BAKASYON 12

667 23 11
                                    

Dedicated to : applejean16  Thank you B-reider!

Happy Reading po ^_____^

****

WALA silang sinayang na oras sa paghahanap kay Edzel.

Kumawala sa bisig ni Giegie si eveready hahabulin n'ya na sana ito ng may humawak sa kanyang braso.

"Pabayaan mo si eveready,
Mahahanap nya si Edzel atsaka makakabalik yun sa oras na makita nya si Edzel."

Sabi sakanya ni Macky, naisip nya yung sabi sa libro na mas best maghanap ang mga itim na pusa kesa sa mga aso pagka-eksaktong alas-dose ng gabi dahil nasasapian daw ito ng mga kaluluwa na taglay na tumulong sa mga nawawalang tao o napaglaruan ng mga elemento.

Hiwalay-hiwalay na naghanap silang magkakaibigan.

Si Macky at Giegie ang magkasama.

Sa kabilang banda naman sina Ylona,Ross,Mon at Francey.

Ayaw kasama ni Giegie si Francey kaya kila Mon ito sumama.

***

" EDZEL! EDZEL! EDZEL! "

" EDZEL! EDZEL! EDZEL! "

" EDZEL! Nasan ka na! Lumabas ka na! Tapos na yung laro! "

Sigaw ni Ylona,Mon at Francey. Si Ross ay nakatulala lang at panay ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi.

Nagimbal si Francey sa kanyang naapakan dahil animo'y umaalingasaw pa ang amoy nito.

Napasigaw sya ng mapagtantong si eveready pala ang durog-durog ang katawan at nakakalat ang mga laman-loob na naliligo sa sariwa nitong dugo.

Alam n'yang si eveready ito dahil may bell ito sa leeg at may nakaukit na letrang E sa bell nito.

Napansin naman 'yon nila Mon kaya napatakip si Mon sa ilong at nanlalaki ang mga mata ni Ylona.

Sumuka ng sumuka si Francey ng pagmasdan ang pusa na animoy hinalukay ang loob ng katawan.

Si Ross naman ay panay na ang paghagulgol kaya niyakap ito ni Ylona upang mahimasmasan.

Bumalik sa isipan ni Ross ang sinabi kanina ng kanyang nobyo.

"Wag mong alalahanin iyon,walang mangyayaring masama saiyo hindi kita pababayaan,malalagot sila sa akin,atsaka spirits ang tatawagin natin hindi mga engkanto,dwende,o mga aswang,kaya walang pwedeng manakit sayo."

Lalo syang humagulgol ng iyak sa dibdib ni Ylona.

"Anong ginawa kong masama? B-bakit s'ya pa?! Ako na lang sana!"

Nagwawala na si Ross kaya binuhat ito ni Mon upang maiuwi na sa bahay ng lola ni Macky,dahil bigo silang mahanap si Edzel!

***

BUMALIK na sila sa bahay ng lola ni Macky lahat sila tulala at walang umiimik.

Si Ross ay tulala at nakatingin lang sa kawalan at parang wala sa sarili.

Ginulo ni Macky ang kanyang buhok at mariin na sinabunutan ang sarili.

"KASALANAN KO ANG LAHAT NG ITO! KUNG HINDI KO SANA KAYO PINILIT HINDI MANGYAYARI 'TO,EDI SANA KUMPLETO PA TAYO!"

Sinisisi ni Macky ang kanyang sarili dahil sa nangyari kanina at hindi nya mapigilan ang luha na umagos sa kanyang pisngi.

Pinunasan nya ito at nagmamadaling umakyat sa itaas.

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now