ANG PAGTATAPOS

7 0 0
                                    

"Ylona! Ylona! Gumising ka!"

Inilibot ko yung paningin ko, hindi ko akalain na nagawa na namin ng maayos ang lahat.

Huh?

Nagtataka akong pumikit-pikit.

B-bakit n-nandito ako sa opisina ni Mommy?

Tinignan ko yung mga nasa paligid ko .

Si E-edzelle

"E-Edzelle?! "

Niyakap ko sya ng mahigpit at naiiyak sa tuwa, sawakas nagtagumpay talaga kami. Buhay na buhay sila lahat!

Nandito rin si Ross!

"Ross!" Sigaw ko at humagulgol na niyakap rin siya.

"Ano bang nangyayari sayo ha, Ylona?!" Nagtatakang sigaw sakin ni Francey na takang-taka sa inaakto ko.

Tinignan ko silang lahat .

Nandito naman si Ross, Edzel, Macky, Mon, Francey at Giegie. Kumpletong-kumpleto at tila nagtataka itong nakatingin saakin.

"Mon, tayo. Naalala mo?" Masayang ngiti ko kay Mon, alam kong maaalala niya na ang ginawa naming pagligtas sa mga kaibigan namin.

Kung ako naalala ko, paniguradong ganon rin siya sakin.

Nahihiya siyang yumuko at namula sa sinabi ko.

Tinukso naman siya nila Edzel.

"H-hindi, hindi yun ang ibig kong sabihin. Diba, Mon tinulungan tayo ni Tagpo yung albularyo para mahanap sila? At ikaw, Macky. Ikaw yung nagpapatunog ng bell para bumalik na kami sa katawan namin." Paliwanag ko. Nagtitigan silang anim at nawiweirduhan na binalik ang tingin sakin.

"Stop using drugs, Ylona. You are out of your mind," natatawang sabi ni Francey sakin at mas lumakas ang tawanan nila.

"Alam namin yang pinagdadaanan mo pero hindi parating drugs ang sagot diyan." Dagdag na biro ni Ross.

Naiinis na kinamot ko ang aking ulo.

"Makatitig ka kasi saamin parang ang tagal-tagal mo kaming hindi nakita, e!" Sabi ni Giegie saakin at humagikgik pa.

"Ylona, always remember nandito lang kami para sa'yo. Itigil mo na yan, I hate drugs!" Humagalpak ang tawa ni Edzel, pagkatapos niyang sabihin ito saakin.

"Hay, itigil niyo nga ang kalokohan na yan! Ano pupunta pa ba tayo kila lola para magbakasyon o maglolokohan na lang tayo dito?" Naiinis na sabi ni Macky sakanila.

Anong nangyayari?

Hindi pa pala kami nakakapunta sa bahay ng lola ni Macky?

So?! PANAGINIP lang pala ang lahat?!

P-panaginip lang talaga ang lahat?!

Pero para talagang totoo!

"A-ano b-ba t-talagang nangyari sakin?" Nauutal na tanong ko sakanila.

" Hay," bumuntong hininga si Francey at inirapan ako. "We supposed to pick you up because you didn't go to the park at ng aalis na sana tayo para pumunta sa van, bigla ka na lang nahimatay diyan." Paliwanag ni Francey saakin at todo akong iniirapan nito.

Panaginip talaga ang lahat!

Bigla akong nakaramdam ng tuwa .

Dahil hindi pala talaga totoong namatay sila at hindi rin totoo ang diablo.

Dali-dali ko silang niyakap ulit. Kumalas naman si Macky sa pagkakayakap.

" Hoy! Tuloy ba tayo?" Tanong nito sa'kin.

"Ahm.." Isa-isa ko silang tinignan, ayaw ko na silang mawala ulit sa buhay ko. Ayaw ko narin na maging kulang-kulang kami. Wala na saakin kahit hindi ko manlang maexperience bumyahe sa malalayo basta't wag lang silang mawawala ulit sakin. "P-pwede wag na lang. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko. "

Nagsinungaling na lang ako sa kanila dahil ayoko na may mapahamak pa sa amin . Siguro masamang pangitain yong panaginip ko na yon na wag na kaming tumuloy .

"Sige, basta mag pahinga at magpagaling ka ha" Sabi ni Ross at hinagod-hagod nito ang likod ko.

"Pero wag muna tayong umuwing lahat. Bantayan na lang muna natin si Ylona. Mas gusto ko pa dito sa Office kaysa nakikipag-away kay Jaja" Sabi ni Giegie at nginitian ko ito.

"Kaso ang boring e!" Dagdag ni Giegie.

"Bored ba kayo? Ay, wait! May kukuhain lang ako sa van! Kailangan lahat kasali ah?" Anunsyo ni Macky na kinaliwanag ng mga mukha nila.

"Ano na naman kaya 'yang kukuhain ni Macky?" Edzelle asked with curiosity.

"Hindi daw nakakaboring 'yan," Sagot ni Ross dito.

"Waaah! Excited na ko, insan, sumali ka ah?!" Giegie exclaimed habang nakatitig kay Mon na tinanggal ang headset na suot.

"Oo na," tipid na sabi nito. Iniwas nito ang tingin sakin ng makita na nakatingin ako.

Ang akala ko totoo na ang panaginip ko, nakakalungkot din pala dahil kung hindi yon totoo. Hindi rin pala nangyari ang pag-amin nito sa'kin.

Matagal ko na siyang nagugustuhan dahil bukod sa hitsura niya, si Mon ang may pinaka magandang ugali saaming magkakaibigan.

"Ang tagal naman ni Macky! Mabigat ba 'yung kinukuha non?" Reklamo ni Francey na nagpapapadyak na.

"Chill ka lang, nandito na ako, oh!" Macky assured them.

Dali-dali silang nag-silapit kay Macky upang tingnan kung ano ang kinuha ni Macky sa van.

"Whaaattt! Libro tapos ang tagal-tagal mong kinuha, tapos 'yan lang pala!" Nabibwiset na sagot nito. Hinampas pa nito sa braso si Macky.

"Hindi lang 'yan basta libro. Isa 'yang laro," Macky explained.

"Laro?" Maski si Mon ay naging curious narin dito at lumapit sa pinagkakaguluhan nila.

"Oo, basta sumali na lang kayo." Sabi ni Macky at napatingin sa gawi ko. "Ikaw, Ylona, sali ka?" Macky invited me.

"Ano ba 'yang---------" naputol ang pagsasalita ko ng mabasa ang nakasulat sa libro.

'How to encounter a ghost.'

--WAKAS --

BAKASYON

By: bratzreid14

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now