BAKASYON 18

51 2 0
                                    

"Panginoon naming Diyos,
Ama namin,
Ikaw po ang dahilan ng aming pagsilang,
Ikaw po ang dahilan ng aming pag-iral,
At sa iyo galing ang aming hiram na buhay,
Kaya sa alabok kami’y nanggaling
At sa alabok din naman kami babalik."

Nakatayo ang pari malapit sa hukay at may hawak ito sa kanan na holy water na ibinabasbas roon, sakabila naman ay may hawak itong biblia---  ipinatawag pa ang pari mula sa kabilang bayan at matalik na kaibigan ng lola ni Macky.

"Buong kababaang loob po kaming nananalangin sa iyo,
At nagmamakaawa,
Kalugdan mo po kaluluwa ng aming namayapang si Francine Mae Delos Reyes o mas kilala bilang Francey na pumanaw sa mundong ito
At nananatiling nasa sa iyong mga kamay. Kunin mo siya at bigyan ng katahimikan
Sa iyong kaharian
At palisin mo ang anumang mga karumihan upang siya’y maging karapat-dapat sa iyong walang hanggang kalinisan.Nasa sa iyong mga kamay, Panginoon,
Ang kanyang kaligtasan,
Iahon mo siya mula sa apoy ng impiyerno
At bigyan ng puwang sa iyong Kaharian."

Nakaharap ang magkakaibigan na kanina pa humahagulgol ng malakas sa hukay na kung saan nakalibing na si Francey, bukod kay Giegie na nakatayo lang at nakatulala. Simula ng makita ito ni Ross kanina mula sa ilalim ng kama na tila kinakapos ng hininga ay dali-dali siyang humingi ng tulong sa mga kaibigan.

Pilit nilang tinatanong ang dalaga ngunit hindi ito nagsasalita at nakatulala lamang.

Napagdesisyunan ng Lola ni Macky na bendisyonan ang bahay upang tigilan na sila ng kung ano mang elemento na nanggambala sakanila at mabigyan ng maayos na basbas ang kaluluwa ni Francey.

"Magkaroon nawa ng katahimikan,
Ang kanyang kaluluwa
Gayundin ang kanyang espiritu
At makapiling sana niya
Ang iyong kaluwalhatian
At kadakilaan
At pag-ibig na wagas. Amen."

Pumikit uli ang pari at binasbasan ang hukay ni Francey.

Pagkatapos ng kanyang ginawa ay lumapit siya sa magkakaibigan at hinawakan ang mga ito sa ulo.

"Nararamdaman kong mabigat ang enerhiyang dala-dala ng bawat isa sainyo. Nawa'y malagpasan ninyo ang mga anumang pagsubok na dadating sa'ting buhay. Lagi ninyong tatandaan na laging nariyan ang panginoong maykapal na siyang gumawa at lumikha saatin. Wag kayong mag-alinlangan na banggitin ang pangalan niya kung kayo ay nasa kapahamakan."

Ngumiti ang Pari sakanilang magkakaibigan at ganun din ang kanilang ginawa.

Niyakap ni Ylona si Giegie na nakatulala parin at walang imik sa nangyayari.

Tumalikod na ang pari sakanila at nilapitan ang Lola ni Macky upang kausapin.

Walang tigil sa pagpatak ang luha ni Ylona habang yakap-yakap niya si Giegie.

Si Mon naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari sakanila. Wala na ang isa nilang kaibigan, sakanilang pagbalik sa maynila ay li-lima na lamang sila.

Kung kumpleto sila na pumunta sa bahay ng lola ni Macky ngayon naman ay sakanilang pagbalik ay kulang na sila.

Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin sa mga magulang ng mga ito lalo na sa ama ng kaniyang pinsan na si Giegie.

Lumingon siya sa gawi ni Ylona na yakap-yakap ang kanyang pinsan.

Parang wala sa sarili si Giegie na nakatulala sa kawalan.

Kanina ay sinubukan niya itong kausapin ngunit tinignan lang siya nito at pagkatapos ay tumulala na naman.

Sakanyang palagay ay na-trauma ito sa mga nangyari sakanilang magkakaibigan kung kaya't hindi na nito kinaya.

Kanina pa niya naiisip kung bumalik na lang kaya sila sa Maynila upang ipatingin sa espesyalista si Giegie para manumbalik na ang lahat at wala ng ni-isa sakanila na mawala pa.

Tahimik lang si Macky sa isang gilid at maga rin ang mata.

Hindi niya maiwasang isisi sa sarili ang mga nangyaring kamalasan sakanila ngunit isinasantabi niya iyon dahil alam niyang hindi naman makakatulong sakanilang problema.

Tinabihan niya si Ross na wala parin tigil sa pag-iyak.

Hinagod niya ang likod nito para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman.

Alam niyang mas doble ang sakit na nararamdaman ng dalaga dahil kasintahan nito ang nawala at magpahanggang sa ngayon ay hindi na nila nakita pa.

Lumapit sa kinaroroonan niya ang kanyang Lola kasama ang Pari sa bayan.

Hindi siya umimik sa mga ito, nakatingin lang din siya sa hukay na kung saan nandun ang labi ng kanyang kaibigan.

"Apo..."  tawag sakanya ng kanyang Lola Epifania.  Lumingon naman siya rito at magsasalita pa sana siya ng unahan na siya nitong magsalita.

"May isang albularyo na tutulong sainyo upang matigil na itong gulong nangyayari sainyong magkakaibigan, taga-bayan rin ito malapit sa baryo nila Padre."

Tumango lang si Macky sakanyang lola at napaiyak sakanyang narinig.

***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

A/N:

Maikling Chapter muna ngayon HashtagPabitinEffectLang kase sa mga susunod pang kabanata may mga matutuklasan pa kayong iba at katatakutan na mae-encounter nila. So, madaling salita matagal-tagal pa itong matatapos. *clap* *clap* *sabog confetti* wieee!

May nagbabasa pa kaya nito? HHAHA charot. Pasensya na po sa napakatagal na UD ng baliw na author sa story na ituu.

Thank you parin sa mga nagbabasa at patuloy na naghihintay saaking UD. Yiee labyu poo.

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now