PiII 76 Hulog Ng Langit

557 63 6
                                    

Again po, paread ng bago kong story PAPER ROSES AT MY NOTEBOOK, sana suportahan niyo rin.

[Continuation po....]

Dinala ko siya sa aming place. Nakita niya yung mga barkada namin. Nakita kong may tumulong luha mula sa kanyang mata. Tears of joy, marahil ay natutuwa siya dahil sinacrifice nila ang kaniya-kaniyang date para lang sa araw na ito. Nakakatouch naman talaga siguro yung ginawa kong surprise sa kanya.

Niyaya ko siya sa gitna para sumayaw habang kumakanta pa rin si Charlene. I put my left hand to her waist ang the right one is on her hand. We dance first slowly yung tipong every step mo ay may maaalala ka talaga, reminiscing the happy moment na mayroon kami.

"Kean, sa lahat ng sorpresang ipinakita/ibinigay sa akin, itong araw na ito ang hinding-hindi ko makakalimutan. Sa lahat ng Romantic date na pinagsaluhan natin ay ito ang the best. Especially, with the participation of our FRIENDS pa." Sabi niya.

"Syempre, ito ang kauna-unahang Araw ng mga Puso na sinelebrate natin kaya dapat talaga maging memorable sayo iyon. Ayoko namang kumain lang tayo sa labas at manuod ng sine para kasing walang kaeffort-effort. Sa pamamagitan kasi nito ay maipapakita ko kung gaano kita kamahal at kung paano magmahal ang isang Kean Mendrez." Sabi ko.

"Naki, hahaha! *kruugg kruugg kruugg*"

"Krissa my Eye, mukhang gutom ka na ah, hahaha! Tara kain na muna tayo." Yaya ko sa kanya.

"Sige Kean my Lash, hahaha!" Sabi ni Krissa.

After naming kumain ay nagkwentuhan lang kami at sumugod na dito sa pwesto namin yung apat marahil nagutom sila ng sobra.

Krissa's POV

Walang mapaglagyan ang tuwa na aking naramdaman noong Valentine's Day. Biruin mo iyon, kuntsabahin daw ba yung apat para sa aming Date na ito hindi lang iyon, pinagplanuhan pala talaga nila iyon kaya pala kapag tinatanong ko sila kung ano gagawin nila sa Valentines Day ay hindi sila nagsisiimikan kaya pala.

I really appreciate their effort talaga. Lalong-lalo na si Kean, ang akala ko talaga ay kakain lang kami sa Restaurant at magkukwentuhan noon pala hindi, mali ako ng akala.

May tinatago pala siyang pagkaRomantic sa kanyang katawan kapag gusto niya talagang magpasaya ng tao. Noong una eh akala ko on the stop lang siya nag-iisip, pinaghahandaan niya rin pala ito talaga ng mabuti.

By the way, wala naman na akong sasabihin pa. Ngayon alamin natin ang gustong iparating sa atin ni Ate Kylie hehehe. Malapit na siyang ikasal kaya Congratulations kay Ate!

Ate Kylie's POV

Dahil nga engaged na kami ni Kline ay masaya ako kasi akala ko hindi kami ang magkakatuluyan sa huli. Gusto niyo bang malaman kung paano kami nagkakilala at kung paano siya nagpropose sa akin? Let me tell you our story....

Pakiplay po yung song sa gilid entitled HULOG NG LANGIT, salamat! 

----------------------------->

★flashback★

Mga 7 years old yata si Krissa noon eh hinahanap namin ni Mama kasi hindi nagpaalam kung saan nagpunta kaya hinanap namin siya. Sabi ni Mama eh magbahay-bahay daw ako baka sakaling nakikipaglaro lang iyon sa kapitbahay kaya naman nilibot ko ang bawat bahay upang hanapin siya.

Hanggang sa makita ko siya sa bakuran ng kapitbahay namin at kalaro ang isang batang lalaki ayun ay si Kristoffer. Pinasok ko siya doon at hinila pauwi kaso ayaw magpauwi makulit tapos lumabas yung lalaki na kasing edad ko sa bahay at sinabing "Huwag mong pilitin yung bata kung ayaw." Eto yung unang araw na nagkakilala kami ni Kline 12 years old ako noon at maghahighschool.

Naging kaklase ko siya nung 1st year ako at naging close kami. Noong una talaga para kaming aso't pusa pero nagbago ang takbo ng tadhana. Siya ang 1st Crush ko.

Noong Bakasyon nung 1st year ay nagpaalam siya sa akin na aalis daw sila ng Pilipinas at titira sa ibang bansa kaya nalungkot ako at sabi pa niya ay babalikan niya ako at hinalikan niya ako sa pisnge. Hahaha, mga bata pa lang kami noon ay PBB teens na agad hahaha.

Noong 1st year College ako ay nagkaroon ulit ako ng Crush si KLINE WILLIAMS, hindi ko alam na siya pala yung kababata ko kaya naman nainspired akong mag-aral ng mabuti. Sabi niya babalik daw siya ng Pilipinas kapag nakagraduate na siya at syempre naghintay ako kaso hindi ko kinaya feelings ko at nahulog yung loob ko kay KLINE WILLIAMS.

Kapangalan pa niya ang kababata ko na si KLINE TYLER. Tapos napag-alaman ko na si KLINE TYLER AT KLINE WILLIAMS ay iisa kaya naman laking tuwa ko. Kilala niya pala talaga ako at nilihim niya yung totoo niyang katauhan pero wala namang problema sa akin iyon.

Syempre in every relation ay may pagsubok na dinaraanan. Si Lara, ang ex niya ang pinag-awayan namin haha.

Tapos nitong nakalipas lang na buwan noong December ay nagprose siya sa akin.

Nakasakay kami noon sa helicopter at naglilibot-libot tapos tinanong niya ako "Do you trust me?" Sabi ko naman oo. Kaya nagsuot kami ng parachute at tumalon sa napakataas na lugar. Ewan ko ba sa kanya kung anu-anong trip ang naiisip kaya nagsisigaw ako noong tumalon kami tapos bumukas yung parachute kaya safe na kami.

Nagulat ako ng may makita akong jet plane na may sinusulat sa ulap kaya naman nacurious ako at hinintay kung anong pangungusap ang mabubuo.

KYLIE BERMUDEZ THE MOST BEAUTIFUL GIRL IN MY EYES WHO CAPTURED MY HEART, WILL YOU MARRY ME?

Nagulat ako sa nabasa ko kaya naman napatingin ako kay Kline ay may dinukot siya sa kanyang bulsa then I saw a ring.

"Yes, I do!" Sabi ko at nung makalapag na kami sa lupa at niyakap ko siya at hinalikan.

★end of flashback★

Diba ang sweet? Hahaha :D Noong una talaga ay natakot akong tumalon pero dahil alam kong nandyan siya at hindi niya ako papabayaan ay tumalon ako. Ganyan ang nagagawa ng trust, tingnan niyo engaged na kami kung hindi ako tumalon malamang nganga ako haha.

Sa Bakasyon na ang aming kasal kaya hihintayin ko kayo doon ah! You are invited!

★★★★★★

Elmo's Note:

Nag-enjoy ba kayo? Just drop your Comments at Vote po kayo!

Even when our situation looks difficult, we can trust that God is leading. He already knows what we'll need when we get there.

Facing an impossibility gives us the oppurtunity to trust God.

#TheRoadToBlessing 

-Depend the truth with love-

*risingservant*

Plug In II (A Musical Story)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin