PiII 18 Chinito

1K 96 31
                                    

Namiss niyo ba ang POV ng Kean? Matagal-tagal na rin siyang hindi nagppPOV kaya ngayon eto na ang pinakahihintay niyo.

Kean's POV

Matagal na rin kaming hindi nagbobonding ni Krissa at hanggang ngayon manliligaw pa rin niya ako. Kailan kaya niya ako sasagutin?

Kahapon ay hinintay ko siya ng matagal sa may building niya pero inabot siya ng siyam-siyam ayun late na pumasok.

Nang kausapin ko naman, nakukulitan daw siya sa akin at mamaya na lang daw kami mag-usap kapag uwian na dahil late na daw siya at nagmamadali siya.

Makulit ba ako? Hindi naman diba? Namiss ko lang siya agad kaya ganun. Nang uwian na hinatid ko naman siya sa kanila kaso kwento siya ng kwento dahil may bago daw siyang kaibigan at kinabukasan daw ay aalis sila at pupunta sa charity/ampunan para bumisita sa mga bata.

Ngayon ko lang napag-alaman na mahilig pala siya sa bata. Nakakapagselos lang dahil mas una niya pang dadalhin yung bago niyang kaibigan doon kaysa sa akin. Eh ako ang mas-una niyang nakilala doon. At hindi ko alam kung lalake o babae ba yung kaibigan niyang iyan.

Parang nawawalan na siya ng time sa akin. Pero may tiwala naman ako sa kanya. This time hahayaan ko muna siya.

Shana's POV

Maaga kaming naka-uwi ni Krissa, dahil wala pa naman si Mama sa bahay didiretso muna ako sa mall para magtingin-tingin.

Nagcommute na lang ako. Habang nasa biyahe nabagot ako kaya nakinig na lang ako ng music. Headset, plug in!

Pakiplay po yung song sa gilid entitled CHINITO BY YENG CONSTANTINO, enjoy reading! Hope you enjoy :) 

------------------------>

Bakit eto pa yung nag-play ano naman kaya connect sa buong araw ko? Chinito? Mga lalakeng chinito? Hindi pa sumagi sa utak ko na magkagusto sa isang chinito. Paano kung mainlove ako sa chinito? Ok lang, basta cute haha.

Speaking of lovelife, NBSB po ako since birth kaya naman hanggang panaginip lang ako pagdating sa mga lalake. Kailan kaya ako maiinlove? Magkakaboyfriend? Hindi naman ako nagmamadali but I'm willing to wait.

Sa mall ....

Pumunta ako sa may Ladies Section para tumingin ng mga damit. Lahat naman sila magaganda kaso hindi ako nagsusuot ng mga ganito.

Sa aking paglilibot ay may nakabangaan ako accidentally nalaglag yung salamin ko kaya wala akong makita kaya nangapa-ngapa ako sa may sahig.

"Miss sorry, eto nga pala yung salamin mo." Sabay abot niya sa akin

"Salamat, hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko. Pasensya ka na." Sabi ko ng mahinahon

Pagkasuot ko ng salamin ko ay nakita ko ang kanyang mukha.

"Oh Chinito!" Sakto pa sa kantang pinapatugtog ko, nakameet tuloy ako ng chinito. Hindi ko napansin na napalakas pala yung pagkakasabi ko kaya narinig niya.

"Gulat na gulat ka yata miss? Ngayon ka lang ba nakakita ng Chinito? Then tumawa siya. It's ok bye! Then umalis na siya.

Nakita ko yung mata niyang naningkit nung tumawa siya. Don't tell me na-amazed agad ako sa kanya, pero ang cute niya. Nang makabalik na ako sa katinuan ay dumiretso na ako pauwi.

Sa bahay ....

"Oh anak kamusta naman yung lakad niyo ng kaibigan mo? Nag-enjoy ka ba?"

"Ma, hindi ako nag-enjoy masyado akong nag-enjoy. Ang sarap pala sa feeling ng maraming nagmamahal sayo noh?"

"Ang akala ko hindi ka nag-enjoy by the way masarap nga sa feeling ng maraming nagmamahal sayo."

"Buti nga po eh natanggap nila ako walang nanakit o nang-asar man lang. Lahat sila tinuring akong tunay nilang ate."

"Maswerte ka diyan sa kaibigan mo, gusto ko na tuloy siyang makilala as soon as possible."

"Huwag kang mag-alala Ma, makikilala mo rin siya. Alam mo ba Ma na may nameet akong lalake sa Mall at mabait siya. Chinito guy."

"Inlove na ba ang unica hija ko? Mukhang tinamaan ka sa kanya ah."

"Ma, wala naman akong sinabing inlove na ako sa kanya ano ito love at first sight?"

"Pero base sa mukha mo eh mukhang kinikilig ka sa kanya. Hindi naman kita pagbabawalan eh dahil alam kong responsible ka."

"Ma, wala pa po sa utak kong magboyfriend, study first muna po ako."

"Oh sige, magpahinga ka muna sa kwarto mo tatawagin na lang kita kapag kakain na."

"Ok po!"

Krissa's POV

Ang Saya talaga ngayong araw lalo na at nakapagpasaya pa ako ng maraming tao. Kagaya ng mga bata, natutuwa sila dahil may bago silang Ate tapos si Shana naman, naramdaman niyang may nagmamahal sa kanya.

Buti nga at naging kaibigan ko si Shana dahil alam kong may mabuti siyang kalooban kahit na hindi maganda yung unang pagkikita namin.

Ngayong napasaya ko na si Shana, kay Kean naman ako babawi dahil alam kong napabayaan ko siya at wala akong masyadong time sa kanya. Alam kong kasalanan ko kaya ako na ang gagawa ng paraan para naman huwag siyang magtampo sa akin.

Kean Mendrez, kung dati ako ang pinasaya mo ako naman ang magpapasaya sayo ngayon. I'll make a move para mapasaya Ka.

*************

A/N :

Sana nagustuhan niyo. Magcomment and Vote naman po kayo para ma-inspired ako.

Ano kaya ang sorpresa ni Krissa kay Kean? Makilala pa kaya ni Shana si Chinito guy? Abangan....

First impressions can mislead us 

For we do not know the heart; 

We can often be mistaken 

Since we only know in part.

Be a fan!

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now