PiII 92 Marry Your Daughter

587 57 7
                                    

Four Chapters left at matatapos na ang story na ito! Gusto niyo bang magkaroon ng PLUG IN III? Kung gayon, basahin ang ELMO'S LAST NOTE sa last part...

Isa pa po, LALAKI PO AKO! Kaya huwag niyo po akong tatatawing Ms. Author! MAARI NIYO NAMAN AKONG TAWAGING ELMO NA LANG EH! HAHAHA :D HINDI PO AKO GALIT....

Kean's POV

Dahil nga separate ang girls at boys ay naisipan kong tanungin sila sa kanilang opinion kung paano ba ako magpopropose kay Krissa ng kasal. Ang alam ko ay engaged na si Kristoffer at Charlene at next year ang kasal nila.

Oo tama kayo ng nadinig, yayayain ko na po si Krissa na magpakasal na kami. Ang balak ko ay this year kaya I need their suggestion kung paano ko didiskartehan ng Proposal itong si Krissa.

Pagkahiga namin ay nagsimula na akong magtanong sa kanila. "Mga tol, pwede bang humingi ng opinyon niyo?" Tanong ko.

"Oo naman Pare, bakit about saan ba itong pag-uusapan natin?" Tanong ni Toffer.

"Sige lang Pre, makikinig lang kami sayo huwag ka lang magdadrama dyan! Hahaha!" Sabi naman ni Jiro.

"Ganito kasi iyon, may balak na kasi akong magpropose ng Kasal kay Krissa kaso hindi ko alam kung paano ba. Gusto ko yung kakaiba yung talagang masosorprise siya mga Pare. Kayo ano sa tingin niyo?" Tanong ko.

"Pare, alam naman natin na iyang mga babae ay mahilig sa surprise. Ikaw ba, sa lahat ng panonorpresa mo kay Krissa ay paano mo pinag-isipan? Lahat ng pakulo mo ay the best! Wala akong masabi pero ang masasabi ko lang sayo ay suyuin mo muna yung Parents niya. Magpaalam ka sa kanila na kung maaari bang mahingi ang kamay ng kanilang anak ganun." Sabi ni Jiro.

"Aba tol nice idea iyan ah. Yung moment na haharanahin ko yung Parents niya at kakantahin yung Marry your Daughter at susuyuin para maapprobahan nila yung pagpopropose ko tsaka para may blessing na mula sa kanila diba?" Sabi ko.

"Oo tama ka magandang haranahin sila kaso naisip mo ba kung paano? Diba sabi nga ni Krissa na busy yung Parents niya sa trabaho at wala ng masyadong time sa bahay nila at gabi pa dumating. Dapat kapag hiningi mo yung approval ng Parents niya ay wala roon si Krissa kundi patay na! Wala nang thrill!" Sabi ni Toffer.

"Oo nga noh? Hindi ko naisip iyan, pero dahil naisip mo ay gagawan natin ng solusyon. Kailangan ng Day Off ng Parents niya para magawa ko yung plano ko. Ako na bahala roon nandito naman sina Mom and Dad para maisakatuparan itong plano ko." Sabi ko.

"Ok so wala ka nang problema roon. Ang tanong paano mo naman sosorpresahin si Krissa?" Sabi ni Jiro.

"Iyan ang hindi ko pa alam. Pinag-iisipan ko nga rin iyan eh! Kaya nga humihingi ako sa inyo ng tulong para hindi mahirapan kaiisip eh!" Sabi ko.

"Kean may naisip ako, may napanood kasi akong movie na kung saan ay nagpropose yung lalaki kung saan sila unang nagdate nung babae. Saan nga ba first date niyo ni Krissa?" Tanong ni Toffer.

"Naisip ako saglit, *isip* *isip* at naalala ko na! Oo doon, sa may Sinehan! Doon kami unang nagdate ni Krissa!" Sabi ko.

"Ayun naman pala eh, so may naisip ako kung paano yung gagawin mo........" sabi ni Toffer.

So pinag-usapan nga naming tatlo yung aking proposal na gagawin ko kay Krissa at napakagandang idea ang nabuo namin.

Fast forward.....

After ng aming Reunion ay naghiwa-hiwalay na ulit kami. Pagkauwi ko sa bahay ay kinausap ko si Mom and Dad.

"Mon and Dad, I need your help please!" Sabi ko pagkapasok ko sa kwarto nila.

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now