PiII 5 She's The One

1.9K 154 78
                                    

Kean's POV

Kakaiba talaga yung babaeng iyon. Ngumingiti kahit nasasaktan na siya, kinakaya kahit hindi niya na kaya. She's a strong girl, hindi sumusuko dahil alam niyang may pag-asa pa siya.

Pinagtagpo talaga kami ng tadhana ah, ang mga ex ng mga ikinasal, ano ito exchange partner lang kami? at kami pa talaga naging magpartner na susunod daw na ikakasal. Hahaha, mapagbiro talaga ang tadhana. Nakakatawa siguro kung magkagayon pero matatawag mo iyong kakaibang love story.

Nakakatuwa talaga siya. Para siyang bata na kung mag-isip ay matanda. She's fun to be with pinagaan niya ang loob ko kahit papaano. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ay siya ang pinakakakaiba. She's extraordinary.

Sayang nga eh bigla siyang umalis at hindi ko pa naitanong yung pangalan niya. Kailan kaya ulit kami magkikita? Ang tanong magkikita pa kaya kami? Sana! Gusto ko siyang maging kaibigan dahil komportable ako kapag kasama ko siya. Hanggang kaibigan lang ba? Kahit na special siya para sa akin.

Natatawa tuloy ako sa sarili ko sa katatawa mag-isa dito sa kwarto ko. Pinalitan niya ng saya ang lungkot na namumutawi sa aking mukha.

Magpapatugtog na nga lang ako para makatulog. Naghahalo kasi ang saya at lungkot sa aking mukha dapat happy lang :) 

Headset, Plug In!

Pakiplay po yung song sa gilid entitled SHE'S THE ONE BY ROBBIE WILLIAMS sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa. 

----------------------------->

Naku, bakit eto pa yung nagplay na song? Ang kanta ko kay Ria nung nililigawan ko pa lang siya at kapag sinusuyo sa tuwing kami ay nag-aaway. Normal lang naman sa isang magpartner ang mag-away diba? Kaso sa case namin kaya siya nakipagbreak dahil hindi niya ako mahal at baka nga pinagtripan niya lang ako dahil utos dito, utos doon ganun na lang lagi daig ko pa ang personal maid niya kung maka-utos sa akin at higit sa lahat hindi niya ako trinato na boyfriend niya. Maglalambing lang sa akin iyan kapag may iuutos siya.

Tanga ko rin noh? Hindi ko man lang pinansin yung way ng pagtrato niya sa akin. Nagpakatanga ako sa kanya. Bakit kaya karamihan sa ating mga tao ay nagiging tanga pagdating sa pag-ibig.

Naalala ko tuloy yung time na kapag lalabas kaming dalawa, napapaaway pa ako sa ibang tao dahil kung makakapit siya sa ibang lalaki ay parang wala ng bukas. Ganun ba talaga iyon? Kahit alam mo ng niloloko ka na ng bf/gf mo ay ok lang sayo dahil mahal mo siya? Hindi ba masyadong nagpapakamartir na ang tawag dun?

Ngayon alam ko na ang sagot diyan sa aking mga katanungan. Sa susunod kapag umibig ulit ako gagamitin ko na ang utak ko hindi lang puso para hindi ako nasasaktan ng ganito. Napaisip tuloy ako, ano nga ba ang ating ginagamit pagdating sa pag-ibig? Utak o puso? Pero karamihan sa atin ay puso ang ginagamit dahil umiibig tayo ngunit utak naman ang iba para saktan o paglaruan nila tayo.

Kailan ko kaya makikita ang taong masasabihan ko ng "She's the One" ? Siguro sa ngayon mag-aaral na muna ako ng mabuti wala munang lovelife para mabawi ko yung bumaba kong grades. Malapit ng matapos ang 1st semester ng taong ito, hindi ako pwedeng bumagsak dahil ayokong malungkot ang parents ko.

May pasok na ulit bukas kaya kailangan ko ng matulog, masyado na akong puyat. Good Night!

*************

A:N

Magkita pa kaya si Krissa at Kean?

Abangan .....

Comment and Vote! 

Be a fan!

What's better than answers to our why questions? Trusting a good God who has His reasons.

I have heard of You by the hearing of the ear, but now my eye sees You. 

- Job 42:5

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin