PiII 70 Get Up

593 63 14
                                    

HAPPY BIRTHDAY TO ME! 

WALANG HUMPAY NA HAPPY BIRTHDAY ANG MABABASA NIYO SA UNAHAN HANGGANG BIRTHDAY KO HAHA! PASENSYA NA AT MAKULET AKO, PERO PAGBIGYAN NIYO NA DAHIL BIRTHDAY KO HAHAHA! :D

Nakakalungkot lang dahil nabawasan ng isa ang followers ko. Ngayon ay 98 followers na lang ang meron ako kaya naman tell your friends to follow me para maging masaya hehe. Salamat din sa mga silent readers kung meron man haha.

May tanong nga pala ako sa inyo, KUNG REREGALUHAN NIYO AKO NGAYONG KAARAWAN KO, ANO ITO AT BAKIT? Just Comment your answer at the bottom of this Chapter. Hihintayin ko ang mga sagot ninyo.

Krissa's POV

Pakiplay po yung song sa gilid entitled GET UP BY MARY MARY, paplay po as a background music hehe. 

--------------------------->

This is the Day na aming pinakahinihintay. Ngayon ko lang maeexperience na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo at marami kaming matutulungan nito. Oo may experience na ako sa pagtulong kaso sa mga bata pa lang at napakalaki ng kaibahan noon sa ngayon dahil Family na ang mapapasaya ko.

Maaga kaming pumunta sa Evacuation Center, pagkarating namin doon ibinigay na nila Shana, Jiro at Kean ang aming mga dala-dala. Enjoy na enjoy naman yung mga taong binibigyan nila.

Nagsimula na rin ang Medical Mission sa pangunguna ni Charlene at ni Kristoffer. Syempre, pareho silang nag-aassist sa mga taong gustong magpatingin. Provided na rin ang mga gamot na kakailanganin nila para less gastos na sila.

Dahil ako, mamaya ko pa ipamimigay yung mga pagkain mamayang lunch ay naglibot-libot muna ako para mag-interview ng mga tao at para malaman ko rin kung ano ang kanilang mga pinagdaanan. Sa ngayon, ako'y magiging adviser muna nagbabakasakaling makatulong man lang kahit papaano.

Sa aking paglilibot ay may pumukaw ng aking atensyon. Isang pamilya na tila nalugami dahil sa baha. Naaawa ako kay Ate dahil ang papayat ng mga anak niya. Malnutrisyon, isa sa mga kalaban ng mga kapos palad na mamamayang Pilipino.

Nilapitan ko si Ate at kinamusta ang kalagayan nilang magpamilya.

"Magandang Umaga po sa inyo, ako nga po pala si Krissa Volunteer po ako. Maari ko po bang kamustahin ang inyong kalagayan?" Bungad ko kay Ate.

"Oh sige Hija maupo ka na lang diyan. Ako nga po si Minda, tawagin mo na lang akong Aling Minda. Sa totoo lang, hindi maganda ang kalagayan namin ngayon. Wala na nga kaming makain, nawalan pa kami ng tirahan. Tingnan mo tuloy yung mga anak ko, sadyang kahabag-habag. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh." Sabi ni Aling Minda na halos maiiyak na.

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now