PiII 73 Give Love on Christmas Day

596 67 1
                                    

Pakiplay po yung song sa gilid entitled GIVE LOVE ON CHRISTMAS DAY, at dahil ber months na at 2 months na lang before Christmas, ito ang maaga kong pamasko para sa inyo. Hope you like it. 

-------------------------->

Krissa's POV

Give love on Christmas Day! 

2 tulog na lang ay Pasko na. Mag-eenjoy na naman ang bawat isa at sama-sama itong idinaraos. Hahanapin sina Lolo at Lola, Tito at Tita, Ninong at Ninang, upang humingi ng aguinaldo at ang bawat miyembro ng Pamilya ay magpapalitan ng regalo.

Ang Pasko ay ang araw na isinilang si Jesus Christ na ating tagapagligtas kaya dapat nating gunitain ang araw na ito sa pagkilala sa kanya at tanggapin bilang Sariling Tagapaglitas. Ang araw ng Pasko ay araw ng Pagmamahalan at Pagbibigayan kaya spread the Love.

Hindi kami Mayaman at hindi rin kami Mahirap yung sakto lang kaya kapag araw ng Pasko ay hindi kami naghahanda ng magarbo dahil it's not all about the things you have, it's all about the blessings that you received that you're going to share to others. Kaya nga tuwing Pasko ay ibinabahagi namin ang mga Blessings na mayroon kami. Lalo na sa mga higit na nangangailangan kagaya ng mga taong wala tirahan at makain, we give them something that they need. Dapat maging pagpapala ka rin sa iba.

Kaya nga ang gagawin namin ngayon ay magpasaya ng mga batang wala ng magulang. Maswerte nga tayo dahil tayo'y may mga magulang pa na nagmamahal sa atin. Yung iba ay kinalimutan na at pinabayaan kagaya ng mga bata sa Ampunan. Magpasalamat tayo dahil nandyan ang mga Magulang natin na hindi tayo pinapabayaan. Kaya kung ikaw ay may problema sa mga magulang mo at nagkakatampuhan kayo, huwag ka ng magdalawang-isip pa na lapitan siya at humingi ng sorry. Dahil hindi natin alam kung kailan sila mawawala, kaya sulitin na natin habang nandyan sila. Tell them at iparamdam niyo sa kanila kung gaano niyo sila kamahal. Just say the word, "I Love You!" Diba masarap sa pakiramdam.

Napag-usapan nga namin kahapon na magbibigay kami ng ligaya sa Ampunan kaya pupunta kami ngayon nina Cha at Shana sa tindahan ng mga laruan para bumili ng aming pangregalo sa kanila. Syempre hindi sapat ang mga regalo kaya mayroon ding kainan at kasiyahan, may mga Activities din kaming hinanda kaya paniguradong matutuwa nito ang mga bata.

"Oh nabudget mo na ba yung pera natin? Magkano yung magagastos natin all in all?" Tanong ni Cha.

"Ah oo, mula ingridients ng mga lulutuin nating pagkain hanggang sa mga papremyo sa mga games ay ok na. 5,000 pesos ay sobra pa." Sabi ko

"Eh ayun naman pala eh, ano pa hinihintay at itinatayo natin dito sa labas? Tara na para hindi tayo gabihin." Sabi ni Shana kaya naman umalis na kami bago pa kami abutin ng siyam-siyam.

Sa Market.....

"Anu-anong pagkain nga pala yung ihahain natin?" Tanong ni Shana habang tinutulak ang chart.

Plug In II (A Musical Story)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum