PiII 33 Tonight

728 81 5
                                    

Pakiplay ang song sa gilid entitles TONIGHT BY FM STATIC eto ang moment ni Kean na kung saan ay nagwalk out siya sa kanyang nakita at mga nalaman. 

------------------------------>

"Nang tanungin ko si Krissa kung totoo yung sinasabi ng lalaking kasama niya ay biglang naspeechless, hindi man lang siya nagsalita. Ano ibig sabihin nun mas pabor siya sa lalaking iyon? Gusto ko lang namang layuan niya iyon eh pero ano sinabi niya? Wala lang...... Kaya para hindi ako makapanakit ay umalis na lang ako doon at pumunta sa malayong lugar."

"Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero isa lang ang gusto ko sa ngayon. Gusto ko munang mapag-isa."

"Nakakita ako ng dagat at doon ako nagpahinga at nagnilay-nilay ng mga bagay-bagay."

"Unang sumariwa sa utak ko ay kung paano kami nagkakilala ni Krissa. Tandang-tanda ko pa nung nag-open up ako sa kanya dahil hindi ko na kaya nung mga time na yun."

"Tapos nung nagkakilala kami sa school. Naging friends kami at nag-eenjoy sa mga bonding moments naming dalawa."

"Hanggang sa naging girlfriend ko siya. Sa kanya ko lang ginawa ang panghaharana na talagang pinaghandaan ko ng husto."

"Tapos naging masaya kami at walang problemang dumating pero ngayon hirap na hirap kaming lagpasan ang problemang ito. Alam kong hindi ibibigay ni God ang problemang ito kung wala kaming matututunan. May paraan ang lahat ng bagay. Pagsubok lang ito kaya sana walang bibitiw."

"Pero sa kalagayan ko ngayon ay feeling ko na down na down talaga ako pero sa aking pagbagsak ngayon kailangan kong tumayo at ipaglaban kung ano ang nararapat sa akin."

"Hindi naman ako papayag na ang lalaking iyon ang sisira sa pagmamahalan namin ni Krissa. Oo nagseselos nga ako sa kanila hindi naman natin maiiwasan iyon eh. Hindi ako papayag, siguro masama lang ang loob ko kay Krissa dahil nagsinungaling siya sa akin pero lilipas din ito."

"Hindi dapat ako magalit sa kanya, pero hindi naman galit ito eh inis lang dahil wala namang patutunguhan itong inis ko kundi makakasakit lang ng ibang tao."

"Kaya para mailabas ko ito ay pinagsusuntok ko ang puno, sorry puno kailangan ko lang kasing may maipagbuhusan nito. Kahit dugong-dugo na ang kamao ko ay hindi pa rin ako tumigil. Hindi ko namalayan ang oras 12:30 am na pala tiyak na nag-aalala na sila Mommy."

Umuwi na ako after nun at si Mommy talaga ang unang bumungad sa akin.

"Anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo naman na nag-aalala na kami sayo tsaka tingnan mo oh puro dugo na yung kamay mo. Tara pumasok ka na at gagamutin natin." Sabi ni Mommy

"Sorry po next time magsasabi na ako."

Habang ginagamot ni Mommy yung kamay ko ay bigla siyang nagsalita ulit.

"Oo nga pala anak nakalimutan kong sabihin sayo na pumunta dito si Krissa at hinahanap ka meron daw kayong misunderstanding kaya siguro ngayon ka lang umuwi."

Ano? Si Krissa pinuntahan ako dito?

"Ah oo mommy, pero wala na iyon nahimasmasan na ako ngayon. At ready na akong kausapin siya."

"Sige, tawagan mo na lang siya at mag-usap kayo para magkaayos na kayo ok? Akyat na ako bye anak!"

Wait yung phone ko? Kung kailan naman kailagan ay tsaka nawawala.

*************

A/N :

think possible lang Kean at huwag na huwag kang susuko.

Comment and Vote po!

Kahit ang mga taong matigas ang puso ay humihingi ng tulong kapag nanganganib ang kanilang minamahal.

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now