BAKASYON 26

3 0 0
                                    

KAKAUWI lamang ni Ylona, galing supermarket. Namili siya dahil ubos na ang stock na naiwan ng mommy niya.

Inilagay niya ang mga gulay at prutas sa ref. Ang iba naman na napamili niya na hindi na kakasya ay sa itaas ng shelf.

Habang ginagawa niya ito, nanunumbalik sa alaala niya na kasama ang ina mamalengke.

"Mommy, I miss you," bulong ni Ylona, habang inilagay ang huling piraso ng gulay sa ref.

Tumunog ang cellphone niya at dali-dali niya yon kinuha.

Akala niya si Mon. Pagkatapos kasi ng graduation day ay napapadalas na ang palitan nila ng mensahe sa isa't isa na puro kamustahan.

Unknown number ang nakalagay, inilagay niya ang passcode sa cellphone. Tumulo ang luha sa mga mata ni Ylona at bumagsak ang cellphone niya.

"Ross is dead...Kahapon lang nagpakamatay s'ya dahil kay Edzel."

"Ross is dead...Kahapon lang nagpakamatay s'ya dahil kay Edzel."

"Ross is dead...Kahapon lang nagpakamatay s'ya dahil kay Edzel."

Paulit-ulit yon umalingawngaw sa isipan niya, galing ang text na yon sa nagpakilala na tito ni Ross.

Hindi siya makapaniwala, sobrang nanginginig ang buong katawan niya.

Hindi niya matanggap, sobrang bilis ng mga nangyari.

Iniisip niya na baka nanloloko lang ang nag text sakaniya, lalo na't hindi naman siya kinocontact nila Mon.

"Kailangan kong makausap sila M-mon" sabi ni Ylona, nanginginig parin ang buo niyang katawan ngunit gustong-gusto niyang puntahan ang mga kaibigan para makumpirma ang natanggap niyang text message.

***

"SHIT!" Napamura ng malakas si Macky at halos maibato niya ang remote sa T.V, nakita niya kasi ang petsa at lagpas na ang ibinigay na petsa sakanila ng albularyo.

Naalala niya nga palang kailangan nila bumalik sa probinsya bago magdalawang linggo.

"SHIT, SHIT, SHIT!" Paulit-ulit niyang mura at napahilamos siya sa mukha.

Dinial niya ang numero ng telepono nila Giegie at nagbabaka sakaling si Mon ang sumagot nito.

Tinagilid ni Macky ang remote sa sofa, nag-aalala habang naghihintay ng tugon sa kabilang linya. "Please, sagutin niyo na. Kailangan natin bumalik sa probinsya, lagpas na tayo sa oras." bulong ni Macky na naririnig ang mahabang linya sa telepono.

Habang naghihintay, bumalik sa kanyang isipan ang mga payo ng albularyo na maaaring mangyari kapag hindi sila nakabalik sa tamang petsa. "Baka may kapahamakan ang mangyari samin," bulong niya sa sarili.

Biglang may sumagot sa kabilang linya, "Hello, Macky? wala si Mon dito ngayon. Pero bakit? Ano bang nangyari?" sagot ng kapatid ni Giegie na si Jaja.

"Tangina, Jaja, nalimutan namin yung binigay na petsa ng albularyo. Kailangan namin umuwi na agad, baka may mangyaring masama," sabi ni Macky na puno ng pangamba.

Nagtagpo ang mga mata ni Macky sa kalendaryo, at napagtanto niyang oras na para kumilos.

"Ha? Anong albularyo? Mon and Giegie were not allowed to go back to your province. My sibling hasn't recovered yet, tapos ano balak mo na namang-" pinatay na ni Macky ang telepono. Tumatakbo ang oras at ayaw na niyang makipagtalo pa sa kapatid ni Giegie.

Sinubukan naman niya na tawagan si Ylona ngunit wala ring sumasagot.

Napahinga ng malalim si Macky, nag-aalala sa nangyayari. Naisip niyang kailangang gawan ng paraan ang sitwasyon. "Kailangan kong makipag-usap sa albularyo, baka may magagawa pa kami," sabi niya sa sarili habang kumukuha ng papel at pen para talaan ang numerong ibinigay ng albularyo sa lola niya.

Bakasyon (UNEDITED VER.)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt