PiII 50 One And Only You

807 76 5
                                    

Pakiplay po yung song sa gilid entitled ONE AND ONLY YOU by PAROKYA NI EDGAR, sana magustuhan niyo pa rin yung song kahit na this past few weeks ay naging controbersyal ang leader ng grupo nila. 

----------------------->

Pagkababa namin ng lobby ni Krissa ay saktong kumakain nga sila ng breakfast kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa nang makalapit kami sa kanila ni Krissa.

"Mom, Dad, salamat po dahil kayo ang gumawa ng solusyon sa problema ko na hindi ko alam kung paano sosolusyunan. Mom, salamat sa pagcomfort sa akin at sa mga advices na ibinigay mo para maging matatag ako. Dad, ito ang gift na hindi ko inaasahan mula sayo. Wala tayo masyadong bonding moments dahil busy ka sa trabaho pero bumawi ka naman sa akin ngayon. Maraming salamat po sa inyo." Tapos niyakap ko si Mom and Dad na nakikinig lang sa aking speech kanina at itinigil pa ang kanilang pagkain.

"Son, ayaw kasi naming makitang malungkot ka ng Mommy mo para bang pasan mo ang mundo kaya nag-isip kami ng way para mapasaya ka. Kamusta na kayo ok na ba?" Sabi ni Daddy pagkatapos niyang kumalas sa yakap ko

Tumingin ako kay Krissa na nakatayo malapit sa upuan ng kapatid ko at nakangiti kaya nginitian ko rin siya. Nilapitan ko siya at humarap kami kina Mom and Dad para sabihin sa kanila ang status namin ngayon.

"Mom, *tingin kay Mom* Dad, *tingin naman kay Dad* kami na ulit at that was the last time na mag-aaway kami. Hindi na mauulit dahil sinasaktan lang namin yung isa't isa." Sabi ko habang nakaakbay kay Krissa. Si Krissa naman ay nahihiya-hiya pa sa Parents ko.

"So ano pa ang tinatayo-tayo niyo diyan? Maupo na kayo at kumain ng breakfast dahil last day na ito, sulitin na natin." Sabi naman ni Mommy sabay subo sa kanyang kinakain.

Kaya naupo kami kaagad ni Krissa para kumain. Ang dami ko ngang nakain eh marahil sa sobrang stress. Syempre hindi mawawala diyan ang kasweetan namin ni Krissa dahil nagsusubuan pa kami na parang bata. Tuwang-tuwa naman sa amin sina Mom and Dad. Yung kapatid ko naman ay inupakan yung mga dessert na para bang mauubusan siya. 

After naming kumain ay nagpatagtag muna kami para bumaba ang aming kinain bago kami sumabak sa paglangoy.

Napag-alaman ko ngang hindi marunong lumangoy itong si Krissa eh pero sanay siyang sumisid. Kung lalangoy siya ay parang langoy aso kaya tawa ako ng tawa sa kanya. Mawawala ba ang harutan session? Syempre hindi pagkakataon ko na ito eh haha.

Kaya nung hinamon ko siyang sumisid sa ilalim ng dagat ay may naisip akong plano. Nagkarerahan kami, kung sinong matalo ay may parusa hindi naman siya tumanggi doon. In the end ay nanalo ako sa laban namin kaya nung tatanong niya kung ano ang consequence ay hindi niya na naituloy dahil hinalikan ko agad siya mga 5 seconds lang naman at nagmadali na akong pumunta sa may pampang para hindi na siya makaganti haha.

Nung nasa may white sand kami at nagpapalilim ay siya naman ang humamon sa akin. Naglaro kami ng Jack en' Poy at ang matalo ay ililibing sa lupa. In the end, natalo ako hindi ko alam na magaling pala siya doon kaya nilibing ako sa lupa. Tawa siya ng tawa at pinagpipicturan pa ako.

Gumawa din kami ng Kastilyong Buhangin pero sinira lang iyon ng alon. Buti na lang at napicturan namin. Ang kapatid ko ang nagpicture sa amin sa Castle nung napagtripan naming magpapicture. Oo nga pala, Yung kapatid ko naman nasa pampang lang lagi, doon lang siya sa mababaw dahil ayaw siyang palayuin nila Mom and Dad kahit na sanay siyang lumangoy. At speaking of them, may sarili rin silang moment.

Ang huli naming ginawa ay sumakay sa jetskie? ( Ganito ba spelling nun ) at banana boat na talagang in-enjoy namin. After nun ay inayos na namin ang gamit namin para makauwi na.

Krissa's POV

Ang saya-saya ko dahil nagkaayos na ulit kami ni Kean at may bonus pa dahil ngayon lang ako nakapunta rito sa may Boracay kaya ie-enjoy ko na. Kapag nakauwi ako sa bahay ay iingitin ko si Ate hehe pero uuwian ko naman siya ng white sand para souvenir ko sa kanya.

Nag-enjoy talaga ako dito dahil mayroon na naman akong bagong naexperience. Hinding-hindi ko makakalimutan dito yung banana boat dahil ang saya-saya talaga doon at nakapagjetskie pa ako oh diba?

Ang swerte ko talaga kay Kean dahil kahit na ako yung mali ay hindi pa rin siya nagalit sa akin. Eto na siguro yung totoong ibig sabihin ng Love para sa akin. Kahit na nasasaktan ka na go lang kung mahal niyo naman ang isa't isa bakit niyo hahayaang sirain ito ng isang problema lang diba?

Ibang-iba na ang panahon ngayon, wala ka na masyadong makikitang kagaya ni Kean kaya swerte ka kung makahanap ka ng kagaya niya. Yung mga lalaki kasi ngayon ay mapaglaro, wala silang pakialam kahit na makasakit sila ng babae basta ang sa kanila ay nageenjoy sila. Kaya nga naaawa rin ako sa mga babaeng nagpapakamartir ngayon eh parang ako lang dati na parang laruan na pinaglaruan at iniwan pagkatapos pagsawaan.

Sana nga kami na ang magkatuluyan hanggang sa huli. Syempre hindi natin maiiwasan ang mga problemang darating pa dahil isa iyan sa mga way para mapalapit tayo kay Lord. Hindi naman niya tayo bibigyan ng problema na wala tayong matututunang aral.

Napagtagumpayan namin ni Kean na maovercome itong problema ito. Ano pa kaya ang mga problemang kakaharapin namin?

*************

Elmo's Note:

Comment and Vote! 

Ang hirap maging College pero kaya ito dahil alam kong God is with me.

Mga readers, paramdam naman po kayo oh, magpost naman kayo sa MB ko para makapagkwentuhan tayo haha.

My Next update will be on Friday? Dahil Exam na po namin good luck sa akin. Ipagpray niyo po ako. Hindi pa po sure yung Friday baka po next week masyado po akong busy ngayon. Thanks.

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now