PiII 38 21 Guns

768 81 3
                                    

Kristoffer's POV

Nandito ako sa kwarto ko ngayon at makikinig ng music. Mahilig din kasi ako dito kagaya ni Krissa. Headset, plug in! Lumabas na si plug in it means ready to play na kaya nagpatugtog na ako.

Pakiplay po yung song sa gilid entitled 21 GUNS BY GREENDAY sana magustuhan niyo at maenjoy ang pagbabasa. 

----------------------------->

Aba, bakit eto kaya ang tumugtog? May meaning yung song at talagang patama pa talaga sa akin ah?

"DO YOU KNOW WHAT'S WERE FIGHTING FOR?  

WHEN IT'S NOT WORTH DYING FOR? 

DOES IT TAKE YOUR BREATH AWAY? 

AND YOUR FEELING SOFT SUFFOCATING?

DOES THE PAIN WAY OUT OF THE PRIDE? 

AND YOUR LOOK FOR THE PLACE TO HIDE? 

THEN SOMEONE BURN YOUR HEART INSIDE? 

YOUR IN RUINS ...

ONE 21 GUNS LAY DOWN YOUR ARMS GIVE UP THE FIGHT 

ONE 21 GUNS THROW UP YOUR ARMS INTO THE SKY"

Napaisip tuloy ako ng dahil sa kantang ito. Alam ko ba para saan ang laban ko? O kaya ipinaglalaban ko? Kung titingnan natin mukhang ....

WALA !

Dahil simula nung una pa lang ay alam ko ng mahal na mahal ni Krissa si Kean at wala akong magagawa para hadlangan ito. Pero, feeling ko may chance ako nung unang mag-away sila. Oo, tuwang-tuwa ako nang makita kong nag-aaway silang dalawa at dumating sa point na magcool off sila. That time, hindi ako makapaniwala na magiging dahilan ako para maging ganun yung status nila pero nakokonsensya ako, hindi naman ako masamang tao, baka mangyari din sa akin ito kapag nagkataon. Ang akala ko magiging masaya ako kapag naagaw ko na siya sa iba pero mali pala ako. Dahil kahit kailan ay hindi siya naging akin o mapapasa-akin.

Sa mga pagkakataong pumupunta ako sa kanila, lagi na lang siyang malungkot at tulala marahil iniisip niya kung sino sa aming dalawa ng boyfriend niya ang pipiliin niya. Masakit sa akin na makita siya malungkot at nalulumbay. Tama ang message nitong kantang ito, kung ako ang pipiliin niya malamang hindi pa rin siya sasaya ng husto, nakikita ko iyon sa mga mata niya. Marahil iniisip niyang masasaktan ako kapag iba yung pinili niya dahil childhood friend niya ako at ayaw niya akong masaktan pwes, nagkakamali siya dahil mas ayokong makita siyang nasasaktan. Pero alam kong mahal niya pa rin yung Boyfriend niya kaya eto ako sawing palad.

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon