PiII 81 Never Gone

533 60 4
                                    

Nagbabasa po ba kayo ng Author's Note? Kung gayon salamat at binabasa mo iyon.

Ang pinakaimportante po sa akin sa isang story ay ang Author's Note dahil doon nalalaman ko kung ano ang nararamdaman nila na gusto nilang ipahatid sa mga mambabasa. Don't ignore it.

Pakiplay po yung song sa gilid entitled NEVER GONE, maganda yung song na ito pakinggan niyo. 

---------------------------->

Krissa's POV

Ayan na at naglalakad na siya papalapit sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin? Kinakabahan ako dahil hindi ko malaman kung ano ba yung ibig sabihin ng mukhang walang buhay parang deadpan ganun? Yung itsura ng mga sundalo na parang laging nakasimangot na galit.

( Ano ba ang main reason mo kung bakit ka pumunta dito? ) -conscience

"Syempre para naman makahingi ako ng tawad sa kanya dahil sa maling naiasal ko kahapon." Sabi ko sa utak ko.

( Ayun naman pala eh, ano pang tinutunganga mo dyan? Yakapin mo na! Baka mamaya hindi ka niyan pansinin bahala ka. ) -conscience

"Oo nga eh :( pero dapat magpakatatag ako. Kung hindi man niya ako pansinin ay hindi ko siya titigilan kaya go Krissa! Fight fight fight!" Sabi ko sa utak ko.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at tumakbo na ako papalapit sa kanya na naging sanhi ng pagkakaiba ng kanyang ekspresyon at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit na para bang wala ng bukas at niyakap niya rin ako.

Pagkabitaw namin sa isa't isa ay kaagad naman akong nagsorry sa kanya. "Kean, una sa lahat kung bakit ako naririto ay upang humingi ako sayo ng kapatawaran dahil sa maling inasal ko sayo kahapon. At gusto ko ring dalawin sina Tito at Tita." Sabi ko.

"Natutuwa naman ako dahil inagahan mo talaga ang pagpunta rito noh? At may dala ka pang mga Prutas at Cup noodles, para sa atin ba iyan? Hahaha! By the way, naiintindihan naman kita kaya walang problema sa akin iyon. Apology accepted!" Sabi niya habang naglalakad kami patungo sa Room ng Parents niya.

"Hehehe, syempre! Kailangan talagang may dalang pagkain para kina Tito at Tita. Yung Cup Noodles sa atin iyan, 2 lang binili ko noon kaso naisip ko si Kendra kaya 3 na binili ko pambawi naman sa maling ginawa ko hahaha. At isa pa, pinapayagan na kitang umalis at asikasuhin yung mga dapat mong ayusin." Sabi ko.

"Good for us! Hahaha! Talaga? Hindi ka nagbibiro? Wala ng bawian iyan ah?" Sabi niya ng medyo gulat kaya tumigil kami sa paglalakad.

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now