BAKASYON 11

732 25 1
                                    

Dedicated to Diwani05 dahil sa patuloy niyang pagbabasa.
Thank you. ^_____^

***
Nakatulala si Francey sa dalawang nakahilata sa sofa--sila Giegie at Ross na may mga bakas ng kamay sa leeg at walang malay.

Kanina pa umiiyak si Ylona,Edzel at maging siya rin. Dahil naguguluhan sya sa nangyayari.

Nagbalik sa kanyang isipan ang sinasabi ng matandang babae.

"Nasa peligro sila"

Inalis na lang ni Francey ang nasa isipan at baka guni-guni nya lang iyon.

Kanina ng sumigaw s'ya ay dumating si Mon at ang lola ni Macky,nagkaproblema daw sa kable ng kuryente.

Chineck naman ni Macky ang mga pulso nito at may mga pintig parin ito,hindi rin mapakali si Mon sa nangyayari sa kanila.

Lumapit ang lola ni Macky sa dalawang babae na nakaratay sa mahabang sofa at may dala-dalang palanggana na may lamang towel at langis.

"Si lola ay dating gumagawa ng mga herbal na gamot kaya maiibsan ang sakit sa leeg nila."

Pinunasan muna ng lola ni Macky ang mga leeg ng ito bago pinahidan ng langis na kulay berde.

"Pagsabihan mo nga ang mga kaibigan mo Macky,na huwag lumabas kapag hatinggabi kaya iyan napaglaruan ng mga nilalang sa talahiban"

Tumango naman si Macky sa kanyang lola.

"Maya-maya ay magkakaroon din iyan ng mga malay"

Iniligpit na ng lola ni Macky ang mga gamit at umakyat na ito sa silid upang magpahinga.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nagkamalay na si Ross at Giegie.

Pinagsabihan naman ni Edzel ang kasintahan at si Giegie na huwag lumabas ng gabi at hayaan na lang ang kanyang selpon at baka hindi lang ganon ang mangyari sa kanila.

" Pero hindi kami lumabas ng gabi, hapon yun!"

Katwiran ni Giegie kay Edzel.

"Oo nga, sabihin na nating lumabas kayo ng hapon pero maari rin kayong paglaruan ng mga engkanto sa talahiban,kaya nila kayong iligaw lalo na at hindi kayo mga taga-rito!"

Sagot ni Macky kay Giegie.

"Pero hindi engkanto ang
na-encounter namin kundi dyabl---"

Dagdag na sabi ni Ross,natigil s'ya sa pagsasalita ng halikan s'ya sa labi ni Edzel.

"Huwag na huwag mo nang uulitin iyon bebs, hindi ko kakayanin kapag na wala ka sa tabi ko."

Ngiti at halik ang tugon ni Ross sa kasintahan.

Nakita naman ni Macky na malungkot si Giegie kaya nagpatawa na lang sya, ngunit hindi parin ito natinag kaya naisip nya na lang na ipagpatuloy ang laro tutal gusto naman ni Giegie ng adventure.

"Guys,Tara para makalimutan nyo 'yang problem nyo at hindi mga nakasambakol yang mga mukha nyo ay maglaro na lang ulit tayo."

Nakita n'ya na biglang nagliwanag ang mukha ni Giegie at ngiting-ngiti ito.

Alam nya kase na gusto parati ni Giegie ng adventure, hindi naman talaga malungkot sila Ross animoy nakalimutan na nga ng mga ito ang nangyari kanina dahil sa paglalambing ni Edzel,sadyang gusto nya lang maging masaya ang kanyang mga kaibigan.

"Don't tell me yung libro na naman iyon."

Hindi na umiiyak si Francey sa nangyari dahil ayaw nyang laging bad vibes ang kanilang grupo kaya idinadaan nya na lang sa pagtataray.

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now