PiII 19 Maybe It's You

1K 101 21
                                    

Krissa's POV

This day ay ang pinakamahalagang araw para sa akin. Anong araw ngayon? Ngayon ay August 20, 20** at alam niyo ba kung bakit? Dahil may sorpresa ako sa kanya at secret muna sa ngayon mamaya niyo malalaman hehehe.

Matagal ko itong pinag-isipan buong magdamag as in at I'm 100 % sure na magugustuhan niya itong sorpresa ko at sana huwag siyang galit sa akin dahil hindi kami madalas makapagsama dahil nga pinasaya ko muna si Shana, my new friend at ngayon ay siya naman.

Sigurado akong susunduin niya ako ngayon kaya maaga akong papasok para naman hindi niya agad malaman kung ano yung sorpresa ko sa kanya. Syempre, kasabwat ko diyan si Ate Kylie.

*flashback*

"Ate, can I have a favor please?"

"Anong klaseng favor naman iyan? Don't tell me na tungkol sa lovelife ah, alam mo naman ang pinagdaraanan ko ngayon."

"Ate, hindi naman about doon ang gusto ko lang ay kapag sinundo ako rito ni Kean sabihin mo nasa school na kasi masyadong busy ano ate kaya mo ba?"

"Eh bakit ba? Iniiwasan mo siya? Naku, sinaktan ka ba niya? Sabihin mo sa akin."

"Hindi sa ganun ate, gusto ko lang namang sorpresahin siya para makabawi ako sa kanya."

"Bakit? Ano bang sorpresa mo sa kanya?"

"Sasagutin ko na siya Ate!"

"What? Sasagutin mo na? Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Baka mamaya umiiyak ka na naman diyan sa kwarto mo dahil sinaktan ka niya."

"Ate, alam kong magiging masaya kami ni Kean at hinding-hindi niya ako sasaktan."

"Ok, desisyon mo iyan eh, paano mo ba siya sasagutin? Sa paanong paraan?"

"Kakantahan ko siya, at take note sa general assembly namin para ipagsigawan sa lahat hahaha"

"Ano kakantahin mo?"

"Wala pa, iisip pa lang ako mamaya."

"Ok, wala ka na bang kailangan?"

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now