PiII 8 Torete

1.6K 123 52
                                    

Krissa's POV

Pakiplay po yung music sa gilid entitled TORETE BY MOONSTAR88 salamat :) 

---------------------------->

Sa tuwing magkasama kami ni Kean ay eto ang tumutugtog sa cellphone nagtaon nga lang ba? O sinasadya ng tadhana dahil we are meant to each other? Haha, masyado naman akong nag-aassume baka nga friend lang ang tingin niya sa akin eh.

Alam niyo bang natotorete ako sa kanya tuwing magkasama kami kapag kakain, lalabas at mamamasyal sa kung saan. Madalas pa ngang mapagkamalan ng mga kaklase ko na boyfriend ko siya. Sana nga, kaso hanggang panaginip ko na lang yata siya. Malay mo diba may chance pala hehehe.

Sa araw-araw naming pagsasama ay naiisip ko rin na may gusto rin siya sa akin dahil pwede naman niyang yayain ang mga kabarkada niya pero bakit ako pa diba? Nahihiya naman akong tanungin siya kung may gusto siya sa akin dahil first of all ako yung babae hindi dapat ako yung nagtatanong nun. Baka mamis-interpret niya lang.

Makahingi kaya ng advice kay ate? Alam kong mahal ko na si Kean dahil pinatibok niya muli ang puso kong sawi. At ngayon, nakamove-on na ako kay Jay :) ayun ay dahil sa kanya. Binuhay niyang muli ang katawang lupa ko.

"Ate Kylie, busy ka ba?" Tanong ko

"Hindi naman masyado bakit?" Sabi niya

"Kasi ate pwede bang humingi ng advice?"

"Advice? About saan?"

"Kasi ate inlove na ulit ako kaso sa kaibigan ko pa."

"Bakit naman ang lungkot ng tono ng pananalita mo?"

"Kasi ate mukhang wala siyang feelings sa akin at baka masira ang pagkakaibigan namin kapag nalaman niya ang nararamdaman ko sa kanya."

"Eh bakit naman siya magagalit kung malaman niya iyon? Matutuwa pa nga siya eh dahil you admire him at swerte mo kung may gusto rin siya sayo. Malay mo nahihiya lang umamin yung guy dahil parehas kayong ganyan ang iniisip. Hindi pa nga kayo umaamin eh nagcoconclude na agad kayo. Parang scientific method lang iyan una state the problem ang problem niyo ay pag-ibig na hindi maipagtapat wala pa nga kayo sa next step nagcoconclude agad. Kapag ganyan ang ginawa niyo walang mangyayari sa inyo."

"Ate, ok lang ba kung ako ang magtapat sa kanya?"

"Krissa, iyan ang huwag na huwag mong gagawin dahil iisipin ng lalaki na iyon ay patay na patay ka sa kanya kaya pwede ka niya imanipulate."

"Imamanipulate? Ibig sabihin kokontrolin niya ako?"

"Oo, lahat ng gusto niya ipapagawa niya sayo kaya kung ako sayo maghintay ka na lang. O kaya pakiramdaman mo."

"Eh paano ate kung torpe yung guy na nagugustuhan ko?"

"Iyan ang mahirap na problema, kapag naramdaman mong may gusto rin siya sayo magpakita ka na ng motibo para malaman niya na may gusto rin siya sayo."

"Ah ganun ba ate? Salamat sa advice."

Mukhang torpe lang siya, nararamdaman ko kasing may gusto rin siya sa akin kaya kailangan ko lang magpakita ng motibo na may gusto rin ako sa kanya.

*************

A/N : may gusto sila sa isa't isa kaso nahihiya lang silang umamin. Ano na kayang mangyayari? Abangan ....

Prayer is an acknowledgment of our need for God.

Comment and Vote! 

Be a fan po!

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now