PiII 32 High

762 79 4
                                    

Krissa's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatawagan ni Tita it means hindi pa umuuwi si Kean sa kanila. Paano kung may masamang nangyari sa kanya? Ako may kasalanan nun.

Nakailang missed calls na ba ako sa kanya? Hindi ko na mabilang, sa pag-aalala ko sa kanya. Ok lang naman si Kristoffer pero si Kean talaga, gusto kong malaman kung ok lang ba siya. Pero paano naman? Maski nga communication wala kami sa ngayon eh!

Makapagpatugtog na nga lang para hindi ako mastress ng ganito. Headset, plug in!

Pakiplay po yung song sa gilid entitled HIGH BY THE SPEAKS sana magustuhan niyo. 

---------------------------->

Ayoko ngang mastress pero bakit ganito yung song parang mas lalo pa akong pinapakaba at kinokonsensya nito. Ewan ko ba pero bigla na lang tumulo yung luha ko. Isa lang ibig sabihin nito, nalulungkot ako sa mga nangyari parang ang malas-malas ko ngayon.

Simula nung dumating ulit dito sila Kristoffer ay nagulo na ang buhay namin ni Kean. Huwag niyo sabihing nagbalik si Kristoffer para sirain ang aming relasyon. Hindi naman siguro pero isa lang talaga ang gumugulo sa utak ko ayon ay sana nasa mabuting kalagayan si Kean, kasalanan ko kasi ito eh. Kung hindi siguro ako pumayag na sumama kay Kristoffer hindi magkakaganito ang lahat. Sigurado naman akong hindi bibitaw si Kean sa pagmamahalan namin dahil nangako siya na walang bibitiw sa amin, kakaharapin namin ang mga pagsubok ng magkasama at walang iwanan iyan ang sabi namin sa isa't isa.

Sa kaiisip ng kung ano-ano ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Kean's POV

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nakita ko yung phone ko sa may kama.

"Aba, nandito lang pala ito, naiwan ko pala. Ay, dead battery pala eh maicharge nga muna."

Iniisip ko kung bakit pumunta dito si Krissa siguro sasabihin niya na yung lahat-lahat at magsosorry na rin sa mga mali niyang nagawa.

Eh paano kung makikipagbreak na pala? Aba, hindi pwede, hindi ko kakayaning mawalay at malayo sa kanya.

Iyan ang nagtatalo sa utak ko. Bakit nga ba? Then, naidlip ako sandali.

Maya-maya ay naalimpungatan ako tapos tiningnan ko yung phone ko kung full battery na at tama nga ang hinala ko pero nagulat ako ng makita kong 57 missed calls from Krissa-EYE ko. Hala! Ano ibig sabihin nito?

************

A/N :

ano na kaya ang mangyayari sa dalawa? Magkausap na kaya sila? Abangan ....

Comment and Vote po kayo!

With all my might I sing praises so freely I lift my hands and I lift them high. Open my heart to say that you are so lovely, I worship you as a lifestyle.

Kung ibibigay sa Diyos ang mga problema, bibigyan Niya tayo ng kapayapaan.

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin