PiII 58 Sabihin Mo Naman

622 67 3
                                    

Matagal-tagal rin siyang nawala sa storya kaya ngayon ay nagbabalik siya. Sa mga nakamiss sa POV niya eto na!

Kristoffer's POV

Napagdesisyunan kong palayain na siya dahil alam kong mas liligaya siya sa iba. Tiyak na wala akong laban kaya I need to give up.

Matapos ang pangyayaring iyon ay agad akong tumungo sa kwarto ko dahil nalulungkot ako dahil wala pala akong laban pero masaya ako para sa kanya at napasaya ko siya.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad akong nagpatugtog. Headset, plug in!

Pakiplay po yung song sa gilid entitled SABIHIN MO NAMAN BY KRIS LAWRENCE. 

----------------------->

Nagpakasenti ako sa loob ng kwarto ko hanggang sa ako ay makatulog.

Sa tuwing papasok ako ay lagi na lang akong malungkot dahil nga sa nangyari. Para bang ayoko ng magmahal. Pero nagbago ang pananaw kong iyon ng makilala ko yung girl na laging sunod ng sunod sa akin para lang magpapansin. Dahil sa kanya nagising niya mula ang natutulog kong puso.

★flashback★

Nandito ako ngayon sa may library para magreview dahil hindi ako makapagconcentrate sa ibang lugar kasi maingay. Naglolog ako sa book ng mapansin ko yung girl na papasok na nakatingin sa akin bakit kaya? Tanong ko sa sarili ko kaya naman nagtungo na ako sa vacant table para makapag-aral.

Pagkaupo ko ay nagulat ako nung nilagay nung babae sa bag niya yung ballpen na ginamit ko kanina at pinalitan iyon ng panibago. Doon ako nagtaka kung bakit niya ginawa iyon kaya naman inabangan ko ang susunod niyang gagawin.

Nagpalinga-linga yung girl dahil puno na rin yung library naghahanap siguro ng mauupuan. Mapansin kong pupunta siya rito sa direksyon ko dahil wala naman akong katabi. At tsaka nagtanong.

"Excuse me, may nakaupo ba dito? Pwede ba akong makishare?" Tanong niya tapos nagpacute pa nung boses.

"----" deadma.

Hindi ko na siya pinansin dahil ayokong maabala sa pagrereview tsaka nakikita naman niyang walang nakaupo diba bakit niya pa kailangang magpaalam sa akin dahil pagmamay-ari ito ng school. BS IT short for INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY yung course ko kung hindi niyo alam.

Umupo na siya at nakita kong parang disappointed siya. Hindi ko siya tiningnan nakita ko siya mula sa aking peripheral vision. Habang nagrereview ako ay nakatitig lang siya sa akin. Parang gusto akong tunawin nito ah. Hanggang sa matapos akong magreview ay nakatitig lang siya sa akin. Weird yung babaeng ito, may gusto yata sa akin haha.

May time na tinapunan niya ako ng Iced Tea nung naglalakad ako sa hallway. Hindi ko siya napansin dahil may kausap ako sa phone. Kasalanan ko rin naman yun kung bakit ako natapunan pero ibig sabihin hindi rin siya nakatingin sa dinaraanan niya. Ito yung conversation namin...

"Ay sorry po." Sabi niyasabay labas ng panyo at pinunasan yung damit kong natapunan ng inumin niya.

"It's ok miss." Sabi ko tapos umalis na at naglakad na ako palayo.

Narumihan pa tuloy ako, didiretso pa naman ako sa birthday ng pamangkin ko kaso napauwi tuloy ako sa bahay ng di Oras.

Nung teachers day ay binigyan niya ako ng isang box ng cookies na ginawa daw niya kaso hindi ko tinanggap dahil hindi ako mahilig sa matatamis. This time, napatunayan kong may gusto nga siya sa akin.

Sa tuwing nakikita ko siya ay lagi siyang lumalapit sa akin para bang nagpapapansin eh ayoko pa naman ng ganun.

Nakaupo ako sa bench ng bigla siyang lumapit sa akin na kinagulat ko.

"Huwag ka ng malungkot." Tapos nagmagic siya at may kinuha siya sa may likuran ko na bulaklak at ibinigay niya sa akin.

"Corny." Ayun lang lumabas sa bibig ko at tsaka ako umalis dahil natatawa ako sa kanya. Pagkaalis ko ay tawa ako ng tawa dahil mayroon pa palang babaeng ganun.

Nung foundation day ay kumanta siya at dinedicate sa akin ang kanta niya kaso biglang sumakit yung ulo ko kaya nagpunta ako sa Clinic. Doon ko napag-alaman na Charlene Villaroza pala ang whole name niya.

That time, mas narealized kong makisalimuha sa iba kaysa magmukmok sa isang tabi.

★end of flashback★

Namimiss ko na nga yung babaeng iyon eh. Hindi na siya nagpapapansin sa akin tapos hindi ko man lang siya makita sa school. Ano kayang nangyari dun?

Ngayon alam ko na na nakamoved-on na ako kay Krissa, thanks to Charlene.

♠♠♠♠♠

Elmo's Note:

Sana po nagustuhan niyo! Pinilit ko po talagang gumawa para senyo haha.

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now