BAKASYON 13

631 21 5
                                    

Dedicated to marieviemroales
Thank you sa patuloy mong pagbabasa at pag-votes!

***

ALAS-DIYES ng gabi nagtipon-tipon na sila sa sala upang pag-usapan ang kanilang gagawin.

Kinuha ni Mon at Macky ang pala para pambungkal ng lupa.

Si Ylona naman ay abala sa paglalagay ng itim na kandila paikot sa kanila,at si Giegie at Ross na tumutulong din ilabas ang mga gamit sa likod bahay.

***

LINGID sa kaalaman ng lahat, nakasilip sa siwang ng pintuan si Francey.

Sinusubaybayan ang mga kilos nila.

Lalo syang napasimangot ng makitang hindi s'ya hinahanap ng mga ito.

'Wala kayong kwentang kaibigan,pare-parehas lang kayo ng mga ugali!'

Inis na sabi nya sakanyang isipan.

Pumasok na sya sa loob ng kanyang kwarto at pabagsak nyang inihiga ang katawan.

Nagbalik-tanaw sa kanyang isipan ang mga masasayang alaala nilang magkakaibigan noong kumpleto pa sila.

"Dito ka nga sabi e!"

Nakasimangot na turan ni Francey.

"Ehh,ayoko nga! Hindi ako kita diyan. Bleh!"

Nang-aasar na sabi ni Macky.

"Mas lalo naman akoooo!"

Sigaw ni Francey sa tenga ni Macky.

"Aray! Ha?! Oo na!"

Nakasimangot na gumilid si Macky.

Pumapalakpak naman sa tuwa si Francey dahil sa wakas ay kitang-kita sya sa video.

Kumaway-kaway pa sya sa video camera ni Edzel.

" Oh, guys. Pagkabilang kong tatlo kailangan naka-pose tayo ah?"

Sabi ni Edzel sa mga kaibigan.

"Huh? Anong pauso na naman yan Edzel."

Reklamo ni Macky.

"Video tapos magpo-posing?"

Nagtatakang sabi ni Mon.

"Hahaha, sakyan n'yo na lang trip ko mga bro!"

Natatawang sabi ni Edzel at inakbayan pa si Macky at Mon.

Napakamot na lang sa ulo si Macky at si Mon naman ay tumango lang.

"Para naman tayong mga nagladlad e!"

Wika ni Mon

"Haha, yaan mo na. Sakyan nyo na lang trip neto ni bebs"

Sabay batok ni Ross sa kasintahan.

"Aray naman! Bebs,Oh game na!"

Daing ni Edzel sa ginawang pagbatok ni Ross.

"Ok gameee hehe!"

nagpose na si Giegie.

nakangiwi naman si Francey dahil sa pinag-gagagawa ni Giegie.

Natatawa na napapailing-iling si Ross at Ylona.

"Oyy! Haha, wala pa hindi pa ako nagbibilang."

Sabi ni Edzel kay Giegie na nakapose na.

"Sorry naman,naeexcite ako e. Game na kaseee"

Pag-aaya ni Giegie sa mga kaibigan.

"O sige na nga,game na. Oneeee....twooo....and threee!"

Sabay sabay silang nag pose sa video.

Nakawacky,nakangiti,
nakasimangot,nakalabas yung dila at sabay-sabay na tumalon ang magkakaibigan.

Napabuntong hininga si Francey nang maalala nya 'yon.

Hindi nya maitanggi sa kanyang isipan na namimiss nya ang mga alaala nilang magkakaibigan.

Nagkukulitan,nagtatawanan,
nagdadamayan sa oras ng kagipitan at problema at higit sa lahat nagmamahalan kahit na may tampuhan sa bawat isa.

umiling-iling si Francey sa kanyang pagbabalik tanaw.

'Wala na akong kakampi ngayon. Wala naring naniniwala saakin at wala narin akong tunay na mga kaibigan. Kaya aalis na lang ako rito at babalik sa maynila.'

Sabi nya sa kanyang isipan.

Tumayo na sya at nag-isip ng plano kung papaano sya makakatakas sa bahay ng lola ni Macky.

***

Malapit na nilang matuklasan ang nangyayari sakanilang magkakaibigan...

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now