PiII 6 Hiling

1.7K 139 65
                                    

Krissa's POV

May pasok na pala ngayon, wait? Wahhhhhh! Late na ko sa first subject ko! Paano na ito? Sa next subject na lang? Sayang naman :(

Bumangon na ako sa aking higaan at ginawa at mga dapat gawin. Syempre, pray muna pasasalamat kay God sa bagong umaga. Then, naligo, kumain, nagtoothbrush at nagbihis lahat-lahat. 30 minutes pa naman ang biyahe papuntang school. Kaya eksaktong 2nd subject ko na pagdating doon.

Pagkasakay ko ng jeep ay agad kong isinaksak sa aking tenga ang aking headset, Plug in! Then the song play ....

Pakiplay po yung music sa gilid entitled HILING BY SILENT SANCTUARY sana mag-enjoy kayo. 

-------------------------->

"Minsan, hindi ko maiwasang isipin ka. 

Lalo na sa tuwing nag-iisa"

Naku bakit eto pa yung nagplay na song? Pwede naman yung iba, trip na naman ako ng phone ko. Gusto yatang magdrama ako dito sa jeep hahaha. Siguro napakasaya na nila ngayon ng napangasawa niya habang ako eto pa rin nasa stage ng pagmomove-on. Kaya kong lagpasan ng lahat ng ito may tiwala ako sa sarili ko.

"At hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako'y iyong mahalin 

Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin 

Patungo sa iyo"

Hindi na ako hihiling sa mga bituin dahil hindi naman ito magkakatotoo impossible wala namang magagawa ang mga stars para magkabalikan kami ni Jay. Tsaka ang wish ay 100% maaring hindi magkakatotoo.

"Mama mama, tingnan mo yung babae dun sa gilid oh umiiyak pinalo ba siya ng mama niya?" Tanong ng batang babae sa kanyang mama na sa tingin ko ay apat na taong gulang na.

"Naku anak, hindi lahat ng umiiyak ay pinalo agad baka mayroon lang siyang pinagdadaanan siguro problema ganun."

"Ah ganun po ba, sana maging ok na siya"

Natawa naman ako dun sa bata, umiiyak na pala ako dito sa jeep ng hindi ko namamalayan.

( nagcommute po si krissa kaya ganun, sumakay siya ng jeep )

After 30 minutes ay nakarating na ako sa school.

Maglalakad pa ako ng 10 minutes para makarating sa building ng room namin. Oo nga pala, ang course ko ay business administration major in management gusto ko kasing sundan ang mga yapak ni mommy. Sa sobrang pagmamadali ko at pagiging busy sa pakikinig ng music ay hindi ko namalayan na may nabunggo pala ako dahil doon nabitawan ko yung books kong hawak maging ang libro niya ay nabitawan niya rin. Pareho kaming hindi nakatingin sa daanan.

"Ay sorry hindi kasi ako nakatingin sa aking dinaraanan." Sabi ko

"Sorry din miss, nagpapakasenti kasi ako." Sabi niya

Pagkakuha ko ng mga libro at pagtingala ko ay nagulat ako ng makita ko ang kanyang mukha.

"Ikaw?" Sabay sabi naming dalawa na halatang gulat na gulat.

"Tadhana nga naman oh, tingnan mo nga nagkita nanaman tayo at sa school pa. Nice to meet you again." Sabi niya

"Oo nga, sige mauna na ako late na ako sa class ko eh bye!" Sabi ko

"Wait lang!" Sabi niya

"Bakit may nakalimutan ka pa ba?" Sabi ko

"Ano nga pala yung name mo? Kasi matagal na tayong nagkausap nun tapos hindi ko pa rin alam ang name mo." Sabi niya

"Ah ayun lang ba? Ako nga pala si Krissa Bermudez :) at ikaw?" Sabi ko

"Kean Mendrez at your service" sabi niya

Then nagshake hands kami, nakasanayan na eh. Aften nun ay nagpunta na ako sa aking classroom buti wala pa ang aming professor.

Magbabasa sana ako para mag-advance kaso wala yung book ko! Ang alam ko ay dala ko iyon at nakita ko yung book ni kean sa akin it means nagkapalit kami! Wahhh! Lagot ako nito.

Dumating na yung professor namin, lagot!

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan...

"Sir, may I excuse Krissa Bermudez for a while?" Sabi niya

"Ok, Krissa bilisan mo!"

"Opo sir!"

Dali-dali akong tumakbo at pumunta sa kanya.

"Nandito ka ba para ibigay sa akin yung book ko? Kailangan ko kasi yun ngayon eh."

"Ah oo, kailangan ko rin kasi yung book ko."

"Salamat at dinala mo yung book ko rito thank you so much. Eto din yung ito oh, salamat ah, buti na lang at pumunta ka sa room ko paano mo nalaman yung room ko nga pala?"

"Nakasulat sa book mo yung schedule mo kaya pinuntahan na kita. Sabay tayong maglunch mamaya kung ok lang sayo?"

"Sige sige bye! Salamat ulit"

"Your welcome, Sir! salamat po!" Sabi niya

"Walang anuman!"

After ng morning class ko ay naglunch kami ni kean.

Ang sarap niyang kasama at may itinatago pala siyang kakulitan hahaha.

Sa ngayon friends na kami at the new thing I know is that nakalimutan ko na ng kaunti si Jay habang kasama ko siya.

Siguro si Kean ang ibinigay sa akin upang mawala itong aking lungkot. Kean is fun to be with, kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.

**************

A/N: what can you say readers? Bagay ba sila? Haha

( kayo na po bahala mag-imagine kung ano itsura ng mga characters )

Comment and Vote! 

Be a fan!

Nothing is Impossible to God who believeth.

All this are Possible.

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora