PiII 34 Pusong Lito

754 79 7
                                    

Pakiplay po yung song sa gilid entitled PUSONG LITO. 

---------------------->

Krissa's POV

Hindi ko namalayang nakatulog ako kaya nakasaksak pa rin sa tainga ko yung headset at ang tugtog pa ay PUSONG LITO.

Oo nga naman, bakit kaya mapagbiro yung tadhana? Kung kailan naman kasi ok na ang lahat at masaya na kami ay tsaka darating yung mga problemang iyan. Bakit naman kasi ganun si Kean gusto niyang layuan ko si Kristoffer eh wala naman kaming ginagawang masama tapos nagwalk out pa siya kagabi, hindi ko alam kung ano yung tumatakbo sa isip niya. Dapat maayos ko na yung gusot na ito.

Kung titimbangin ko kung sino talaga ang mas lamang ito ay si _______________________! Pero kailangan ko talagang mag-isip ng mabuti dahil baka mali etong estimasyon ko. Kailangan ko na bang humingi ng tulong/advice kay Ate Kylie? Ano sa tingin niyo? Wala naman sigurong papanigan si Ate sa dalawa noh? Kaya I need her help right now.

Dali-dali akong bumaba para hingin ang opinyon ni Ate Kylie ngunit iba yung nadatnan ko sa baba si .......

KRISTOFFER !

Bakit kaya siya nandito?

"Gising ka na pala, Nandito ako ngayon dahil pinapunta ako dito ni Ate Kylie para daw may kasama ka." Sabi niya

Galing ah, nabasa yata yung nasa isip ko hehe.

"Ah ganun ba? Saan ba siya nagpunta?"

"Nagdate sila ni Kuya" sabi niya

"Ah ok, sige akyat muna ako sa taas."

"Wait, huwag mo naman akong iwasan hindi ko kasi kaya na magalit ka sa akin. Sorry nga pala sa nangyari kagabi dapat hindi ko sinabi yun eh, ayan tuloy nagkagulo hehehe. Patawarin mo naman na ako please?" Sabi niya

"Hahaha, past is past ano ka ba. Tsaka hindi ako galit sayo may kukunin lang ako sa kwarto ko kaya naman aakyat ako. Hindi naman kita pwedeng iwan dito sa baba mag-isa noh bisita ka eh." Sabi ko

"Sorry kung napakaover acting ko. Hindi ko naman kasi gustong magkagalit kayo ng Boyfriend mo eh. Nagkaayos na ba kayo?"

"Actually, hindi pa kami nagkaka-usap pagkatapos ng nangyari kagabi. Pero huwag kang mag-alala dahil magkakaayos din kami."

Then niyakap niya ako. I feel comfortable naman kaya I hug him back.

Then, nagulat ako ng makita ko si Kean sa may pintuan namin at pinagmamasdan kaming dalawa ni Kristoffer na magkayakap. Kaya dali-dali akong kumawala sa yakap na iyon.

*************

A/N :

ouch para kay Kean iyon. Magkakaroon na naman ba ng rambol? Magkakaayos na ba si Kean at Krissa?

Abangan ...

Revenge restrained is a victory gained.

Cease from anger, and forsake wrath. 

-Psalm 37:8

Comment and Vote po!

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now