PiII 41 Heartprints

811 77 5
                                    

Eto po yung Continuation ng POV ni Krissa thanks!

By the way eto nga pala ang konting introduction sa INCOMPATIBLE LOVE hope you like it.

A girl Searching for his Mr.Right. Her name is Abby de Castro, mabait, simple at maganda. Ngayon lang siya pinayagan ng kanyang ina na magkaroon ng boyfriend kaya naman hinahanap niya ito agad. Then he met Alvin Cruz na siyang gugulo sa buhay niya. Inis na Inis siya dito dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanya. Tapos narealize niyang mahal niya na pala ito at ganun din sa kanya si Alvin ngunit napag-alaman nila na magpinsan pala sila. Ipaglaban pa kaya nila ang kanilang maling pagmamahalan? o Susuko na sila? Abangan ....

Continuation .......

"Krissa! Gumising ka na riyan! Kanina pa nandiyan sina Mama at Papa kakain na raw tayo bilis! Bumangon ka na diyan!" Pangyuyugyog sa akin ni Ate para magising ako

"Sorry Ate! Napasarap yata masyado yung tulog ko. Maauna ka na sa baba at susunod na rin ako." Sabi ko kay Ate then tumayo na ako sa higaan ko

"Ayusin mo muna yung sarili mo bago ka bumaba. Yung mata mo kasi pagang-paga! Kaya kapag nakita iyan ni Mama o Papa tiyak na malalamang umiyak ka. Geh sunod ka na lang." Tuluyan ng lumabas ng pinto ko si Ate at dumiretso sa baba

Naalarma tuloy ako sa sinabi ni Ate kaya naman agad kong tinungo yung salaminan para malaman kung totoo ba o hindi yung sinabi ni Ate.

Wahhhhhhh! Sigaw ko ng mahina. Totoo nga! Ano gagawin ko para hindi ito mahalata nila? Lagot ako nito tiyak na magtatanong iyon kung bakit nagkaganito yung mata ko.

Tiiinngggg!

Bright idea!

Mabuti na lang at nakaisip ako ng paraan! Susuotin ko na lang yung salamin ko hehehe .... kaya pagkasuot ko ay dumiretso na ako sa baba.

Sa hapag-kainan .....

"Oh anak kamusta ka na? Mukhang pagod na pagod ka ah! Marami ba kayong ginawa sa school kanina?" Tanong ni Mama habang nakaupo sa pwesto niya

"Ah wala naman po, siguro po pagod lang sa kaiisip hehe" pabiro kong sabi kay Mama

"Kaiisip kanino? Kay Kean? May problema ba kayo?" Tanong naman ni Papa habang humihigot ng sabaw

"Medyo po. Pero w-wala po kaming problema hehe" pagsisinungaling ko nagkasala pa tuloy ako dapat pala umamin na ako

"Anak, masama nagsisinungaling. Maaari mo namang sabihin sa amin ng Mama mo yung problema mo eh tsaka tanggalin mo na iyang salamin mo halatang umiyak ka eh. Hindi mo maitatago sa amin yung totoo kaya magkwento ka naman para matulungan ka namin sa problema mo." Sabi ni Papa then hinawakan yung kamay ko

"Sorry po, sa totoo lang po kasi nahihiya akong magopen-up sa inyo kasi busy kayo at ayoko na pong abalahin kayo tsaka yung sa amin mo ni Kean ay maaayos din someday." Sabi ko sabay patak ng luha ko sa may hita ko

"Krissa Anak, hindi porket busy kami ng Mama mo ay hindi muna kami pwedeng lapitan lalo na kapag may problema ka. Responsibilidad naming mga magulang na gabayan kayong mga anak namin kaya pasensya na kung madalas wala kaming time sayo." Sabi ni Papa, tumayo siya sa kinauupuan niya at pinunasan niya ang luha ko

"Anak ka namin Krissa kaya kapag nakikita ka naming malungkot pati kaming magulang mo ay naaapektuhan. Patawarin mo kami anak." Sabi ni Mama tapos tumayo siya sa upuan niya at niyakap ako

Nung niyakap ako ni Mama ay yumakap na rin si Papa at Ate Kylie. Ngayon, naramdaman kong hindi ako nag-iisa dahil karamay ko na ang pamilya ko sa hirap o ginhawa. Mas lalo tuloy akong naiyak pero tears of joy naman.

