BAKASYON 19

70 1 4
                                    


MAGKASAMA sa kwarto ang magkaibigan na si Ylona at Giegie.

Kanina pa pinipilit ni Ylona maging masigla habang nagkukwento ng kanilang nakakatawang karanasan noon ni Giegie.

Nakatulala parin ang dalaga at hindi manlang siya tignan sa mga mata.

Napabuntong-hininga si Ylona, hindi narin niya malaman kung bakit sila nagkakaganito.

Lalo na si Giegie at Ross.

Kanina ay sinubukan niyang kumbinsihin si Ross na matulog na lang sa kwarto niya at tabi-tabi sila ni Giegie. Ngunit tanging paghikbi lamang ang naririnig niya sa silid ni Ross. Ayaw siya nitong pagbuksan kaya napagdesisyunan na lamang niya na iwan muna itong mag-isa dahil napakabigat ng nararamdaman nito.

'Diyos ko tulungan mo po kami...Gustong-gusto ko na pong manumbalik ang lahat sa dati. Yung mga panahon na masasaya at kumpleto pa kami.'

Hindi mapigilan ni Ylona ang maiyak ng maalala ang sinapit ng mga kaibigan.

'Bakit sila pa ang nakararanas ng ganito? Bakit hindi na lang a-ako?'

Tahimik siyang napahagulgol at sinilip si Giegie na nakatulala parin.

Napatakip siya sakanyang bibig upang hindi marinig ng kasama ang kaniyang mga paghikbi.

Natigilan siya sa pag-iyak ng lumingon sakanya si Giegie.

Nakatingin na ito sakanya ngunit wala paring emosyon sa mga mata.

Nananatili parin itong blanko.

Tumalikod siya dito at dali-dali niyang pinunasan ang pisngi atsaka humarap sa dalaga.

Pilit siya ritong ngumiti at niyakap niya ng mahigpit si Giegie.

Ngunit hindi siya niyakap pabalik ng kaibigan.

Binalewala lang niya 'yon at mas hinigpitan pa ang pagyakap rito.

"G-gie, maaayos din ang lahat. May tutulong na saatin."

Sabi niya kay Giegie habang nakayakap parin siya dito.

Sinabi kase sakanila kanina ni Macky na may albularyo daw na gustong tumulong sakanila na galing pa sa bayan.

Muli ay nabuhayan siya ng loob ng malaman 'yon kanina.

***

KAKATOK na sana si Mon sa pinto ni Ylona upang masiguro na maayos lang ito ng makita niyang bukas ang silid ni Ross.

Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang kinabahan ng makita niyang bukas ang silid ng dalaga.

Tumakbo siya papunta rito at pumasok sa silid.

Naabutan niya si Ross na nakaupo sa kama at nakaharap sa aparador nito.

Hindi na ito umiiyak.

Nakatulala na lamang ito.

Hindi manlang siya nilingon ng dalaga kahit na alam naman na nandun siya.

Humakbang pa siya papalapit rito.

"Ross?"

Nagtataka niyang tinawag ang dalaga pero hindi parin niya naagaw ang atensyon nito.

Lalo siyang nagtaka ng may makita siyang matulis at makintab na kutsilyo!

Hawak-hawak ito ng dalaga at dahan-dahang itinapat sa dibdib.

Natigagal siya sa nakita at hindi manlang makagalaw sa kinatatayuan.

Dahil sa pagkabigla ay hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin.

Wala itong emosyon habang hawak ang isang napakatulis na kutsilyo na nakatapat sa dibdib niya.

Ni hindi nga ito nangangamba na baka matuluyan ang sarili dahil sa ginagawang pagtutok sa dibdib.

"R-ross wag!"

Pigil niya rito ngunit hindi parin siya pinakikinggan ng dalaga.

Animo'y tumigil ang paghinga niya ng dahan-dahang ilapit pa nito ang matulis na kutsilyo sa dibdib.

Napabalik siya sa wisyo at nagmamadaling inagaw ang kutsilyo sa dalaga ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito.

Wala parin itong reaksyon at pilit na nakikipag-agawan sa binata.

Tinulak ni Ross si Mon at tumalsik naman ito sa ibabaw ng kama.

May malaking hiwa sa braso si Mon dahil sa ginawang pag-agaw.

Malalim at walang tigil ito sa pagdugo.

Hindi niya inalintana ang sugat na natamo. Pilit siyang tumayo at muling inagaw kay Ross.

"Ross ano ba?! Ibigay mo sa'kin to, hindi maaayos itong problema natin kung magpapakamatay ka pa!"

Wika niya habang nakikipag-agawan dito.

Lumungkot naman ang mata nito at nag-unahan sa pagpatak ang mga luha sa mata dahil sa sinabi ni Mon.

"M-mon ibigay mo na sa'kin to. Gusto ko ng mamatay!" Umiling-iling si Ross at hinawakan ang dulo ng kutsilyo. Itinapat niya ito sa pulso niya kahit hawak-hawak din ito ni Mon. "W-wala na si Mama! Patay narin s'ya!"

Sigaw nito kay Mon.

Nagulat si Mon sa narinig.

Wala narin ang pinakamamahal na ina ni Ross, sumuko narin ito dahil sa sakit sa dugo.

"Ross tatagan mo ang loob mo, nandito pa kami! Kaming mga kaibigan mo."

Natigilan naman si Ross sa pag-agaw kaya nagtagumpay na makuha ito ni Mon.

Napaupo ang dalaga at humagulgol na naman.

Niyakap ni Mon si Ross na pilit humihingi ng tawad sakanya.

"Shhh, O-ok lang. Naiintindihan kita..."

Wika nito sa dalaga.

Nung mga panahon na namatay kase ang kaniyang mga mahal sa buhay ay halos magpakamatay narin siya nun, mabuti na lamang ay kinupkop siya ng ama ni Giegie.

Naiintindihan niya ang sinapit ng kaibigan.

Sa isang iglap ay nawalan ito ng kaibigan, kasintahan at higit sa lahat ina na siyang nagsilang sakanya kaya sadyang napakasakit ng dinaranas nito.

***

SAMANTALA...

Hindi naman makatulog si Macky sa kakaisip kung papaano nila masosolusyonan itong kapahamakan na dinaranas nila sa ngayon.

Kung hindi lang dahil sa Libro na 'yun ay sana kumpleto pa sila. Bakit kase yun pa ang kanyang naisip na laruin nilang magkakaibigan.

Napahilamos siya sa mukha dahil sa inis na nararamdaman para sa sarili.


***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now