BAKASYON 17

123 4 0
                                    



PABALI-BALIKWAS si Giegie na nakahiga sa kama ni Ross. Kahit na nakitabi pa siyang matulog sa kaibigan ay hindi parin siya makatulog.

Lahat sila ay maga ang mga mata dahil sa pagkasawi ni Francey.

Kanina ay nailibing nila at ang lola ni Macky ng maayos ang bangkay ni Francey.

Tumagilid siya ng higa at ipinikit ang mga mata, nagbabaka-sakali na makatulog na siya ng maayos.

Tumulo ang luha sakanyang pisngi kahit na nakapikit siya.

Naalala niya si Francey, kahit na puro bangayan at away sila ay tinuturing niya parin itong isang matalik na kaibigan.

Walang tigil sa pag-agos ang kanyang luha at hindi na niya napipigilan ang paghikbi.

"Giegie, ano ka ba naman?! Hindi ka ba nahihiya kay daddy at nagpapunta ka pa ng mga bisita dito! Alam mo namang busy si dad sa pagtatrabaho sa opisina niya tapos may gana ka pang magpa-party rito sa bahay! Hindi ka talaga nag-iisip! Naturingan kang mas matanda satin tapos ganyan yang pag-uugali mo!"

Sunod-sunod na bulyaw ni Jaja sa nakatatanda niyang kapatid na si Giegie.

Inis na inis si Jaja dahil sa mga malalakas na tawanan ng magbabarkada, kaarawan kase ng ate niya at hindi niya inaasahan na may mga kaibigan pala ito at mga bisita.

Hindi naman totoo yung sinasabi niya kanina kay Giegie na maiistorbo sa pagtatrabaho ang dad niya, kundi naiirita at naiinggit siya sa kapatid dahil walang dumalo nung kaarawan niya at wala rin siyang ni isang kaibigan.

Natigil ang lahat at nasa magkapatid na ang buong atensyon ng buhusan ni Jaja ng juice sa damit si Giegie.

Hindi makapagsalita at gulat na gulat naman si Giegie sa inasta ng kapatid niya.

Dali-daling pumagitna si Francey sa dalawa at malakas na sinampal si Jaja na siyang napaupo sa sahig.

Ngumisi si Francey ng mamula ang pisngi ng dalaga.

"Yan ang napapala ng mga katulad mo. Bitch!"

Sabi ni Francey at hihilahin na niya sana ang buhok ni Jaja ng bumaba ang ama nila Giegie.

"D-dad!"

Tumayo si Jaja at nangingilid ang luha na lumapit sa dad niya at niyakap ito ng mahigpit.

"D-dad s-si Ate! S-sinaktan n-niya po ako."

Sumbong ni Jaja sa ama niya.

"TOTOO BA ITO,GIEGIE?!"

Malakas at galit na galit na sigaw ng ama niya.

Magsasalita na sana si Francey upang ipagtanggol ang kaibigan, nang pigilan siya ni Giegie.

Lumakas ang paghagulgol ni Giegie ng maalala niya ang pagtangka nitong ipagtanggol siya ni Francey.

"Giegie"

Idinilat niya ang mga mata at tuloy parin sa pag-agos ang kanyang luha.


"Giegie"

Hinanap niya kung saan at sino ang tumatawag sakanya.

Tumayo siya at sinilip ang mahimbing na natutulog na si Ross.

Kumunot ang noo niya at pinakinggan mabuti ang tumatawag sakanya.

Ilang minuto rin siyang nakatayo at inaantay ang muling pagtawag sakanya.

'Guni-guni ko lang siguro'

Sabi niya sakanyang isip ng hindi na niya marinig pa ang pagtawag.

Sasampa na sana siya sa kama ng may mapansin siyang kumikinang sa ilalim nito.

Pinagmasdan pa niyang mabuti pero hindi niya talaga maisip kung ano ang bagay na iyon kaya dahan-dahan niyang pinasok ang kamay niya sa ilalim ng kama.

Malapit na niyang maabot ngunit gumalaw iyon palayo sakanya.

Nagtaka siya kung bakit gumalaw ang bagay na kumikinang.

Pilit niyang inaabot, isang pulgada na lang ang layo nito sakanya kaya sinikap pa niyang maabot iyon.

Nahawakan na niya ang dulo---isa iyong pulseras na kulay pula!

May malamig siyang naramdaman sa braso niya.

Yumuko siya ng maigi upang maaninag kung ano iyong malamig sakanyang braso.

Nanlaki ang mata niya ng maisip na may malamig na kamay ang nakahawak ng mahigpit sa braso niya!

Pilit niya iyong hinihila ngunit pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak sakanya.

Nagpupumiglas siya at ang isang braso niya ay itinungkod niya sa sahig upang makabwelo.

Napatili siya ng malakas ng matandang lalaki pala na nakangisi ang nakahawak sa braso niya.

Nanlilisik ang mga mata nito at may krus na nakabaliktad na nakaukit sa noo nito.

Tumili pa siya ng tumili sa pag-asang maririnig siya ng kaibigan ngunit mahimbing lang itong natutulog na para bang walang naririnig.

Nagsisi-sigaw at nagpupumiglas si Giegie laban sa matandang lalaki.

"ARGHHH! DEMONYO KA! BITIWAN MO 'KO!"

Namumula at tila mababali na ang braso ni Giegie dahil sa higpit ng pagkakahawak ng Matanda.

Pilit na hinihila si Giegie papasok sa ilalim ng kama.

Nangingilid ang luha ni Giegie dahil tuluyan na siyang nahila ng matandang lalaki.

Sinakal siya at parang wala sa sariling tumatawa ang matandang lalaki.

"De...mon...yo ka!"

Nahihirapan na sabi ni Giegie dahil pahigpit ng pahigpit ang pagkakasakal sakanya.

"F-francey!"

Nakangiti at nakalahad ang kamay ni Francey kay Giegie. Hinawakan iyon ni Giegie.

Nanlalabo ang paningin ni Giegie at kinakapos narin siya ng hininga.

Lumingon lingon sya sa paligid sa pag-asang baka naroroon pa ang mga matatalik niyang kaibigan.

Nahagip ng mata niya ang matandang babae na nakatayo sa gilid ng pinto. Malungkot na nakatingin sakanila ang matandang babae.

Napakaaliwalas ng aura nito.

Nabuhayan ng loob si Giegie.

"T-tulong"

Hindi niya alam kung bakit niya iyon sinabi at ngumiti siya sa matandang babae.

Kasabay ng pagdilim ng paligid.

***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora