BAKASYON 20

6 0 0
                                    

MAAGANG nagising si Macky upang ihanda ang mga kakailanganin ng albularyo mamaya. Nagtext kasi ito sakanyang lola at kailangan nila ng pula at itim na kandila.
Kailangan itong ipaligid sa labas at loob ng bahay kung saan sila madalas pumupwesto.

Habang si Mon naman ay naghahagis ng mga asin sa bawat paligid ng bahay. Silang dalawa lang ang kumikilos at naghahanda, ayaw niyang istorbohin sa pagtulog si Ylona na kasama ni Giegie. Si Ross naman ay binabantayan ng lola ni Macky upang masigurado na hindi na ito gagawa ng masama sa sarili.

"Macky..." Pagtawag ni Mon sa kaibigan na abala parin sa pag-aayos.

Lumingon naman si Macky dito at inaantay ang sasabihin ni Mon sakaniya.

Bumuntong-hininga muna ito bago muling magsalita. "Macky, pupwede bang pagkatapos nito bumalik na tayong lahat sa Manila." nahihiyang wika ni Mon.

Ito lang kasi ang naiisip niyang paraan upang makatakas sa nangyayari, lalo na't dalawang linggo na lamang ay graduation na nila. Hindi niya naman gustong iwanan ang mga namatay na kaibigan sa bahay ng lola ni Macky, ngunit kung patuloy silang magsstay doon ay isa-isa silang mamamatay.

Nakatitig lang si Macky sakanya at tila iniisip kung yun ba talaga ang tamang solusyon sa mga nangyayari.

"Ayaw ko ng makitang isa-isa tayong namamatay, Macky. Kailangan na nating umalis dito, hindi naman ibig sabihin non na hindi na tayo maghahanap ng solusyon sa mga masasamang nangyayari sa'tin lalo na kailangan ng hustisya sa pagkamatay ng mga kaibigan natin. Sa Manila, doon natin ayusin ang lahat." Seryoso at mahaba niyang sabi rito.

Nagulat naman si Macky sa mga sinabi nito, dahil ngayon lang niya nakita ang ganitong side ni Mon na mahaba ang mga sinasabi.

Tumango siya dito bilang pagsang-ayon. Tama ang kaibigan niya na si Mon, pupwede nila na maayos ang lahat kahit na nasa Manila sila. Kung patuloy silang nandito ay hindi ligtas ang mga buhay nila.
Ngayon ang iisipin na lang niya ay kung paano nila maaayos ang lahat sa Manila.
Kailangan na kailangan narin kasing maipagamot si Giegie sa espesyalista.

Dulot ng malalim na pag-iisip ni Macky, hindi niya namalayan na nasa ibaba narin pala ang kaniyang lola at kasama nito si Ross na magang-maga ang mata sa kakaiyak.

"Apo," hinaplos ng lola niya ang kanang braso. "Lagi mong tatandaan na malalampasan niyo itong pagsubok. Mahal na mahal ka ni Lola." Naluha si Macky sa sinabi ng kaniyang lola. Mahigpit niya itong yinakap at hinalikan sa sentido.

Inaalalayan ni Mon pababa ng hagdan si Giegie na kasama rin si Ylona.

Nang sila ay makumpleto sa ibaba, taimtim silang nagdasal na sana ay pagdating ng albularyo. Matagumpay na nilang malaman kung paano mawala ang kamalasan na nangyayari sakanilang magkakaibigan.

***

ILAN-MINUTO, dumating na ang albularyo na si Tagpo—kilala si Tagpo na magaling na albularyo sakanilang buong barrio. Alam ni Macky at ang lola nito na magagawan ng matagumpay na solusyon ang lahat.

Puro alahas na malalaki ang suot nito, lalaki ngunit may mga malalaking kwintas at hikaw na suot-suot ito.

Tinignan ni Tagpo isa-isa ang mga nandodoon. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Macky ng mahigpit at pumikit.

Pumikit ito at biglang tumirik ang mga mata. Nangisay-ngisay ito habang may sinasabi na hindi maintindihan na salita.

