BAKASYON 28

2 0 0
                                    

BINABANTAYAN ngayon ni Jaja si Giegie, iyak na naman kasi ito ng iyak. Gusto niyang sisihin ang sarili, kahit kelan talaga ay hindi niya mapanindigan na magsinungaling rito.

Sinilip niya ito at nagulat siya ng makitang tulog na pala ang kapatid. Dahan-dahan niya itong kinumutan, naisip niya na baka nakatulog ito kakaiyak dahil sa nabalitaan kay Ross.

Alam niya kasi na andami ng mga kaibigan nito ang namatay magmula ng magbakasyon sila sa bahay ni Macky sa probinsya.

Para sakanya, hinding-hindi na niya papasamahin pa ang ate niya sa mga ito. Dahil malakas ang kutob nya na tuwing napapalapit ito sa isat isa ay parating may napapahamak.

Sa pagbabantay kay Giegie, napagtanto ni Jaja ang bigat ng nararamdaman ng kapatid. Sa kabila ng pagiging matapang at palaban ni Giegie, alam ni Jaja na may mga sugat sa puso nito na hindi madaling maghilom.

Isinara ni Jaja ang pintuan ng kwarto at dumaan sa sala.

Kukuha siya ng tubig at tinapay para paggising ng kapatid ay mayroon na itong makakain kaagad.

SAMANTALA...

Pabali-balikwas si Giegie sa kwarto, binabangungot siya at sa panaginip niya ay nakadagan sakaniya ang matandang lalaki.

Nahihirapan siyang gumalaw at parang bawat paghinga ay may pasan-pasang bigat ng takot at pangamba. Ramdam niya ang panginginig ng buo niyang katawan sa diwa ng panaginip.

Narinig niya ang tinig ng matandang lalaki na bumabalot ng dilim. "Mamamatay ka rin. Mamamatay kayong lahat." Tilang naglakbay ang boses sa kanyang isipan, at tila ba ang dilim ay sumasalubong sa bawat pag-ihip ng malakas na hangin.

Ang lakas ng hangin na nagmumula sa kwarto niya ngunit tagataktak ang pawis niya.

Hindi siya makahinga, nahihirapan siya. Sobrang bigat ng matandang lalaki.

Nang mapagtanto ni Giegie na ito ay isang panaginip, pinilit niyang gisingin ang sarili. Ngunit ang pag-usbong mula sa kaharian ng dilim ay naging isang matinding laban. Parang nahirapan siyang makawala mula sa kapangyarihan ng takot na bumabalot sa kanyang pagkatao.

Isang malakas na ungol ang lumabas mula sa bibig ni Giegie, at sa kanyang pagmulat, kita niyang nag-aalala si Jaja na nakaupo sa tabi ng kama. "Ate, okay ka lang ba? Ang lakas mo kasing sumigaw," sabi ni Jaja na puno ng pangangamba.

Nagulat siya at sa pagkakataon na yon ay napangiti siya, sa wakas at tinawag na siyang ate ng kapatid niya.

Sa halip, niyakap niya ito ng mahigpit. "Huwag ka nang mag-alala, ate. Narito lang ako para sa'yo." Sagot pa nito sakanya.

Habang magkayakap, ramdam ni Giegie ang pag-asa at suporta mula sa kapatid. Sa sandaling iyon, alam niyang kahit saan man sila dalhin ng mga pangyayari, magiging malakas sila basta't magkasama.

"Huwag kang mag-alala, di ako mawawala at aalis." Dagdag ni Jaja.

Naramdaman ni Giegie ang higpit ng pagkakayakap ni Jaja sakaniya. "Kasi papatayin ko pa kayo, isa-isa." sabi ni Jaja ng may kakilakilabot na boses. Nanlaki ang mata ni Giegie ng mag iba ang boses ng kapatid na tila matandang lalaki ito.

Sa kanyang pagkakayakap, tila ba ang kapatid na si Jaja ay nagiging banta. Hindi niya alam kung paano makakawala o kung ito'y dapat pa bang takasan. Ngunit sa gitna ng pangamba, nagdesisyon si Giegie na kahit saan man ito dalhin ng kanyang diwa, hindi siya papayag na mawala ang kanyang buhay.

Naisip ni Giegie na wala pa pala siya sa realidad, ang buong akala niya ay nagising na siya sa bangungot, hindi pa pala!

Binabangungot parin ito at panay naman ang gising sakaniya ng kapatid na si Jaja.

***

"NAKA-ready na ang lahat." Sabi ni Mon kay Macky.

Nasa van na ang mga gamit nilang lahat at iniintay na lang niya si Macky na busy sa pagtipa sa cellphone.

Tinatawagan kasi nito ang telepono nila Giegie upang ipaalam kay Jaja na, aalis muna sila at bantayan ulit ang kaibigan.

Nag-iwan na lang ng mensahe si Macky kay Jaja at binilinan na kahit anong mangyari ay wag iiwan si Giegie.

Malungkot at maluha-luha parin si Ylona, na nakahawak sa braso ni Mon. Hindi parin niya lubos na matanggap na wala na ang pinaka matalik niya na kaibigan na si Ross. Ito kasi ang pinakamatagal na niyang kaibigan at sumunod si Giegie.

"Magiging okay tayo, Ylona. Kaya natin 'to. Kasama mo kami," payak na sabi ni Mon, na umaasang maibsan ang lungkot ng kasama niyang kaibigan.

Habang nag-uusap ang dalawa, dumating na si Macky na bitbit ang cellphone na kanina'y kanyang ginagamit. Nakababa ang kanyang mukha, tila ba nababalot parin siya ng lungkot.

"Tara na," sabi ni Macky ng mahinahon. Bawat hakbang nila palayo sa lugar kung saan nagdanas ng sakit si Ross, tila ba naglalakbay din ang mga alaala ng kanilang kaibigan.

Nasa gitna ng biyahe, napagtanto ni Ylona na mas mabuti na rin na magtagumpay sila sa pagtulong kay Giegie. Isa itong paraan para makabangon sila mula sa lungkot at makapagbigay-pugay sa mga kaibigan na nagbuwis ng kanilang buhay.

***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now