BAKASYON 21

4 0 0
                                    

KAKATAPOS lamang mag-empake ni Ylona ng gamit nila ni Giegie.

Ngumiti si Ylona sa kaibigan at yinakap ito. "Gie, makakauwi narin tayo. Mapapagamot ka na." Maluha-luhang sabi nito sa kaibigan na nakatulala parin sa kawalan.

Miss na miss na ni Ylona ang kaibigan na masayahin at makulit. Hindi niya lubos akalain na aabot sila sa ganito.

Samantala, nagwawala sakabilang kwarto si Ross. Ayaw niyang makinig sa sinasabi ni Macky na aalis na sila sa bahay ng lola nito.

Pinapakalma naman siya ni Mon at sinasabi na mas mabuti na umalis muna sila. Babalik naman sila rito upang ayusin ulit ang lahat, pero sa ngayon kailangan muna nilang lumayo.

Lalo na't para makausap ang mga magulang ng namatay nilang mga kaibigan at para rin mapagamot na si Giegie.

Napahagulgol na umupo si Ross. Ayaw niyang umalis talaga, ayaw niyang iwanan ang kasintahan. Para sakanya, buhay pa ito at kailangan nilang hanapin pa.

Ngunit, naiisip niyang tama rin ang sinasabi nila Mon at Macky. Ayaw niya ng madamay pa ang iba niyang kaibigan. Ayaw niya ng mawalan pa ng matalik na kaibigan.

Yumakap siya ng mahigpit kay Mon na patuloy syang pinapakalma. Nilock naman nila ang kwarto upang hindi na marinig pa ni Ylona ang mga nangyayari.

Ayaw na ni Mon na mas ma-stress si Ylona lalo na't matalik na kaibigan rin nito si Ross. Iniisip na nga nito ang kalagayan ni Giegie kaya ayaw na niyang madagdagan pa yon sa nangyayari kay Ross.

"B-babalik tayo rito h-ha?" Umiiyak parin na tanong ni Ross kay Mon at Macky.

"Babalik tayong lahat dito, Ross. Kailangan munang magpagamot ni Giegie. Babalik tayo, aayusin natin to." Pagpapakalma ni Mon dito.

***

NANGANGALAY na iginalaw-galaw ni Macky ang leeg niya, nakatulog na pala siya sa kinauupuan. Tumingin siya sa kama at wala na roon si Ross at Mon.

Tumayo siya at naisipan na baka nasa ibaba lang ang mga ito at nag-uumagahan na.

Nangunot ang noo niya ng may makitang puting pulseras sa ibabaw ng kama.

Hindi naman yon kay Ross dahil hindi niya nakikitang may suot ito ng ganon.

Nanlaki ang mata niya ng marealize na yung puting pulseras na yon ay lagi niyang nakikita kasabay ng pagsulpot ng matandang babae at matandang lalaki.

Nag-sign of the cross siya bago kinuha yon.

Nang mahawakan, tinignan niya yon mabuti at itinaas.

Wala namang kakaiba sa puting pulseras na yon kundi kumikinang-kinang lang dahil sa mga bato nito.

"Macky..." Napatalon siya sa gulat ng may magsalita sa likuran nya. Sa dala ng gulat ay mabilis niyang naisilid ang puting pulseras sa bulsa ng kaniyang pantalon.

Si Ross pala ito at kakatapos lang maligo. Nasa likod nito si Mon na may hawak na mga bagahe at sa likod naman ni Mon nandodoon si Ylona at Giegie.

"Ang aga ninyo naman." Kakamot-kamot na sabi ni Macky sa mga ito.

"Macky, tumatawag na ang mama ni Ylona sakaniya. Alalang-alala na." Sabi ni Ross habang nagpupunas ng buhok.

"Kailangan na nating umalis." malungkot ang tinig ni Ross ng sabihin ito sakaniya.

"Sige, sige. Hindi na ko maliligo muna." Inamoy-amoy niya ang sarili, "mabango naman ako." Pagbibiro niyang sabi rito.

Pinilit niyang magbiro para kahit papaano ay mabawasan ang pagiging seryoso ng mga ito. Ngunit, wala siyang nakuhang ngumiti o tumawa manlang sa sinabi niya.