Pinigilan ng lola ni Macky si Mon at Ylona na tila natatakot sa nangyayari sa albularyo.

Maya-maya lamang ay dumilat na ito at marahas na binitawan ang dalawang kamay ni Macky.

"Bendisyunan! Sunugin! Kuhanin ang abo! At itago!" Sigaw ni Tagpo kay Macky.

Naguguluhan naman si Ylona, Mon at Macky sa sinasabi nito.

"Alin po 'yon?" Nagtatakang tanong ni Macky dito. Sinamaan siya ng tingin nito at pati na ang iba niyang kaibigan.

"Sa libro lahat nagsimula, sa laro na ginawa ninyo kung bakit nangyayari yan sainyo!" Sigaw nito. Napayuko naman si Macky, nagsisisi sya. Labis niyang pinagsisihan na inaya niya ang mga kaibigan na maglaro non.

"Kailangan ninyo kuhanin ang libro, ngayon na!" Dali -dali naman na tumakbo pataas si Macky, at sumunod si Mon dito.

Segundo lamang ang ginawa nilang pagkilos at dala-dala na nila ang itim na libro na may nakasulat na "How to encounter a ghost" na nilaro nila nung nakaraang linggo.

Kinuha ito ni Tagpo at dinasalan.

Binendisyunan niya ito ng dasal at holywater na hawak ng lola ni Macky.

Habang dinadasalan ito ay pumunta sa labas si Macky upang gumawa ng apoy.

Sumunod rin palabas ang mga kaibigan, lola at albularyo sakaniya.

Hinagis at tinapon sa nagliliyab na apoy ng albularyo ang libro.

Nakatitig ang magkakaibigan dito, halo-halo ang nararamdamang emosyon.

Naiiyak, nagagalit, at tila nabawasan na ang tinik sakanilang mga dibdib.

Sawakas, matatapos na. Wala ng mawawala ulit sakanilang magkakaibigan.

Humingi ang albularyo ng mga lumang damit upang masugpo ang apoy.

Nawala naman agad ang apoy at natira ang mga abo ng libro. Lumuhod si Tagpo at pinulot ang mga abo at nilagay itong lahat sa garapon.

Nang matapos, lumapit ito sa lola ni Macky.

"Ang libro na ito ay gawa ng diablo. Itatabi ko ito, hanggat malayo ito sainyo ay hindi kayo masusundan nito." Wika nito sakanila.

"Maraming salamat po..."

Sabay na sabi ng magkaibigan na si Mon at Ylona.

"Tapos na po ba ang lahat?" Tanong ni Macky. Naguguluhan kasi siya, kung yun lang pala ang solusyon. Sana ay matagal na nila itong sinunog na magkakaibigan.

"Hindi pa. Sumunod kayo sakin." Pumasok ang albularyo ulit sa loob ng bahay.

Isa-isa nitong sinindihan ang mga kandila.

Umuusal ito ng panalangin mula sa ibang lenggwahe atsaka hinipan isa-isa ang kandila.

"Alam kong uuwi na kayo sa kanya-kanya niyong tirahan. Binigyan ko kayo ng proteksyon, ngunit ang bisa nito ay dalawang linggo lamang. Bago maubos ang proteksyon, kailangan niyong bumalik dito. Kahit dalawa o isa lamang na tao." Seryosong sabi nito.

"Para saan po?" Tanong ni Macky.

"Sasabihin ko lamang pagbalik niyo rito, basta ang mahalaga. Lumayo muna kayo rito." Tumalikod na ito sakanila. "Huwag kayong sasagot ng kahit ano, kapag may naririnig kayong tumatawag sa pangalan niyo."

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ni Ylona.

"Diablo iyon na balak kayong linlangin, wag niyong pansinin upang hindi lumakas ang enerhiya. Ganon lamang ang nagagawa ng diablo habang may proteksyon kayo." Humakbang na ulit ito palabas. "Kapag sumagot ka sa diablo..." Tumigil ito sa paghakbang at lumingon ulit sakanila.

"Tuluyan kang makukuha nito." Dugtong nito at lumabas na sa bahay ng lola ni Macky.

***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now