PiII 39 14

750 82 3
                                    

Eto na malalaman niyo na kung ano nga ba ang nakita ni Krissa. Pero bago iyan alamin muna natin ang POV ni Kean.

Kean's POV

Pakiplay po yung song sa gilid entitled 14 BY SILENT SANCTUARY, enjoy! 

--------------------------->

Pagkatapos kong kumanta ay hinanap ko siya kaso hindi ko siya makita. Pinuntahan ko na ang lahat ng pwede niyang puntahan kaso wala akong nakita bakas niya. Dahil sa pagod ay napag-isip-isip kong wala na siya dito ay naglibot na lang ako sa may park. Habang naglilibot ay nakasalubong ko ang mga barkada ko.

"Oh tol, nandito ka pala, pupunta kaming bar ngayon gusto mo bang sumama?" Tanong ni barkada1

"Naku pare, may hinahanap pa kasi ako. Hinahanap ko si Krissa kung gusto niyo kayo na lang." Pagtanggi ko

"Sumama ka na Kean, mag-eenjoy lang naman tayo eh tsaka mukhang may problema ka tara iinom mo na iyan." Sabi ni barkada2 sabay tapik ng aking balikat

"Hindi sagot ang pag-inom ng alak para makalimutan mo ang iyong problema. Babalik at babalik din iyan kapag nasa tamang pag-iisip ka na ulit." Sabi ko dahil ayoko ng magtake ulit ng alcoholic drinks dahil binago na ako ni Krissa tsaka tama siya wala itong magandang idudulot sa ating katawan.

"Tsaka matagal ka na rin namang hindi sumasama sa amin eh simula ng makilala mo si Krissa. Tama nga sila basta pagdating sa love magbabago at magbabago ang isang tao. Ano sasama ka na ba?" Tanong ni barkada3

"Kahit anong pilit niyo hinding-hindi ako sasama kung gusto niyo kayo na lang ok?" Sabi ko sabay lakad palayo

Umuwi na ako sa amin dahil wala naman na akong gagawin. Pagdating ko sa may gate namin ay naabutan ko roon si Shelly na umiiyak at lasing.

"Kean, bakit ganun? Sobrang sama ko na ba? Halos lahat na lang yata galit sa akin. May chance pa ba akong magbago?" Sabi niya habang humahagulgol sa iyak

"Shelly, lahat ng tao ay maaring magbago basta gugustuhin nila. Huwag kang mag-alala may chance ka pa para magbago at simulan mo na ngayon."

"Paano ko sisimulan? Si Pearl at Lily at unti-unti ng nagbabago pero ako? Hindi ko alam eh! Please help me..." sabi niya sa akin then lumuhod siya sa harapan ko

"Shelly huwag ka ngang lumuhod diyan, tumayo ka. Kung gusto mong magbago simulan mong maging mabait sa mga taong nakapaligid sayo. At higit sa lahat, tinuruan ako ni Krissa na magbasa ng Bible at kilalanin si God."

"Salamat sa mga payo mo, gagawin ko iyan lahat. Can I hug you? Kasi naman kailangan ko ng Comforter." Sabi niya with a sincere voice dahil naniniwala naman ako sa kanya she wants to change na raw

"Then, I give her a hug." Napatingin ako sa may bandang madilim at nakita ko si Krissa. Hindi pwede ito, baka isipin niya may iba na akong mahal. Kaya bumitiw agad ako sa yakap at tumakbo para habulin siya.

"EYE, kung ano man ang iniisip mo nagkakamali ka. Let me explain please ...." pagmamakaawa ko sa kanya

"Ano pa ba ang ipapaliwanag mo? May ebidensya na akong nakita diba? Hindi pa ba sapat iyon? Kung alam ko lang Kean na ganito ang mangyayari sana hindi na lang kita pinili." Sabi niya habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mata kitang-kita mo ang lungkot nito

"Krissa, diba sabi ko sayo walang bibitiw, pagsubok lang ito kaya sana naman makinig ka sa akin." Halos maiyak-iyak na rin ako dahil hindi ko kakayanin kapag nawala siya

"Sorry Kean, gusto ko munang mapag-isa sa ngayon kaya uuwi na ako bye!" Sabay takbo palayo sa akin

Krissa!!!!!!!!

Ayun na lang ang nasabi ko tila gumuho ang aking mundo.

"Sorry Kean kung ako naging reason para mag-away kayo ni Krissa. Gagawa at gagawa ako ng paraan para magkaayos kayo."

"It's ok Shelly, umuwi ka na at gabi na rin."

Tapos dumiretso na ako sa bahay namin. Ang akala ko ngayon, kapag nasabi ko na yung gusto kong sabihin sa kanya ay magkakaayos na kami. Ang kaso, dahil sa maling akala, masisira ang lahat ng pinagsamahan namin.

Krissa, I want you to be back!

*************

A/N :

naging complicated tuloy ang kanilang relasyon. Ano na ang next na mangyayari?

Abangan ......

Maliit na butas lumalaki, 

Konting gusot dumarami.

Gusto mong magbago? 

Simulan mo sa sarili mo.

Comment, 

Vote,

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon