BAKASYON 6

1.1K 29 6
                                    

(Picture ni Giegie at Mon
<------)

Binuksan nila Edzel at Macky ang pinto ng kwarto at kumaripas sila ng takbo.

Pangalawang kwarto ang unang Binuksan nila sa kanang bahagi .

Naabutan nila si Mon na nakaheadset. 

Napalingon naman sa pinto si Mon ng makitang bukas iyon at tinanggal ang headset. 

"Bakit p're?"

Tanong ni Mon kila Macky .

"Bro, Saan yung kwarto ni Francey?"

Tanong ni Edzel

Nagkibit-balikat lang si Mon,tatanungin na niya sana ang mga ito kung bakit hinahanap ang dalaga ng kumaripas ng takbo ang dalawa.

Inisa-isa nila ang kwarto at sa hulihang bahagi sa kanan ang kwarto ni Francey. 

Nakita nila sa labas si Francey na nakatayo.

"Anong nangyari,Francey?"

Tanong ni Macky kay Francey na takot na takot. 

"May t-tao sa loob."

Maikling sabi ni Francey at nanginginig pa ang kamay habang nakapamewang.

Mababakas ang takot sa boses nito.

Pinasok nila ang silid ni Francey.

Nakita nila ang caretaker ng bahay na si Mang Badong. 

" Kayo lang po pala Mang Badong.Tinakot n'yo naman po yung kaibigan ko.  Ano po bang ginagawa nyo dito? "

Tanong ni Macky na makita sa loob ang nakaluhod na caretaker nila.

"Ay kaya pala! " tumayo na ito sa pagkakaluhod at pinagpagan ang tuhod. "Pagkapasok n'ya bigla na lang s'yang sumigaw at lumabas ng kwarto...Pasensya na kamo.Hinahanap ko lang si 'Eveready' kanina ko pa hindi makita,mahilig pa naman yun pumunta sa ilalim ng kama."

Kakamot-kamot na sabi ni Mang Badong may tono pa ang pagsasalita nito dahil sya'y laking probinsya. 

"Ah,nariyan lang yun.Alam n'yo naman pong gala yun e."

" O,sige hijo at may lilinisin pa ako sa ibaba."

Tumango pa ito kay Macky at paika-ikang lumabas ng kwarto.

"Sige po"

Magalang na sabi ni Macky at napansin din pala ang paika-ikang lakad ng caretaker.

Tinignan ni Francey ang matanda mula ulo hanggang paa at nang makalabas ito ng tuluyan ay agad n'yang inirapan. 

"Who the h*ll is 'eveready'?! Geez,natakot ako sa matandang yun.He looks like a murderer kase!"

Maarte at galit na sabi ni Francey. 

"Francey,pusa yun ni Mang Badong at wag kang magsalita ng ganyan."

Hindi maitago ni Macky ang inis sa pananalita ng dahil sa sinabi ni Francey. Maski matanda ay hindi nito ginagalang.

"Whaaat?! Pusa lang pala tapos grabe s'yang mag-alala,pinasok n'ya pa tong room ko and then pusa lang pala ang hahanapin! So nakakainis naman."

Sunod-sunod na sabi ni Francey at pumadyak-padyak pa.

"Alaga kase yun ng yumaong asawa ni Mang Badong."

Sagot ni Macky sa tanong ni Francey.

"I don't care! "

Hinayaan na lang ni Macky si Francey na magreklamo ng reklamo. Tinalikuran na niya ito para hindi na siya kausapin.

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now