BAKASYON 4

1K 34 9
                                    

(Picture ni Francey at Ylona <------)

***

"Welcome to Santa Monica Bergado."

Basa ni Francey sa karatula ng kanilang napuntahan.

" Macky,bayan na ba to?"

Tanong ni Ross ng makita din ang karatula.

"Yup,tapos madadaanan din natin dito yung 'maliit na pamilihan ng bayan' kung gusto n'yo doon na tayo bumili ng mga lulutuin natin...Malayo kase yung mga groceries store dito."

Napangiwi naman si Francey sa narinig kaya bukod tangi na siya lang ang hindi nakisang-ayon.

***

Mahimbing na natutulog si Ylona habang nagpapagewang-gewang ang kanyang ulo dahil nakasandal s'ya sa bintana ng van.

Kanina pa s'ya pinagmamasdan ni Mon at pinag-iisipan kung ihihilig ba n'ya ang ulo ni Ylona sakanyang balikat.

'Hay! bahala na nga'

Bulong ni Mon sa sarili at marahan na inihilig niya ang ulo ni Ylona sa kanyang balikat.

***

Napangiwi naman si Edzel dahil sa dami ng tao sa palengke. Maliit lamang ang daan kaya nagsisiksikan ang mga tao na parang mga nagmamadali sakanilang pupuntahan.

" Guys,nasa pamilihan ng bayan na tayo.Kung gusto n'yo mag-stay na lang dito yung iba dahil sobrang dami talaga ng tao dito at kami na lang ng mga boys ang mamimili."

Sabi ni Macky na nakatayo sa harapan at hinihintay na samahan siya ng dalawa--ni Edzel at Mon.

"Seriously bro,susulong tayo sa nagsisiksikan na tao d'yan? Mamaya magkaroon pa ng stampede."

Reklamo ni Edzel kay Macky at desidido na mag-stay na lang sa Van.

"No choice bro, sige ka wala tayong kakainin sa bahay ni lola kundi puro gulay."

Pananakot ni Macky at tila lalo namang napangiwi ang binata sa sinabi nito.

"Errr,i don't like gulay kaya pretty please pumayag ka na Edz."

Maarte at nagpapaawang sabi ni Francey. Narinig niya ang sinabi ni Macky at maski siya e ayaw kumain ng gulay.

Napatingin uli si Edzel sa bintana ng Van parang hindi nauubos ang mga tao sa dami nito. Hanggang ngayon e wala paring pinagbago ang dami kahit na marami na ang lumalabas.

"Sige na,babe. Pumunta na kayo"

Pangungumbinsi ni Ross sa kasintahan.Hindi dahil ayaw niyang kumain ng gulay kundi kay Francey,alam niya kase na hindi ito titigil kakakulit kay Edzel hangga't hindi ito pumayag na sumama kay Macky.

"Sige na nga! ayoko din naman kumain ng gulay. "

Napipilitang sabi ni Edzel at akmang bubuksan na ni Macky ang pinto ng Van.

"Wait lang si Mon pa!"

Sigaw ni Edzel kay Macky kaya hindi nito binuksan ang Van. Lumapit siya sa kinauupuan ni Mon. Hindi siya makakapayag na hindi ito sasama sakanila tapos siya e sasama.

"Woah,dumadamoves ka bro,ha! "

Gulat na turan ni Edzel sa kanyang nasaksihan dahil nakahilig yung ulo ni Ylona sa balikat ni Mon.

Tinapik pa niya sa pisngi si Mon at tinitigan ng nakakaloko.

"Ano bro sasama ka ba?"

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now