BAKASYON 8

766 30 2
                                    

(Picture ni Macky <-----)

Papalapit ng papalapit ang matanda sa kanila.

"L-lola?!"

Gulat na sabi ni Macky nang mapansin ang lola n'ya pala ang nakatayo sa kanilang harapan halatang naistorbo ito sa pagkakatulog.

"Ano ba ireng mga bata ito parang nakakita ng multo." Sabi ng lola ni Macky at tinitigan isa-isa ang mga kaibigan ng kanyang apo.

Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad ngunit naririnig parin nila ang sinasabi ng lola ni Macky.

"Mahimbing akong natutulog tapos ang i-ingay n'yo puro mga 'espiritu, espiritu' yung naririnig ko nakakarindi. Hindi pa magsi-tulog ireng mga to. Ke babata-bata mga mukhang gumagamit ng droga."

Napayuko ang magkakaibigan dahil sa hiya.

"Lola kayo rin po ba yung nag patay ng ilaw? Atsaka yung nag-salita kanina?"

Tanong ni Macky sakanyang lola na tumigil sa paglalakad at humarap sakanyang apo.

"Aba'y Oo, napaka-ingay ninyo alam n'yong may natutulog na...Kaya pinatay ko yung saksakan ng kuryente mga batang ire, di pa magsi-tulog mag-mamadaling araw na. May pabilang-bilang pa kayo kanina kaya nakisabat ako, kung ano-ano pa yung ginagawa ninyo." Umiiling-iling na sabi nito.

"Ikaw bata ka Macky daig mo pa ang nag dodroga may pabilang-bilang ka pa. Matulog na kayo at magpahinga"

Napangiwi naman silang magbabarkada dahil sa sunod-sunod na panenermon nito sakanila.

Napalunok naman si Macky dahil sa sama ng tingin ni Francey sakanya na isinisisi sakanya ang nangyari.

Nagsipag-akyatan na ang magbabarkada. Walang nakakaalam sa kanila na nagtagumpay silang tumawag ng ligaw na kaluluwa.

***

SAMANTALA...

"Haynako! Sinasabi ko na nga ba niloloko lang ako nung lolong pinagbilhan ko ng libro, sisipain pa tuloy ni Francey yung kinabukasan ko. Lintek"

Sabi ni Macky at humiga na
sakanyang kama.

Malungkot na nakatitig ang matandang babae sa nakapikit na si Macky.

***

ALAS-DOS ng madaling araw.

"Hmmm"

Naalimpungatan si Ylona ng maramdamang bumaba sa kanyang paanan ang kumot na nakalagay sa buo n'yang katawan.

Hinila n'ya pataas ang kumot sa kanyang mukha at bumaluktot ng higa.

Nararamdaman n'ya na bumababa ulit ang kumot unti-unti sa kanyang mukha.

Napadilat s'ya at tumingin-tingin sa paligid kung may tao ngunit wala.

"M-Macky?!"

Napabulalas na sabi ni Ylona. Akala nya na binibiro siya ng kaibigan.

Nilibot n'ya ang kanyang paningin sa loob ng kanyang kwarto ngunit walang Macky ang kanyang nakita.

Ipinilig na lang n'ya ang kanyang ulo at humiga ulit, at ipinagpatuloy ang naudlot na pagkakatulog.

Sa dulong bahagi ng sulok ng kanyang kwarto ay naroon ang matandang babae nakatingin lang sakanya.

***

Bumaba naman ng silid si Ross dahil sa pagkakauhaw pumunta s'ya sa kusina para kumuha ng baso at pitsel sa pridyider.

Hindi pa sya nakakainom ng may tumawag sakanyang pangalan.

Bakasyon (UNEDITED VER.)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt