BAKASYON 30

3 0 0
                                    

DAHIL sa orasyon ni Tagpo, lumitaw ang pinto patungo sa lugar kung saan ang tirahan ng diablo.


Nakahiga na sa magkabilang ataul ang magkaibigan na si Ylona at Mon.

Si Macky naman ay kinakabahan na nakatingin sa mga ito, alam niyang magagawa ito ng maayos ng mga kaibigan niya.

Malaki ang tiwala niya sa mga ito.

Bawat hakbang ay may lamang tensyon at takot kila Ylona at Mon ngunit hindi sila nag-atubiling magpatuloy. Naroon na sila, handa nang harapin ang diablo at iligtas ang mga kaibigan.

"Pumasok kayo sa pinto" narinig nila ang boses ni Tagpo.

Nagkatinginan muna sila ni Mon at hawak-kamay na pumasok.

Damang-dama nila ang malamig na simoy ng kakaibang hangin na tila nagbabadya na may masamang mangyayari.

Biglang lumitaw ang matandang lalaki sa gitna ng dilim, tila ba naghihintay ito sakanilang dalawa. "Mga mabubuting tao, paanong kayo napunta dito? Dapat kayo'y nasa ibang daigdig na hindi nararapat sa inyong kaluluwa!" malakas na sabi nito.

Humigpit ang pagkakahawak ni Mon kay Ylona, handa niya itong protektahan mula dito.

Dala ang banal na tubig at mga rosaryo, tila ba naglalabas ng liwanag ang magkaibigan.

"Hinding-hindi matatalo ng kasamaan ang kabutihan!" mariing sabi ni Ylona habang buong tapang na tinitigan ang matandang lalaki.

Humalakhak ang matandang lalaki sa mga ito na tila nang-aasar.

"Talaga bang iniisip niyo na ang mga iyon ay mabubura ng inyong liwanag? Sige, subukan natin," sabay ngiting nakakatakot na bumalot sa mukha ng matandang lalaki.

Dali-daling inilabas ni Ylona ang banal na tubig sakaniyang bewang.

Hindi nya maigalaw ang kamay palabas!

Tila kinokontrol siya ng diablo!

"

Malakas ka nga, ngunit sa huli, ang liwanag ay mananaig sa dilim. Hindi mo kami matatalo!" sigaw ni Mon na puno ng determinasyon.

Lumapit ang tumatawang matandang lalaki sakanila. "Hindi nga kayo makalaban" tumatawang sabi nito sakanila.

Bigla itong nag-iba ng anyo, at isang malakas na hangin ang umikot sa paligid. Ngunit hindi nagtagal, natunaw ito sa naglalabasang liwanag ng banal na tubig ni Ylona.

"Isang hamon lamang ito sa ating misyon. Ang totoong pagsubok ay hindi pa dumaan. Magsanay kayo, sapagkat ang panganib ay magiging mas matindi," babala ni Tagpo na biglang dumating at may hawak na banal na tubig.

Itinapon niya ito sa diablo kaya nawala.

Dali-dali namang tumakbo ang magkaibigan.

Hawak-kamay parin sila na naghahanap sa mga yumao nilang kaibigan.

Tinatawag nila ang pangalan ng mga ito ngunit walang sumasagot.

Lakad parin sila ng lakad sa madilim na gubat.

Hanggang sa kanilang paglalakbay sa madilim na gubat, biglang bumukas ang isang lihim na daraanan na tila ba naglalabas ng kakaibang ilaw. Tinungo ito ng magkaibigan na pusong nagdadasal na mahanap ang mga kaibigang nawawala.

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now