PiII 7 Nasa Iyo Na Ang Lahat

1.6K 131 40
                                    

Kean's POV

Oo nga pala, Architecture nga pala yung course ko. 1 week na kaming magkaibigan ni Krissa at napansin kong medyo nakakamove-on na ako sa break up namin ni Ria. Siguro si Krissa ang sagot sa mga katanungan ko. Siya lang ang nagbalik ng ngiti sa aking mukha.

Alam niyo bang kapag magkasama kami ay mayroong kuryente akong nararamdaman. Dahil dun nacurious ako at tinanong ko sa kabarkada ko ang ibig sabihin nun at ang sabi niya ay.....

"Inlove ka na sa girl na yun kaya ganun. Ganyan din yung naramdaman ko nun sa girlfriend ko ngayon kaya nagtapat ako sa kanya ayun naging kami. Kaya kung ako sayo magtapat ka na sa kanya baka maunahan ka pa diyan ng iba."

Inlove na nga ba ako kay Krissa? Kasi tuwing magkasama kami ay natutuwa ako at kapag hindi ko naman siya nakita o nakasama ay miss na miss ko na agad. Ibang-iba ito nung nagustuhan ko si Ria. Kasi sa kanya ay siya ang unang umamin na may gusto daw siya sa akin eh crush ko pa naman kaya naging kami agad.

Iba nga siguro kung ang lalaki ang unang magtatapat kaysa sa babae. Kaso ang iniisip ko kapag umamin ako tapos wala pala siyang pagtingin sa akin ay baka masira ang aming pagkakaibigan. Kailangan kong mag-isip ng paraan para rito.

"Kuya, tulala ka na naman. Sino ba yang iniisip mo?" Sabi ng kapatid kong babae

"Wala, doon ka na nga bababa na rin ako." Sabi ko

Tapos natanggal ang earphone na nakasaksak sa cellphone ng kapatid ko kaya nagplay yung song sa speaker.

Pakiplay po yung music sa gilid entitled NASA IYO NA ANG LAHAT BY DANIEL PADILLA enjoy :) 

-------------------------->

"Nasa iyo na ang lahat 

Minamahal kita pagkat 

Nasa iyo na ang lahat 

Pati ang puso ko"

"Adik na adik ka kay Daniel Padilla, dun ka na nga. Mas gwapo pa ako dun, bakit ba patay na patay ka sa kanya?"

"Syempre kuya sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya eh nasa kanya na kasi ang lahat ngayon, pati ang puso ko hahaha, sunod ka na lang sa baba hahaha!" Sabi niya

Napaisip tuloy ako sa sinabi ni kapatid kaya niresearch ko ang kantang iyon sa youtube at ipinlay.

Mukhang patama sa akin ito ah, nasa kanya na nga ang lahat. Maganda, Mabait, Matalino tapos pati puso ko nasa kanya na rin. Isa lang ang ibig sabihin nito ....

MAHAL KO NA NGA SIYA!

Kaso kapag nagtapat ba ako sa kanya ng aking damdamin ay tanggapin niya ito? Huwag na lang kaya?

"Naku Kuya hindi mo pa nga sinusubukang sabihin sa kanya ay nagdadalawang isip ka na agad. Eh paano ka liligaya kung ganyan ka? Susuko ka kaagad?" Sabi ni kapatid

"Diba bumaba ka na? At saan mo naman natutunang magpayo ng ganyan? Kay bata bata mo pa alam mo na agad iyan."

"Bumalik ako dito dahil ang tagal mong bumaba at hindi mo nga pala alam kuya ako ang Love Expert sa school namin hahaha!"

"Naku bata ka tara na nga baka mapagalitan pa tayo rito ni mommy."

Siguro sasabihin ko na sa kanya itong nararamdaman ko habang hindi pa huli ang lahat.

**************

A/N : nagustuhan niyo ba? Dapat na bang aminin ni Kean ang kanyang nararamdaman kay Krissa?

Abangan ....

Comment and Vote! 

Be a fan po!

Speak to the rock before their eyes, and it will yield its water. 

- Numbers 20:8

Listen then obey.

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now