nakakapagdedicate, nung nakaraan kaseng chineck ko to sa drafts ko parang nagkaron siya ng Error. Puro mga 'Dedicated to @' lang yung nakalagay. As in ganyan lang siya, walang username na nakalagay pero sa pagkakatanda ko meron naman. Next chapter siguro maglalagay na ko ^_^

***

HINDI mapalagay si Ross sa bahay ng lola ni Macky, inaalala kung nahanap na ba ng mga kaibigan nya si Francey.

Pinaiwan kase sya ng mga ito dahil baka ma-stress pa sya lalo sa paghahanap nila kay Francey.

Tatayo,maglalakad,uupo. Ganun lang ang ginagawa ni Ross sa sala.

Natigilan sya sa paglalakad ng tumunog ang kanyang selpon.

Kunot-noo nya iyong hinanap, nakita naman nya 'yong nakapatong malapit sa lababo.

Lumapit sya at kinuha, lalo syang nagtaka sa dami ng messages at calls sa kanya.

Galing sa pinsan nya,kaibigan,at tiyahin.

Nung mga nakaraan pa yung text messages,at kani-kanina lang yung iba.

'M-mama?'

Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata dahil sa kanyang nabasa. Wala na ang pinakamamahal nyang ina! Binawian na ito ng buhay dahil hindi kinaya ang malubhang sakit nito.

Halos mag-i-isang-linggo na pala itong binawian ng buhay.

Animo'y nawalan s'ya ng lakas sa kanyang mga nalaman, napaupo sya sa sahig at humagulgol ng iyak.

'Jusko! bakit ko ba ito nararanasan. Una,si Edzel tapos ngayon naman si mama. M-may nagawa po ba akong mali?'

***

"Maghiwa-hiwalay tayo upang mas mabilis nating mahanap si Francey."

Suhestiyon ni Mon.

"Mapanganib at hatinggabi na,Mon. Kaya hindi maaring tayo ay maghiwa-hiwalay."

Paliwanag ni Macky.

Tumango naman si Mon at ipinagpatuloy nila ang pagtahak sa kakahuyan.

Madilim at tanging selpon lang ang nagsisilbing liwanag sa kanilang dinadaanan.

Nangunguna sa paglalakad si Macky at nasa tabi niya ang kanina pang tahimik at balisa na si Giegie.

Napansin naman iyon ni Ylona kaya nilapitan niya ang kaibigan.

"G-gie?"

Hinawakan niya sa balikat si Giegie, lumingon ito sakanya at pinipigilan ang pag-alpas ng hikbi.

Niyakap niya ang kaibigan upang pagaanin ang loob sa panginginig at takot na nakalukob dito.

Nahuhuling maglakad si Mon.

Pakiramdam niya ay may nagmamasid sakanila.

Luminga-linga siya sa kakahuyan pero bigo niyang makita.

Kasabay ng malakas na hangin ang tinig na bumubulong kay Mon.

Napahawak si Mon sa magkabila niyang tenga, malamig ito at parang may bumubulong.

"Iligtas niyo ang kaibigan niyo."

Nagsitaasan ang balahibo ni Mon sakanyang narinig. Boses nang matandang babae!

Dahan-dahan siyang lumingon sakanyang likuran.

Nakita niya ang matandang babae na nakaputi at nakalutang. Kumikinang-kinang ang puting pulseras nito.

Nanginginig ang buo niyang katawan at hindi magawang maigalaw.

Malungkot itong nakatitig sakanila.

Pinilit niyang magsalita pero walang lumalabas na boses. Nagpatuloy lang sa paglalakad sila Ylona at tila hindi lumilingon kay Mon.

Napaatras siya ng magbago ang itsura ng matandang babae na nasa harapan niya. Kada-buka ng bibig nito at may bumubulwak na dugo.

Nanlaki ang mata niya dahil papalapit ng papalapit ang matandang babae.

Pinuwersa niyang igalaw ang paa niya ngunit walang nangyari.

Tumindig ang balahibo niya ng maramdaman ang pagbulong ng matandang babae sa tenga niya.

Hindi niya maintindihan ang sinasabi, bakas sa mukha ng matandang babae ang pagkalungkot.

Umihip ang malakas na hangin, napapikit si Mon dahil may duming pumasok sa loob ng mata niya.

Dumilat siya at tumambad sakanya si Ylona,Macky, at Giegie. Nagpalinga-linga siya sa paligid.

Wala na ang matandang babae.

"Mon, Anong nangyari sayo? Kanina ka pa namin tinatawag riyan...Bakit nandiyan ka sa tapat ng malaking puno?"

Sunod-sunod na tanong ni Macky.

"W-wala. Tara na at ipagpatuloy na natin ang paghahanap kay Francey."

Lumingon naman sakanya si Ylona na nagtataka rin.

Napaiwas siya ng tingin sa dalaga, naalala niya ang pag-amin niya rito.

"Ang baho!"

Napatingin sila kay Giegie na nakatakip ang ilong.

Lumapit sila kay Giegie at nagsitakip rin ng ilong dahil sa nakakasulasok na amoy.

"Baka may patay na hayop lang na nabubulok."

Sabi ni Macky.

"Dito nanggagaling yung amoy." Turo ni Giegie. "Atsaka maraming insekto na nagsisiliparan."

Napayuko si Macky na may matigas siyang maapakan.

Tinignan niya kung ano iyon.

Nanlaki ang mata niya sakanyang nakita...Braso ng tao na inu-uod!

Nakitingin narin si Mon at gulat na gulat ito sa nakita.

"B-bakit? Ano ba iyang tinitignan---"

Naputol ang sasabihin ni Ylona at napatulala sa nakita.

Napatakip naman sa bibig si Giegie at humagulgol ng iyak.

Naliligo sa sariling dugo si Francey, wakwak ang tiyan nito na nakalabas ang mga laman-loob at halos hindi na makilala ang mukha na parang humampas sa matigas na bagay.

Nawalan ng lakas si Ylona at nagsimula ng pumatak ang mga luha sa kanyang mata.

***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now