BAKASYON 23

3 0 0
                                    

PAGOD na pagod si Ylona sa byahe, siya kasi ang nagpahuli na magpahatid kay Macky. Pinauna niya muna kasi na makauwi si Giegie at Mon pati narin si Ross.

Nakatitig lang siya sa gate ng bahay nila. Iniisip kung ano ang sasabihin niya sa Mommy niya.

Sinubukan niyang buksan ang gate at nagtaka siya ng nakapadlock parin ito. Kinuha niya ang duplicate key sa wallet niya at binuksan yon.

"Nasaan si Mommy?" Tanong ni Ylona sa sarili niya. Akala niya kasi ay nandodoon lang ang mommy niya sa bahay nila at nag aalala sakanya.

Napansin niya ang papel na nakadikit sa ref.

My lovely daughter, where did you go? I tried contacting you on your phone, but you're not responding. If you are home now, please get in touch with me. I'm here in London with my business partner; I'll be staying for a month. But I'll come home after this business matter. Please take care of things at home for now. I love you.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Ylona, akala niya ay nasa bahay lang ito at alalang alala sakanya. Yun pala ay nasa trabaho na naman ang Mommy niya.

Nanghinang napaupo si Ylona sa sala, kahit na kanina pa siya nagugutom—wala siyang gana kumain.

***

"WHAT happened to you, Giegie? Answer me. I'm your dad." nag-aalalang sabi ng daddy nito sakaniya.

Pagkatapos ikuwento lahat ni Mon dito ang mga nangyari sakanilang magkakaibigan, hindi ito naniniwala na dahil ito sa diablo.

Wala paring nakukuhang sagot ang ama nito. Napahilot na lang ito sa sentido.

"I-i'm sorry, Tito." Nakayukong sabi ni Mon dito. Magkamag-anak kasi sila at wala manlang siya nagawa upang protektahan ang pinsan. Matagal na siyang kinukupkop ng ama ni Giegie, pero ganito pa ang isusukli niya rito.

"You don't have to worry, hijo. Tomorrow, I will contact our family doctor. Ipapacheck ko siya." Mahinahon na sagot nito sakaniya.

Nakayuko parin si Mon at hindi maiwasang isisi sa sarili ang nangyari kay Giegie. Kung ang pinsan niya nga ay hindi niya naprotektahan, si Ylona pa kaya na iniibig niya? Yun ang naiisip ni Mon kaya labis-labis siyang nagsisisi.

"No, Dad. Mon has to take the blame for everything. Siya ang nagpasama diyan!" Nanggagalaiti na duro sakaniya nito.

Yumuko lang siya at tinanggap ang mga salitang binabato sakaniya ng kapatid ni Giegie.

***

Naghi-hysterical na tinulak-tulak ng ina ni Edzel si Ross.

Pagkahatid kasi sakaniya sa bahay ay dumiretso siya kila Edzel. Hindi niya na kaya, gusto na niyang ibunyag sa mga ito na wala na ang anak nila!

Ang plano kasi nila Macky at Mon ay sasama ang mga ito upang ipaalam sa Mama ni Edzel, dahil sobrang strikto ng ina nito.

Mag-isa lang siya pumunta dito at sinabi ang mga nangyari sakanila sa bahay ng lola ni Macky.

Marahas na tulak at paulit-ulit na siyang sinisisi ng ina ni Edzel.

Sinasabi nito na sana ay hindi na lang siya naging nobya nito at matagal na siyang tutol sa pag iibigan nila.

Nakiawat na doon ang ibang kamag-anak nila Edzel.

"Umuwi ka na, Ross. Please, just go home. Huwag na huwag ka nang tatapak dito sa bahay." Sigaw sakanya ng pamangkin ni Edzel na humagulgol narin.

Nanginginig na tumayo siya. Hindi alintana ni Ross ang mga putik sakaniyang hita at binti. Humagulgol siyang tumalikod at nagsimulang maglakad.

Kada lakad niya ay parang hihimatayin siya. Nanlalabo ang paningin at parang bibigay na ang magkabilaang tuhod niya.

Wala siyang naririnig, kundi ang paulit-ulit sa isipan niya ang mga katagang binitawan ng ina ni Edzel sakanya.

"Ang sakit-sakit, Mama. Ayaw ko na." Humagulgol na sabi ni Ross. Naalala niya rin kasi kanina na pag uwi niya, inabot ng tito niya sakanya ang abo ng ina.

Hindi nakita ni Ross ang papalapit na kotse sakanya dahil sa panlalabo ng mata kakaiyak.

***

Malungkot na ibinagsak ni Macky ang katawan sa kama at inaalala ang mga nangyari sakanilang magkakaibigan.

Hindi siya makapaniwala, sobrang bilis talaga ng mga nangyari sakanila.

Kung dati ay sobrang saya at kumpleto silang magkakaibigan, ngayon ay wala na at kulang kulang na sila.

Napabalikwas ng higa si Macky ng may nagmamadaling kumakatok sa pintuan niya.

"Ganitong oras may kakatok pa?" Nagtataka niyang sabi.

Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan pabukas.

***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon