BAKASYON 25

2 0 0
                                    

GRADUATION day ngunit humahagulgol na nag-i-iyak lang sa kama si Ross. Wala siyang gana kumilos at kumain. Dalawang linggo na siyang ganon, tito niya lang at ibang kamag-anak ang pumipilit sakaniya kumain.

Pero ngayon ay nilock niya ang kwarto, alam nya kasi na pipilitin siya ng mga ito upang um-attend ng graduation day nila.

Iyak lang ang tanging ginagawa niya sa maghapon hanggang sa makatulog.

Hawak-hawak niya parin ang vase kung saan nandon ang abo ng mama niya. Hinihimas-himas niya ito at binubulungan na hindi na niya kaya pa at sasama na lang siya.

Wala na kasi ang dalawang mahal niya sa buhay, alam niyang nandodoon pa sila Ylona pero sobra siyang nasasaktan sa mga nangyayari.

Umupo siya sa gilid ng kama.

Ito rin ang araw na napagdesisyunan niya upang kitilin ang sarili. Sa araw ng graduation day nila. Alam niyang walang makakapigil sakaniya dahil abala ang lahat ng mga kaibigan niya sa araw na ito.

Tinitigan niya ang buong sarili sa harap ng salamin. Sobrang lalim at itim ng mata, bagsak na bagsak rin ang katawan, at namamalat ang kaniyang labi.

Mapait siyang ngumiti.

Kinuha niya ang matalim na kutsilyo sa ilalim ng bedsheet at mariin na pumikit.

Gustong-gusto niya ng wakasan ang buhay ngunit may isa pang pumipigil sakanya.

Ang pag iisip na paano na ang kanyang mga kaibigan? Hahayaan niya na lamang ba ang mga ito na lumaban? Lilima na nga lang sila at balak niya pang kitilin ang kaniyang buhay.

Muli siyang dumilat.

Sa pagdilat niya ay nakita niya sa salamin na nasa kanyang likuran ang ina niya!Buhay na buhay ito at nakatitig sakaniya.

"M-ma?!" Tawag niya rito. Dali-dali siyang lumingon sa likuran niya at hindi nga siya nagkakamali, ang mama niya nga ito!

Napatayo siya sa gulat at mahigpit na yinakap ang kaniyang ina. Hindi ito kumikibo at nagsasalita pero hindi na yon alintana sakaniya.

Basta ngayon ay hagkan-hagkan na niya ulit ang kaniyang ina!

Sobra-sobra niya itong namiss, hindi manlang niya nayakap ito simula ng umalis siya at sumama kila Macky.

"M-ma hindi ko na kaya talaga. Ayaw ko na po." Iyak ni Ross dito.

"Patayin mo na ang sarili mo..." Sagot ng kanyang ina.

Napatigil si Ross, alam nya kasi na tuwing nahihirapan siya. Sinasabi nito sakaniya na lumaban lang siya, bakit ngayon iba na?

Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap dito.

Laking gulat niya ng pagtingala niya, imbes na mama niya ang kaniyang makikita.

Matandang lalaki na malaki ang ngisi na halos mapupunit na ang labi at malalaki ang mata na hindi kumukurap.

Matandang lalaki na malaki ang ngisi na halos mapupunit na ang labi at malalaki ang mata na hindi kumukurap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi alam ni Ross kung bakit walang lumalabas na boses sa bibig niya.

Umatras sya at napasandal sa pader.

Nanginginig niyang kinuha ang kutsilyo at tinutok dito.

Nagtataka siya kung bakit hindi parin gumagalaw ang matandang lalaki.

Dahan-dahan siyang lumapit at tinutok ang kutsilyo dito.

Wala parin itong reaksyon at hindi manlang kumukurap ang mga mata.

Napapikit ng mariin si Ross, may naramdaman siyang pumasok sa loob ng mata niya.

Dahan-dahan niya itong minulat at wala na ang matanda roon.

Nakahinga siya ng maluwag at lumingon lingon sa buong paligid ng kwarto.

Umupo ulit siya sa tapat ng salamin, hindi niya alam kung bakit.

Parang may naririnig siyang boses na tumatawag sakaniya at nagmumula sa loob.

Kunot-noo niya yon nilapitan.

Hinawakan niya ang reflection niya sa salamin at palakas ng palakas ng boses na nasa loob non.

"Babe..." Nanlaki ang mata niya, ang nawawala niyang kasintahan ang nasa loob ng salamin! Sumisigaw ito at pilit na gustong kumawala sa loob.

"E-edzel?" Nanginginig na umiiyak siya habang hinahawakan ang mukha nito sa loob ng salamin.

"Tulungan mo ko rito!" Sigaw parin nito at malakas na kinakalabog ang salamin.

Paulit-ulit na hinahampas yon ni Ross, hindi niya ramdam ang sakit ng bubog na tumatagos sakanyang laman.

Patuloy lang sa pag agos ng dugo ang kamay niya kasabay ng kada hampas niya sa salamin.

"Tulungan mo ko! Tulungan mo ko!" Nagmamadali na sigaw ni Edzel na pilit gustong makawala.

Sumisigaw na paulit ulit na kinakalampag yon ni Ross. Nagtatalsikan na ang bubog sakaniyang mukha, napapapikit narin siya sa mga bubog na tumatalsik sa mata niya.

Gustong-gusto niyang makawala doon si Edzel, wala siyang pakialam kung ano man ang mangyari sakaniyang sarili basta maligtas niya lamang ang nobyo.

"Tulungan mo ko, itarak mo ang salamin sa sarili mo!" Sigaw ni Edzel sakaniya na halos lumuhod na sa pagmamakaawa.

Humagulgol at wala sa sariling kinuha ni Ross ang malaking bubog ng salamin.

Tinusok niya ito sakaniyang lalamunan.

"I-i love you..." Wika ni Ross, nahihirapan siya. Kada salita niya puro dugo na bumubulwak ang lumalabas sa bibig niya.

Bago siya mawalan ng malay, kitang-kita ni Ross na biglang nagbago ang mukha ng kaniyang kasintahan.

Ito na ulit ang matandang lalaki, nakangisi ito at humalakhak siyang tinititigan.

***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon