BAKASYON 10

781 24 3
                                    

Dedicated to roseannpagar na patuloy parin sa pagbabasa kahit napakatagal ko mag-UD Salamat po talaga ^____^

***

ALAS-TRES ng hapon...

Bumaba na sila Ross at Giegie upang hanapin ang selpon ng kasintahan.

Naabutan naman nila si Ylona kasama si Mon, nag-uusap ito sa may salas.

Hindi nila ito ginambala dahil animo'y mahalaga ang mga pinag-uusapan nito.

Lumabas na sila ng bahay at sinuyod ang buong talahiban, nagsimula silang pumunta sa pinag-tambayan nila ng kasintahan,ngunit wala talaga ang selpon ng kasintahan.

"Saan ba talaga naibato ni Edz yung selpon?"

Tanong ni Giegie.

"Dito lang 'yon---"

Hindi nya na naituloy ang sasabihin dahil may gumalaw sa dulo ng talahiban.

"Nakita mo yun?" turo ni Ross sa likod nila ng makitang gumalaw ang talahiban "Gumalaw yung talahiban baka may tao o may hayop na mabangis!"

"Ha? Wala naman, baka guni-guni mo lang yun o humangin lang. Tara na nga baka nga mabangis na hayop pa 'yon."

Hinila na ni Giegie si Ross paalis.

"Ross, kamusta na kaya si tita no?"

Tanong ni Giegie sa kaibigan ng sumagi sa isipan niya ang naka-confine na ina ni Ross.

Kahit hindi pa niya ito nakikita o nakikilala dahil nga nasa ospital ito ay concern parin siya sa lagay dahil ina ito ng kanyang kaibigan.

"Oo nga e, miss na miss ko na si mama. Gusto ko na siyang makausap atsaka sana gumaling na s'ya"

Ipinahid ni Ross ang kaunting luha na tumulo sa kanyang pisngi, napansin naman iyon ni Giegie kaya iniba na lang niya ang usapan.

"Ross parang lately nagiging weirdo na ako, kung ano-ano na yung nakikita at naiisip ko---"

Naputol ang sasabihin ni Giegie ng sumenyas si Ross na itigil ang pagsasalita.

Pinakiramdaman nila ang paligid at inilibot ang paningin. Laking pagtataka nila na nandun parin sila sa talahiban na kanina pa nila nilisan!

***

Umakyat na si Ylona sa kanyang silid at iniisip parin ang pinag-usapan nila ni Mon.

Naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman at hindi nya magawang masagot ang tanong ni Mon sa kanya. Nagbalik-tanaw uli sa kanya ang kanina nilang pinag-uusapan.

Nagulat s'ya ng biglang hilahin ni Mon ang kanyang braso habang naghuhugas sya ng kanilang pinagkainan.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

huminga muna ng malalim si Ylona bago tumango at umupo sila sa sala.

"uhmmm,Ylona" tumingin naman si Ylona kay Mon "Naaalala mo ba yung first year high school pa lang kayo ni Giegie at magkaklase?" kumunot lang ang noo ng dalaga at ipinagpatuloy ng binata ang pagkukwento. "Yung araw na binubully nila si Giegie nun dahil sa pisikal niyang katawan,wala ako ng araw na iyon para bantayan ang aking pinsan. Kahit hindi mo pa s'ya nun kilala at kahit si Ross palang yung matalik mong kaibigan nun ipinagtanggol mo sya sa mga nambubully sa kanya, nagtamo ka pa ng iba't ibang pasa at sugat sa katawan." Tumango si Ylona ng maalala ang kanyang dinanas noon. Muntik pa nga siyang pagalitan ng ina dahil sa gulo na kinasangkutan niya ngunit ng dahil kay Mon ay hindi na siya pinagalitan ng ina. Ngumiti ito sa binata ng maalala ang senaryong iyon.

Bakasyon (UNEDITED VER.)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα