PiII 64 This Is My Now

634 66 4
                                    

Sabi ko sa inyo eh hindi lang isa o dalawa, hintayin niyo na lang yung ibang update hehe. Sana dumami aking readers! At followers!

If the pressure is on, 

Press on!

Shana's POV

Naglalakad ako papunta sa may gym kasama ang aking kaklase na si Tin dahil mayroon kaming practice sa Cheering ng marinig ko ang taong nagsasalita mula sa dedication booth.

"Good Afternoon to Everyone! Sa totoo lang eh kinakabahan ako pero kailangan ko itong gawin. I dedicate this song to my special someone who captured my heart. Sa kantang ito, malalaman mo ang nilalaman ng puso ko Ms. Shana Miller. Kung nasaan ka man sana naririnig mo ako. This song is for you." Sabi ni Jiro at nagstart na siyang magstrum ng gitara at kumanta.

Nagulat ako dahil ngayon ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para magtapat sa akin. Natutuwa naman ako dahil todo effort pa siya.

"Wait, Shana Miller? Diba pangalan mo iyon? Hindi mo man lang sinasabi sa akin na may secret admirers ka pala ah." Sabi ni Tin

"Maski nga ako nagulat eh." Sabi ko

"Kakilala mo ba yung guy na iyon?" Tanong niya. Nandito na kami sa may tapat ng gym at nakaupo sa may hagdanan para makinig sa kanta ni Jiro.

"Ahmm oo kakilala ko siya. I treat him as a friend naman." Sabi ko.

"So kung ganun, may pag-asa pala si Kuya?"

"Syempre naman!" Tapos nagtawanan kami at nakinig sa kanyang pagkanta.

♪♪♪♪♪♪

Nang minsan ay 

Naranasan ko ang mag-isa 

Pilit ko na nilimot ang tulad niya 

Na dati ay mahal na mahal

Nakita ka 

At nasabi kong ikaw na nga 

Ang hinahanap at dinarasal 

Na makapiling ko...

♪♪♪♪♪♪

"Siguro nga kaya ako natotorpe ngayon sayo Shana dahil sa hiya because of my past pero ngayon ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin sayo ang nararamdaman ko." Sabi niya.

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now