PiII 1 Someone Like You

6.9K 234 102
                                    

Lumipas ang isang Linggo at napagdesisyunan ko na rin sa wakas kung makikipagbalikan ba ako sa ex ko o hindi. Mahal ko pa rin siya kahit na ginanito niya ako.

Oo nga pala ako si Krissa Bermudez, music lover, mabait pero lagi na lang akong sinasaktan ng mga lalaki. Hindi naman po ako panget dahil walang nilikhang panget sa mundo. Sakto lang ang ganda at hindi palaayos kaya ako napapagalitan ni Ate Kylie eh. Siguro ito yung isang reason. Si Kylie Bermudez ang ate kong parang nanay ko kung makapagsermon sa akin. Bakit ganito bakit ganyan ang lagi niyang sinasabi sa akin kahit masakit sa tenga ok lang yamu siyang magsasalita pero kahit na ganyan si Ate mahal na mahal ko iyan, siya ang aking comforter.

Dahil walang pasok ngayon hehe, paborito kong araw kasi "holiday" eto ako nakahiga at nag-iisip isip. Dahil boring kinuha ko ang pinakamamahal kong .....

Cellphone!

Hehehe, ang aking libangan, lalong-lalo kapag malungkot ako. Nakikinig lang ako ng music para gumaan ang aking pakiramdam. I get my headset, then, plug in! Hahaha, ang word na pinakahinihintay ko kapag nagpapatugtog. Nakakatuwa naman kasi siya eh pasulpot sulpot kapag ginagamit hehe. Plug in, Plug out ang sarap paglaruan. Makapagpatugtog na nga.

"Ay, bakit may envelope dito? Matingnan nga" sabay doon sa envelope at masaya kong binuksan iyon.

Pakiplay ang SOMEONE LIKE YOU BY ADELE para mafeel at maenjoy ang pagbabasa :) 

Nandyan po siya sa may gilid, pa click na lang. Masarap kasi magbasa kapag may background music. 

------------------------------>

( sa mga makakabasa po nito ng wala pang song sa gilid pasensya na po at sa mga cellphone readers patugtugin niyo na lang kung meron kayo kung wala edi idownload niyo haha ^_^v )

Ano ibig sabihin nito? Hindi pwede, kung kailan nakapagdesisyon na ako kung makikipagbalikan ako sa kanya o hindi tsaka ko malalaman na ikakasal sa siya! At, binigyan niya pa ako ng invitation! Ano ibig sabihin nito? Nakakapanginsulto naman siya! And worst, bukas na ang kasal niya. Bakit siya ganun? Dapat pinaalam niya sa akin agad, pinaasa niya lang ako! Hu hu hu hu! :'(

"Krissa ano ba? Ang ingay-ingay mo ah, pakihinaan naman yung boses mo!" sabay pasok ni Ate Kylie sa kwarto ko.

"Wait, bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo?" Tanong ni Ate Kylie na may halong pag-aalala

"Ate, kasi si Jay hu hu hu! " sabi ko

"Bakit ano ginawa sayo ng ex mo? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo sa akin!" Pagalit na tanong niya

Sabay labas ng Invitation at ibinigay sa kanya.

"Aba, ang kapal naman ng mukha ng ex mo na iyan! Gusto pa niyang ipamukha sayo na ipinagpalit ka niya sa ibang babae at ngayon ay pakakasalan niya na. Binigyan ka pa talaga niya ng invitation. Humanda siya sa akin, susugurin ko siya hindi ako papayag na gaganituhan ka lang niya." Sabi ni Ate, natutuwa naman ako dahil concern siya pero ayoko ng gulo kaya naman pinigilan ko siya.

"Ate huwag mo ng patulan, ako na bahala dito. Sayang nga eh! Isang linggo pa ako nag-isip kung makikipagbalikan ba ako sa kanya o hindi, tapos ang naging desisyon ko pa naman ay balikan siya dapat pala habang maaga hindi na ako nagpakatanga sa kanya ate. Ang sakit sakit kasi eh! Parang sasabog na itong dibdib ko hindi ko na kayang pigilan pa! Hu hu hu hu! :'("

"Krissa, ok lang iyan kapag pumasok ka kasi sa isang relasyon dapat sanay kang masaktan lagi ka na lang umiiyak dahil sa lalaki pero sa kalagayan mo ngayon, sobra-sobra na yung sakit at pighati na idinulot ng lalaking iyan sa iyo. Gusto mo bang ipaalam ko ito kay Mama?"

"Ate huwag! Huwag na! Tiyak na mas lalong magagalit siya kay Jay dahil makalipas ang isang linggong break-up ay ikakasal na agad siya. Kaya Ate please! Secret na lang natin ito!"

"Sige sige, pero bakit ayaw mong ipaalam kila Mama at Papa dahil mahal mo pa rin ba siya ? Tama ba ako?"

"Oo Ate, siguro nabibigay ng kanyang mapapangasawa ngayon ang lahat ng gusto niya. Wala ba akong kwentang girlfriend? Halos lahat na lang sila ganito ako kung tratuhin. Siguro nga hindi siya yung right man para sa akin" sabay iyak sa balikat ni Ate.

"Bakit hindi mo ba naibibigay yung gusto niya? Sa totoo lang maswerte siya dahil ikaw ang naging girlfriend niya pero ang tanga niya lang dahil iniwan ka niya. Oo nga pala, bakit kayo nagbreak? Hindi mo pa sinasabi sa akin!"

"Ate sa mababaw lang na dahilan, ayaw ko kasing magpahalik sa kanya sa lips! :( Isa lang ibig sabihin nun hindi niya talaga ako mahal at may gusto lang siyang makuha sa akin. Ako naman itong si tanga, may balak pang makipagbalikan sa kanya."

"Naku Krissa, hindi siya ang taong karapat dapat sayo. Ang kapal ng mukha ah, buti hindi mo ibinigay yung gusto niya.Ano ba nagustuhan mo sa kanya?"

"Mabait, Maalaga, Sweet, Helpful, Malinis ang kalooban. Tapos ngayon ko lang napagtanto na pakitang tao niya lang pala iyon para mahulog ako sa kanya. Bakit ba ang mga tao ay nagiging tanga pagdating sa pag-ibig?"

"Sa pag-ibig, basta tinamaan ka ayun mababaliw ka na haha :) kaya sa susunod gamitin maigi ang utak ok? Oo nga pala aalis ako ngayon ha? Kaya ikaw kalimutan mo na iyang ex mo! Bye"

Kahit papaano gumaan itong kalooban ko thanks kay ate.

Tutuloy ba ako bukas upang dumalo sa kanilang kasal? Kailangan kong pag-isipan ito ng maigi.

Gusto na kitang kalimutan kaya sana sa huli bago ka magkaasawa gusto kitang makita. Kaya dadalo ako.

Kailan kaya ako makakakita ng kagaya niya? Kaso pakitang tao niya lang iyon. Siguro may right time para dito. At isa lang ang alam ko, hindi kami ang nakatadhana sa isa't isa.

*************

A/N : ito ang panimula ng part II sana nagustuhan ninyo.

Comment and Vote! 

Be a fan na rin hehe!

Repentance means hating sin enough to turn from it.

Repent, for the kingdom of heaven is at hand! .... Therefore bear fruits worthy of repentance. 

- Matthew 3:2,8

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now