After ng madramang iyakan namin ay tinapos namin ang pagkain at mamaya ay magoopen-up ako sa kanila kaya I need to prepare myself sa mahaba-habang tanungan hehe.

This is it! 

Eto na at handa na ako para sagutin yung mga tanong nila haha. Parang pangshowbiz lang eh. Nagdatingan na sila at nagsimula na rin akong kabahan.

Pakiplay po yung song sa gilid entitled HEARTPINTS BY JIREH LIM this song is suggested by  

my classmate. Hope you like it and enjoy reading! 

------------------------->

"Ako na unang magtatanong, Ano yung reason ng pagaaway niyo ni Kean?" Tanong ni Ate Kylie

"Kasi Ate nung pumunta ako kanina sa bahay nila eh naabutan ko silang dalawa ng kaklase ko na si Shelly na magkayakap tapos ayon nagselos ako at humantong sa ganitong pangyayari." Sabi ko habang nakayuko

"Yakap? Ayun lang? Bakit hindi mo siya hayaang mag-explain para hindi niyo pinapahirapan yung isa't isa." Sabi naman ni Papa

"Papa kasi nung mga time na iyon sakit at galit yung nararamdaman ko kaya naman hindi ko siya pinagexplain. Opo may mali rin po ako kaya hindi ko po alam kung ano ang dapat kong gawin." Sabi ko

"Ganyan talaga tayong mga babae anak. Selosa! Nangyari na rin sa amin iyan ng Papa mo kaya daanin niyo lang sa mahinahon na usapan para malinawan kayo sa isa't isa." Sabi naman ni Mama

Lumabas na lang kusa yung mga luha sa aking mga mata marahil narealize kong mali talaga ako.

"Pagsubok lang iyan Krissa. Sa isang relasyon, dadating at dadating yung problema na iyan kaya kailangan talaga ay MATIBAY ang inyong relasyon hindi dapat masira at TRUST, kung may tiwala ka sa kanya paniniwalaan mo siya at kahit ano man ang mangyari siya pa rin. Tingnan mo kami ngayon ni Kuya Kline mo oh healthy relationship diba?" Sabi naman ni Ate

"Salamat Ate, marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa love na iyan pero Salamat Mama, Papa at Ate dahil tinutulungan niyo akong unawain ito ng mabuti." Sabi ko

"Base kasi sa napapansin ko ay mas gumana ang PRIDE mo kaysa sa TRUST kaya tuloy kayo nagkaganyan. Ayusin niyo ito habang maaga pa ok? Alam ko namang Mahal niyo ang isa't isa kaya fixed this." Sabi naman ni Papa

Si Mama naman nakayakap lang sa akin. Para tuloy akong batang inagawan ng kendi sa kundisyon kong ito.

"Sige po, as soon as possible mag-uusap kami para ayusin ito. Babalitaan ko na lang po kayo. Salamat po sa lahat!"

Then, group hug kaming magkakapamilya. Tapos natulog na kami.

Ako nga siguro ang may mali kaya tuloy kami nagkaganito. Time to change! Haha :D

I miss you LASH!

**************

A/N :

Ano po ba masasabi niyo? 

Spread the Love!

Vote, 

Comment, 

Be a fan?

In Love, the most important thing na hindi dapat mawala sa isang relationship is TRUST dahil paano niyo hahayaang makisalamuha sa iba yung bf/gf mo kung hindi mo siya pinagkakatiwalaan? Kaya bago pumasok sa isang relasyon, kilalaning mabuti ang inyong Mahal GETTING TO KNOW FIRST eka nga kaya para sa huli hindi ka magsisisi.

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now