BAKASYON 3

926 36 5
                                    

NAPABUNTONG hininga na lang si Ylona dahil sa kakulitan ni Ross. Patuloy parin na umaagos ang luha sa magkabila niyang pisngi.

Pilit niya itong pinupunasan pero parang gripo ito na hindi maubos-ubos ang luha sakanyang mata.

Tumayo siya ngunit nakaramdam s'ya ng pagkahilo.

Unti -unting nagdidilim ang kanyang  paningin. Pinunasan niya ang mata,pero hindi luha ang dahilan ng pagkalabo ng kanyang mata.

Umiikot ang paligid.

Mabagal at biglang bibilis. Tumingin siya sa gawing pintuan at may naaninag siyang bulto ng tao.

Pilit niya iyong kinikilala kung sino pero dahil sa nagdidilim na ang kanyang paningin at hindi na niya makita ang nasa paligid.

Nawalan na s'ya ng malay kasabay ng pagsalo ng isang bulto ng tao.

"Ylona! "

***

NASA VAN na ang magkakaibigan,kumpleto na sila dahil napapayag narin nila si Ylona na sumama.

Kasalukuyan silang nagmamasid-masid sa dinaraanan ng van ni Macky. Kung kanina ay puro matataas na gusali ngayon naman unti-unti nang napapalitan ang kanilang dinadaanan ng maraming puno.

Senyales na malapit na sila makapunta sa kabilang bayan.

Magkatabi ang magkasintahan na sina Edzel at Ross. Nasa unahan naman sila Giegie at Francey.

Habang si Macky ay nagmamaneho ng kanilang sinasakyan.

***

SAMANTALA...

Busy sa kakatanaw sa labas si Ylona habang katabi n'ya si Mon na titig na titig sakanya.

Tumigil ang kanilang sinasakyan na van.

"Bakit tayo tumigil,Macky?"

Naguguluhang tanong ni Francey

"Mukhang may pinagkakaguluhan dun."

Turo ni Macky at sinundan ng tingin ang mga nakapalibot na pulis sa tabi ng kalye.

Tumayo ang lahat at lumapit sa harapan ng Van. Nakikiusyuso sila kung ano ang meron dahil maraming tao at mga pulis sa paligid.

Pilit na sumisilip sa labas ng van si Giegie sa pinagkakaguluhan ng mga pulis. Humawi ang mga iilan na tao at nanlaki ang mata ni Giegie sa nakita.

"Guys! May matandang babae na nasagasaan. Jusko po!"

Gulat na bulalas ni Giegie. Kitang-kita niya mula sa loob ng van ang nakahandusay na matandang babae. Duguan ito at ang mga paa naman ay nilalangaw na.

"Saan?!"

Pilit na sinilip rin ni Edzel ang nakita ni Giegie.

"There oh,yung may takip na newspaper sa mukha."

Turo ni Francey sa unahan sa gilid ng kanilang sinasakyan.

May inaaninag naman si Ylona sa di kalayuan na parte na puro damo ang makikita.

Isang matandang babae na nakaputi na animo'y may sinasabi sakanya at nakatayo mag-isa.

Hindi niya maintindihan ang sarili ng kinilabutan siya ng ngumiti ito sakanya.

Pilit rin siyang ngumiti sa matanda at pinakatitigan mabuti.

"Ylona? Ano yang tinitignan mo diyan?"

Hindi mapigilang tanong ni Mon. Kanina pa siya naguguluhan sa katabi na may tinititigan at mas lalo siyang naguluhan na makitang ngumiti ito doon.

"Ah. May matandang babae kase dun"
Lumingon siya kay Mon at tinuro niya ang kinatatayuan ng matandang babae na ngayon ay wala na dun. 

'N-nasan na? P-paanong nawala bigla?'

Nagtatakang tanong ni Ylona sa sarili.

"Saan? Wala namang tao puro puno,damo at talahiban lang yung nakikita ko."

Kunot-noong sabi ni Mon.

"N-naka puti siya kanina tapos parang may sinasabi s'ya sakin,kaya lang hindi ko maintindihan."

Pilit na sinasabi ni Ylona sa katabi na nakita niya talaga ang matandang babae at nakangitian pa nga niya.

"Baka guni-guni mo lang 'yon. Wag mo na lang pansinin."

Sa sinabi ni Mon,naisip nga lang ni Ylona na baka namamalikmata lang siya dahil sa mabigat na problema niya sa Mama niya kaya kung ano-ano na lang naiisip niya,dahil buong biyahe iniisip niya kung nag-aalala ba ang mama niya kakahanap sakanya o inuuna na naman nito ang pagtatrabaho.

Bago kase siya magkamalay,napagdesisyunan niyang sumama na lang kesa patuloy na magmumukmok sa kwarto at naisip niyang kung sasama kaya siya ay mapapansin na siya ng kanyang ina na wala siya sa bahay nila? Mag-aalala kaya ito sakanya?

Binalewala na lang niya ang nakita at  ibinalik ang tingin sa unahan kung saan may nakahandusay na matandang babae at mga nakapalibot na pulis.

" Edzel,ano ba?!"

Narinig n'yang sabi ng matalik niyang kaibigan na si Ross. Napatingin din sa gawi nila si Mon.

Asar na asar ang mukha ng dalaga at pilit na kinukuha ang hawak ng kasintahan.

"Vini-videohan ko lang naman,babe e."

Malambing na sabi Edzel at ngumuso pa sa dalaga habang vini-videohan ang bangkay na may takip sa mukha na d'yaryo .

"Eww! Kadiri ka naman,Edz. Tigilan mo nga yan!"

Nandidiri na sabi ni Francey at nakiagaw narin sa Video Cam na hawak ni Edzel.

Iniiwas naman ito ng binata at inaasar-asar pa si Francey na gigil na gigil sakanya.

"Burahin mo na yan,Edzel! Patay na nga yung tao e ginaganyan mo pa. Bad ka talaga! "

Sabat ni Giegie ngunit hindi parin natinag si Edzel sa sinasabi ng kanyang mga kaibigan. Pinagpatuloy niya ang pagvi-video sa bangkay na pinapalibutan ng mga pulis.

Napailing na lang s'ya sa kakulitan ng kanyang kaibigan na si Edzel dahil vini - videohan nito ang bangkay nang babae na nasagasaan.

Para tigilan na ni Edzel ang pagvi-video unti-unting ipinaandar ni Macky ang kanilang sinasakyan at nagwala naman sa inis si Edzel na parang nagta-tantrums na bata.

****

*Don't forget to click the vote if you liked this chapter*

Itutuloy...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora