PiII 47 It Will Rain

723 67 2
                                    

Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-update, salamat sa mga nagtiyatiyagang maghintay ng aking update although I'm not a professional wtiter, I want to write stories because it is one of my hobbies. Thanks for reading!

Kean's POV

Pakiplay po ang song sa gilid entitled IT WILL RAIN BY BRUNO MARS sana magustuhan niyo. 

------------------------->

3 days kami dito sa Boracay it means 3 days ko siyang hindi makikita at namimiss ko na agad. Hindi ko alam kung bakit ba ganito nangyayari sa relasyon namin, hindi naman ako nagkulang sa kanya. Ang sabi ko ay huwag siyang bibitiw pero ano ginawa niya? Sumuko agad! Hay, buhay nga naman oh parang life. Dito na ba natatapos ang aming pagmamahalan? Wala pa nga kami sa kalagitnaan eh pero sana magkaayos pa kami.

Siya lang naman ang inisip ko eh, siya lang at wala ng iba. Bakit ba pati si Shelly ay naisipan niya girlfriend ko? Wala na ba siyang tiwala sa akin? Ang akala ba niya ay hindi na ako loyal sa kanya at pakitang tao lang pala ako sa harapan niya? Ang daming tanong na bumabagabag sa akin. Gusto ko siyang tawagan kaso hindi ko magawa dahil nasira ko nga pala yung cellphone ko sa inis o galit? at siguro ay hahayaan ko muna siyang makapag-isip.

Nandito ako ngayon sa hotel na kung saan kami nakacheck-in, sabi nga ni Mommy huwag ko munang problemahin yung problema ko dahil hindi ko ma-eenjoy yung family trip namin kaya kailan ko munang maging masaya sa ngayon. Bababa na sana ako ng biglang may magsalita....

"Kuya, gaganyan ka na lang ba magdamag? Kaya nga tayo nandito sa boracay eh para magsaya at makalimutan ang ating problema. Eh ikaw? Tingnan mo yung itsura mo daig mo pa yung natalo sa lotto dahil sa nakasibangot ka at pwede ba kuya bumaba ka na? Kanina ka pa hinahanap nila Mommy at Daddy sa baba eh." Sabi ng kapatid ko na parang mas matanda pa sa akin kung makasermon habang nakasandal sa may pintuan.

"Eto na nga oh, bababa na hindi mo ba nakita? Tatayo na ako. Tsaka parang Ate kita kung makasermon kala mo eh magaling haha." Sabi ko sabay tayo sa kama.

"Ewan ko sayo Kuya para kang baliw diyan, kanina eh malungkot tapos ngayon eh tatawa ka. Siguro Kuya eh kailangan mo ng magpacheck-up dahil para ka ng paranoid." Sabi niya tapos nagcross arms.

"Siguro nga tama ka haha, tara baba na tayo at baka mahigh blood ka pa sa akin dahil alam kong kahinaan mo." Sabi ko ng nakakaloko

"Kahinaan? Sige nga kuya ano kahinaan ko na ikahahigh blood ko sa inis?" Tanong niya habang nakasandal pa rin

"Yung crush mo, si Allen haha :D" tapos nagtatakbo ako sa hagdan pababa nasa 2nd floor lang naman kami kaya hindi ko na kailangan pang gumamit ng elevator.

"Kuya talaga! Isusumbong kita kay Daddy pangit kaya yun." Tapos bumaba na rin siya.

Sa kainan .....

"Oh nasan yung kapatid mo? Parang humahangos ka pa diyan sa pagtakbo ah." Tanong ni Daddy na nagbabasa ng Dyaryo

"Pasunod na po iyon, haha" tapos umupo na ako sa upuan

"Pinatawag lang kita eh ang tagal bago siya bumalik." Sabi ni Mommy habang kumakain ng Steak

"Daddy! Si Kuya nga!" Sigaw ng kapatid ko habang bumababa ng hagdan.

"Oh Kendra, ano ba ginawa sayo ng Kuya mo at banas na banas ka?" Tanong ni Daddy sabay baba nung binabasa niya

Oo nga pala, Kendra ang pangalan ng kapatid ko at siya ay 10 yrs old

"Kasi po eh tinutukso ako kay Allen eh hindi ko naman crush yun eh pangit kasi yun eh." Sabi niya habang nagpapaawa kay Daddy

"Huwag kang mag-alala hindi natin isasama yung Kuya mo kapag namasyal tayo rito. Tsaka huwag kang magsasabi ng pangit kasi wala namang pangit sa mundo." Sabi ni Daddy habang nakaakap kay Kendra

"Naglalambing ka na naman sa Daddy mo, maupo ka na at um-order na kayo ng Kuya mo ng pagkain." Sabi ni Mommy at uminom ng tsa.

Pagkaorder namin ay kumain at kumain ang ginawa namin dahil susunod na destination namin ay mamamasyal dito sa Ilo-Ilo at bukas na lang daw kami magsiswimming sa Boracay.

*************

Elmo's Note:

Sorry sa short update, bawi na lang ako next time. Napagod kasi ako masyado sa kaiisip at paggawa ng aking Proposal Plan sana mataas makuha kong grade hehe!

Plug In II (A Musical Story)Место, где живут истории. Откройте их для себя