BAKASYON 9

782 26 7
                                    

Dedicated to geraldineroxas25. Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pagkomento sa istoryang ito. Labyu!

***

ALAS-DOSE ng tanghali nasa hapagkainan na ang magbabarkada.

"Ross, akala namin kung ano nang nangyari saiyo kanina"

Kinakabahan na sabi ni Macky.

"Oo nga, atsaka wag matigas yung ulo inumin mo yung gamot mo ah?"

Sermon ni Giegie.

Tipid lang siyang nginitian ng kaibigan.

Hindi mapalagay si Ross at ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib na parang may masamang mangyayari.

Iniling na lang n'ya ang kanyang ulo at ipinagpatuloy ang pagkain.

Kasabay nila sa hapagkainan ang lola ni Macky.

"Hija,wag ka narin masyadong mag pagod baka kung mapaano ka."

Paalala ng lola ni Macky kay Ross.

"Opo."

Sagot nito at ngiti lang din ang ibinigay nito sa matanda.

Nag-a-alala namang napatingin si Ylona at Mon.

"Hey, Ross wag mo ngang i-skip yung pag-taking mo ng gamot it's so masama sa health mo, sige ka magiging kamukha mo yung robotic puppets ni Mang Buboy."

Pananakot ni Francey at nginitian nya na lang ulit si Francey alam nya namang nag-aalala lang ito sakanya.

"Ahm. S'ya nga pala, la. Saan po ba nagpunta si Mang Badong? "

Tanong ni Macky.

"Binisita yung puntod ng asawa n'ya sa maynila, hindi ba nagpaalam sainyo? Sa isang buwan pa ang balik dahil may aasikasuhin siya roon."

Umiling si Macky.

"Paano ho kayo rito, lola? Kung sa isang buwan pa ang balik ni Mang Badong."

Pag-a-alala ni Macky sakanyang Lola Epifania.

"Kayang-kaya ko ang sarili ko rito, apo. "

Nakangiting sabi nito sakanyang apo.

Kumabog ulit ang puso ni Ross dahil sumagi sa isipan n'ya ang kanyang ina na naka-confine sa maynila.

'Kamusta na kaya si mama? Sana maayos lang s'ya.'

Hinawakan n'ya ng mahigpit ang kamay ng nobyo sa ibabaw ng hapagkainan.

Napatingin naman si Edzel sa ginawa ng nobya.

"Uhmm, May problema ba?"

Kunot-noong tanong ni Edzel.

"Gusto ko lang sana tawagan si mama para kamustahin siya"

Tumango na lang si Edzel sa nobya bilang pagtugon.

***

KASALUKUYANG tinatawagan ni Edzel ang mama ni Ross sa labas ng bahay.

"Beb, wala talaga eh hindi ko makontak wala kasing signal."

Sabi ni Edzel sa kasintahan.

Hindi na mapakali si Ross sa nangyayari, gusto niya ng makausap ang kanyang ina.

Sinubukan ulit ni Edzel kontakin ang ina ng kasintahan.

Ngunit bigo n'ya itong nagawa kaya naibato niya ng malakas ang kanyang selpon sa sobrang inis na nararamdaman.

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now