Bumuntonghininga na lang siya at kinuha ang susi ng van sa pantalon niyang nakahanger.

Sumunod ang mga ito sakaniya na tahimik parin at tila mga nakikiramdam kung may magsasalita ba.

Naabutan ni Macky ang lola niya na nasa sala at naghahanda ng babaunin nilang pagkain.

"Lola..." Tawag ni Macky sa lola niya. Lumingon naman ito ng may ngiti sa labi. "Apo ko, wag mo ko alalahanin dito. Uuwi na ang ibang caretaker dito sa bahay, may makakasama ako, Apo ko. Mag-iingat kayo roon sa Manila. Hihintayin ko ang pagbabalik ninyo, Apo. O, Heto Apo. Kuhanin niyo itong mga kanin, ulam at tinapay na hinanda ko." Malungkot na ngumiti si Macky dito at yinakap ng mahigpit ang lola niya.

"Lola ko, mahal na mahal kita. Babalik kami rito lahat, la. Salamat po sa pag aalaga ninyo sa'kin." Sabi ni Macky sakaniyang lola.

"Ikaw naman Apo ko, parang di naman tayo magkikita niyan." Pagbibiro nito kay Macky.

Naiiyak naman na umiwas ng tingin si Ylona sa mag-lola. Makikita niya narin ang mama niya at hindi niya lubos akalain na, hinahanap na siya nito at nag aalala pa sakaniya.

Andami-daming nangyari sakanilang magkakaibigan, ngunit ito parin sila— nagpapatuloy at lumalaban.

Hinawakan niya ng mahigpit si Giegie sa braso at nakahawak naman sakabila niya si Ross na maga parin ang mata ngunit nakakangiti na.

Nakatitig rin kasi ito sa mag-lola at ngumingiti.

Si Mon naman ay tinitignan ang mga galaw ni Ylona, gusto niyang malaman kung okay pa ba ito o kung ano man ang mga naiisip nito. Gusto niyang pagbalik nila ng Maynila ay proktektahan niya 'to, kahit na may binigay naman na proteksyon sakanila ang albularyo.

"Halika na, guys," Sabi ni Macky sa mga ito habang nagpupunas ng luha.

Sumunod ang mga ito sakaniya at nagpasalamat rin sa lola ni Macky.

Bagsak ang mga balikat na umupo sa driver seat si Macky. Naalala niya kasi na sumakay sila dito ay kumpleto sila.

Ngayon, iilan na lamang sila.

Andaming mga alaala ang bumalik sakanilang isipan. Lalo na kay Ross, sa buong byahe kasi ang katabi niya noon ay ang kasintahan na si Edzel. Ngayon ay si Mon na. Katabi kasi ni Ylona si Giegie na patuloy paring kinakausap ni Ylona.

Gusto niya naman makatabi ang mga kaibigan niya ngunit nalulungkot lang siya na wala na ang kasintahan niyang si Edzel.

Pumatak na naman ang luha sa mga mata habang nakatingin sa bintana ng van. Napansin naman ito ni Mon at tinapik-tapik siya sa balikat.

Hindi niya alam kung bakit parang nakikita niya si Edzel na nakatayo sa labas ng van at nakatingin ito sakanila.

Alam niyang hallucination niya lamang ito, dahil hindi ito ang unang beses na magpakita ito sakaniya.

Malungkot at itsura nito habang nakatingin sakanilang lahat.

Mas lumakas ang hagulgol ni Ross at hindi niya maiwasang iuntog ang ulo sa bintana ng van.

Nataranta naman si Ylona ng makita ang ginagawa ni Ross na nakaupo sa likurang bahagi ng van.

Tatayo na sana siya upang pigilan si Ross na iuntog ang ulo nito sa bintana ng ihilig ni Mon ang ulo ni Ross sa balikat niya.

Hindi alam ni Ylona kung bakit kumirot ang puso niya sa nakita niyang inakto ni Mon sa kaibigan.

Iwinaksi niya ang naramdaman at pilit na kinausap na lamang si Giegie na nakatingin lang sa bintana ng sasakyan.

Nakatingin sa kawalan si Giegie at wala sa katinuan. Tumatagos ang tingin nito sa bintana na kung saan nakatayo ang matandang babae na malungkot na kumakaway-kaway sakanila.

***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now