BAKASYON 24

2 0 0
                                    

"BAYAD mo sa upa?" Masungit na tanong ng landlady kay Macky.

Nakahinga ng maluwag si Macky, akala niya kasi na diablo na naman yon. Ngunit nawala ulit ang ngiti sakanyang labi ng maalala na sobra-sobra nga pala ang binigay niyang pera sa gasolinahan.

"Ahh, next month promise!" Ngiti niya rito at dali-daling sinarado ang pinto.

Narinig niya pa na nagmura ang landlady bago umalis.

***

"ANO ba miss?! Magpapakamatay ka ba ha! Kung oo, wag mo kami idadamay diyan!" Sigaw ng driver kay Ross.

Walang nasagot si Ross, tanging pag iyak lamang ang ginawa niya.

***

2 WEEKS AGO

Halos lahat ng mga kaklase ni Ylona ay nandodoon ang mga magulang upang sabitan ng medalya sa leeg ang kanilang mga anak.

Siya lamang ang academic achiever na nandodoon at walang magulang na kasama.

Hindi niya katabi ang mga kaibigan. 2 weeks silang walang balita sa isa't isa simula ng bumalik sa Manila. Dahil narin siguro sobrang bigat parin ng nangyari at mga pinagdadaanan nila.

Ngayon ang graduation day nila, at hindi pa niya nakikita roon ang mga kaibigan niya.

Lumingon siya sa paligid at nakita niya na kakapasok lamang ni Mon at Macky na tila nagkagulatan pa sa isa't isa.

Nangunot ang noo niya ng makitang wala pa si Ross.

Simula ng makauwi si Giegie sakanila ay pinagagamot na ito ng ama sa bahay, kaya hindi na siya nagtaka kung wala ito sa araw ng graduation.

Lumingon ulit siya sa harapan ng biglaang mapatingin sa gawi niya si Mon.

Hindi niya alam kung bakit simula ng makita niyang humilig si Ross sa balikat nito ay doon niya gustong iwasan na lamang ang binata.

Nagulat siya ng biglaang umupo sa gilid niya si Macky at cinongrats siya.

Ngiti lang ang binigay niya dito at binalik na ulit ang tingin sa stage.

Nasa gilid kasi ni Macky si Mon at alam niyang nakatitig ito sakaniya.

Malapit ng tawagin ang pangalan niya sa mga bibigyan ng awards pero hindi niya maiwasan na malungkot. Wala kasing magsasabit sakaniya ng medalya.

"Ylona Takahashi, Top 1 from the class of Section-2." Sabi ng advisory class nila.

Humiyaw naman si Macky upang icheer ang kaibigan.

Pilit na ngumiti si Ylona at dahan dahang umakyat ng stage.

Luminga-linga ang guro nito at hinahanap kung nasaan ang parent na magsasabit sakaniya ng medalya.

"Ahm, Ma'm hindi po makakarating-" naputol ang sinasabi ni Ylona sakanyang guro.

Nasa stage na si Mon at hawak-hawak ang medalya niya.

Ngumiti ito sakanya at sumenyas na yumuko siya.

Yumuko si ylona at dahan-dahan naman itong sinukbit ni Mon sa dalaga.

Congratulations, Ylona. I'm proud of you," sabi ni Mon, na siyang kinangiti ng sobra ni Ylona.

Nahimasmasan si Ylona at ngumiti, "Salamat, Mon. Salamat sa pagpunta mo dito. Medyo nalulungkot lang ako at wala si Mommy" sabi niya rito.

"Alam ko, Ylona. Pero andito ako para sayo. Kasama mo kami," sagot ni Mon at yinakap siya nito ng mahigpit na siyang kinagulat niya.

Tumigil si Mon sa pagyakap at tiningnan si Ylona sa mga mata, "Ylona, may mga bagay na hindi kayang punan ng tagumpay. Pero sa pagkakataong ito, sana kahit papaano, maramdaman mo yung saya."

Malalim na tumitig si Ylona dito at ganon din sakanya si Mon.

"Congrats, Ylona! Grabe, ang galing mo! Bumaba na kayo rito at tara na, mag-celebrate tayo," sigaw ni Macky na siyang kinaputol ng pagtitigan nilang dalawa.


***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon