PiII 71 One Way or Another

581 64 3
                                    

Walang bumati ng HAPPY BIRTHDAY SA AKIN SA Comment Box O KAYA SA MESSAGE BOARD! Pero ok lang, marami namang bumati sa akin hehehe, marahil busy lang kayo kaya ganun haha.

Masyado na akong busy ngayon kaya naman pasensya na kung matumal ang update. 

Tsaka gumagawa po ako ng thesis at FINALS na po namin kaya pasensya na. Sana magustuhan niyo ito.

Pakiplay po yung song sa gilid entitled ONE WAY OR ANOTHER BY ONE DIRECTION, natripan ko lang ito ang ilagay wala kasi akong maisip eh haha. Sana magustuhan niyo, enjoy reading! 

----------------------------->

Kean's POV

Maaga kaming nagpunta sa Evacuation Center para tumulong sa mga nangangailangan at ipamigay ang mga tulong na aming pinagsama-sama. Ang bawat isa ay may nakaatas na tungkulin at doon ako nahanay sa pamimigay ng relief good kasama sina Jiro at Shana.

Masarap pala talaga sa feeling yung may natutulungan kang ibang tao na higit na nangangailangan. Sabi nga, it's better to give than to receive. Kaya naman ngayon ay namulat ako sa katotohanan nung makita ko ang maraming tao na nangangailangan ng tulong.

Nagpapasalamat ako kay God dahil maayos yung pamumuhay ko at hindi niya kami pinapabayaan at maraming pagpapala na dumarating sa amin na dapat ay ibahagi sa iba para maging pagpapala din sa kanila, share your blessings nga diba.

Busy kaming tatlo sa pamimigay ng mga relief goods at mga bagay na kakailanganin nila ng biglang lumapit sa akin si Krissa at nanghingi ng mga pinamimigay namin.

Sinundan ko siya ng tingin kaso nawala agad eh, ang bilis niya kaya nag-excuse muna ako sa dalawa kong kasama at hinanap ko si Krissa. Maya-maya pa ay nakita ko siyang kasama ang isang matanda at ang mga malnoris niyang mga anak. Siguro dahil sa kalagayan nila ay si Krissa na ang nagkusang lumapit at ibigay sa kanila ang mga pasalubong na aming dala.

Natuwa ako sa ginawa niya at hindi ko maipagkakailang may mabuti siyang puso. Napaswerte ko talaga dahil ibinigay siya sa akin ni God. Umalis din ako kaagad at bumalik sa pwesto ko at pinagpatuloy ang aming ginagawa.

Jiro's POV

Maaga nga kaming nagtungo sa Evacuation Center upang ipamigay ang aming mga dala sa kanila. First time kong makarating sa ganitong lugar, masikip, siksikan, maraming tao basta hindi ko kakayaning tumira dito. At yung mga itsura nila na mukhang luging-lugi marahil nanghihinayang sila sa mga gamit na hindi nila na saved.

Pero nung magsimulang ipamigay namin ang mga regalo namin para sa kanila ay hindi mo maipinta ang tuwa at galak na namutawi sa kanilang mukha. Nakakatuwa bilang Volunteer na makita mo ang bawat mamamayang Pilipino na masaya matapos ang pighati na kanilang dinanas. Let's bring back the happiness on their face.

Basta natuwa ako dahil nakatulong ako sa mga nangangailangan. Kung may kakayanan ka naman tumulong bakit hindi mo gawin diba kaysa aksayahin ang mga ito sa mga walang kwentang bagay.

Shana'POV

Matulungin akong tao kaso mas lalo akong naging matulungin ng maimpluwensyahan ako ni Krissa, yung babaeng ito talaga ay napakabuti ng puso. Wala akong maipipintas sa kanya pero don't get me wrong ah, nobody's perfect at ang lahat ay may nagagawang kamalian.

Bilib lang talaga ako sa kanya dahil napakamatulungin niya at ngayon ay nagawa pa niyang magplano at tulungan ang mga nasalanta ng bagyo. May pinanghuhugutan ba itong babaeng ito? Ang bestfriend ko talaga the best!

(Kayo ba kaya niyong gawin ang ginagawa niya? Kung OO Just Comment below.)

Kristoffer's POV

Maaga nga kaming dumiretso sa Evacuation Center para maghatid ng tulong sa mga nangangailangan. Kami ni Charlene ang nakaassign sa may Medical para i-assist ang mga tao na ma-check-up at bigyan ng gamot na kanilang kakailanganin.

Ang sarap pala sa feeling ng may natutulungan ka noh? The best experience na naranasan ko.

Basta nag-enjoy kaming lahat sa pagtulong. Marami kaming napasaya at natulungan.

Charlene's POV

Ako ang nagpresinta na magmamanage ng Medical Mission. Kagaya nga ng sinabi ko, may kakilala akong Doctor na maaaring magvolunteer at maaaring magbigay ng serbisyo ng libre.

Dati kasi gusto kpng maging nurse kaso narealized kong mahirap ng makahanap ng trabaho kapag nurse ka kaya idecided na magteacher na lang. At least nakakatulong pa rin, gusto kong ibahagi ang learning na natutunan ko sa iba.

Ang masasabi ko lang sa maexperience ko ay masaya dahil nakatulong na naman ako sa mga nangangailangan.

★★★★★★

Elmo's Note:

Pasensya na kung boring yung update ko. Hindi ko na siya kayang pahabain pa dahil marami akong ginagawa. Sana magustuhan niyo pa rin kahit boring siya masyado.

Hindi ko lang alam kung kailan ang next update. Pasensya na ulit.

---------------

Jealousy is the art of counting someone else's blessings instead of your own. Ask yourself this: "What's something I have that everyone wants?"

Ingat :) 

*risingservant

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now