PiII 24 Butterfly

927 91 15
                                    

Hello! Hello! 

Sorry kung hindi ako nakapag-update agad-agad pero babawi ako sa inyo. Antayin niyo ang marami kong update siguro hanggang chapter 38 or 39 basta huwag kayong magsawa sa pagbabasa. Enjoy reading!

Pakiplay po yung song sa gilid entitled BUTTERFLY pang background music lamang po. Narinig ko po iyan sa TO THE BEAUTIFUL YOU nagandahan po ako kaya kinuha ko. Enjoy guys!

Kean's POV

Napag-usapan namin ni Krissa na ngayon ay magseset kami ng Dinner together with our Family. Para mapakilala na namin sa kanila ang bawat isa. Hindi ko lang alam kung anong diskarte ang gagawin ni Krissa para mapa-attend ang parents niya. Basta ako sasabihin ko na lang sa kanila na may ipapakilala ako and siya yung Girlfriend ko. Understanding naman yung family ko eh, they support me always kaya no problem.

Sa bahay habang kumakain ng Breakfast.

"Mommy, Daddy, Busy po ba kayo mamaya? Pwede po bang icancel niyo muna? May mahalaga lang po kasi tayong pupuntahan." Sabi ko

"Ako hindi naman kaya free ako sasama ako, alam mo namang hindi kita matitiis anak eh." -Mommy

"Medyo, pero dahil ikaw ang nagrequest ipapacancel ko ang lahat ng appointments ko. Kagaya nga ng sinabi ng Mommy mo, we will support you." -Daddy

Oh diba sabi ko sa inyo eh supportive yung family ko hehe.

"Thanks po Mom, Dad, para po hindi na kayo mag-isip kung saan tayo pupunta sasabihin ko na po sa inyo. Magdidinner po tayo together with my Girlfriends Family para po makilala niyo sila ok lang po ba sa inyo?"

"Ok na ok anak, ngayon mo lang ipapakilala sa amin yung bago mong Girlfriend eh tiyak na maganda iyan. Haha :D" -Dad

"Ade mabuti, ayoko nga doon sa Girlfriend mo dati kasi masama yung ugali sigurado akong mabait yung Girlfriend mo ngayon although hindi ko pa siya nakikilala, nararamdaman ko naman dahil napagbago ka niya." -Mom

"Salamat po ng marami sa inyo, doon na lang po natin ganapin sa may Restaurant natin, para masaya ipasara natin ito at tayo lang ang gagamit."

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now