PiII 54 Forevermore

673 68 9
                                    

Jiro's POV

Papasok na ako sa may school ng mapansin kong nasa may gate si Shana, mukhang may hinihintay siya eh, wait nga lang matingnan kung sino. A minute pass at dumating si Krissa? Yung girlfriend ni Kean. Oo nga pala magkaibigan kami ni Kean kung hindi niyo alam siya yung una kong naging kaibigan dito.

Ang tagal nila sa may gate nagdaldalan pa kasi. Napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko. Para tuloy akong may tinataguan dito sa may puno nakakahiya sa mga nagdaraan sana naman ay pumasok na sila. Natatawa ako sa mga reaksyon ni Shana sa mga sinasabi sa kanya ni Krissa. Wait, natutuwa ako sa kanya? Bakit naman? Ahh basta! Buti na lang at pumasok na sila.

Pagkapasok nila ay inayos ko na yung sarili ko at isinaksak ang headset sa tenga ko. Ready na! Tapos headset plug in!

Pakiplay po yung song sa gilid entitled FOREVERMORE BY DAVID ARCHULETA, nakalimutan ko kasi kung sino yung original na kumanta. 

---------------------->

Cool na cool akong pumasok ng University at medyo pakanta-kanta. Ewan ko ba kung bakit karamihan sa mga babae ay tuwang-tuwa sa mata ko parang ngayon lang sila nakakita ng chinito. Naalala ko tuloy si Shana nung una kaming nagkita.

Habang naglalakad ako ay hindi ko napansing tumatawa pala akong mag-isa kaya naman umayos na ko at bumalik sa katinuan. Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa tapat ng building nila Shana kaya napatingin ako sa may classroom nila at eksakto namang nandun siya sa bintana tapos napatingin siya sa akin. Alam niyo yun, para bang nagslow motion yung pagharap niya sa akin. Kaya sa tuwa ko ay napangiti ako sa kanya at kinindatan siya.

Pagkalagpas ko sa classroom nila at tsaka ko narealized kung ano yung ginawa ko. Baka isipin niyang may gusto ako sa kanya. Ang tanong meron nga ba? Hindi ko ma-explain kung ano yung nararamdaman ko eh.

Pagkarating ko sa classroom namin ay si Kean agad ang nakasalubong ko.

"Oh pare, bakit parang pawis na pawis ka ah? Masyado bang malayo yung nilakad mo? O may nakita kang chicks? Umamin ka nga sa akin haha!" Sabi ni Kean na nakatayo sa may pintuan.

"Pawis ba masyado? Nakakapagod kasi maglakad eh, chicks? Wala nga eh haha!" Sabi ko habang papasok sa loob ng classroom

"Weh? hindi nga? Bakit sabi sa akin ni Chris eh nagtatago ka pa raw sa may puno? Sino pinagtataguan mo?" Tanong niya tapos umupo sa may tabi ko

"Ah yun ba? May humahabol kasing babae kanina sa akin kaya tinaguan ko. Medyo napatagal dahil naghintay sa may gate yung babae kaya no choice ako kundi hintayin siyang makapasok. Alam mo naman, habulin eh." Palusot ko, malamang magtatanong ito ng kung anu-ano kapag sinabi kong dahil kay Shana, kilala pa niya yata iyon. Then nilabas ko yung book ko sa Philippine Literature.

"Oh bakit mo naman nilabas iyan? Hindi ka pa nagbabasa noh?" Sabi nito

"Hindi pa eh, tinamad akong basahin masyadong mahaba. Alam ko namang nagbasa ka na kaya pakwento naman oh." Sabi

"Oo sige, title: FOOTNOTE TO YOUTH by JOSE GARCIA VILLA, si dodong kasi nag-asawa ng maaga tapos nung nagka-anak sila ay yung anak naman yung nag-asawa ng maaga. Doon niya napagtanto na tama pala yung parents niya na huwag munang mag-asawa ng maaga at naramdaman niya kung ano yung naramdaman nung tatay niya. LESSON: obey your parents because they know what's best for you. Ok na?" Paglalahad niya

"Ah ayun pala kwento nun? Kaya pala FOOTNOTE TO YOUTH dahil paalala sa mga kabataan. Sige pag-aaralan ko na lang."

Nagsibalikan na ang bawat estudyante sa kanya-kanyang upuan nung dumating ang prof nila. 3 hours kasi sila sa subject na iyon.

Makalipas ang dalawang oras ay may nag-excuse kay Kean kaya napatingin ako sa labas at nakita ko si Shana kasama si Krissa. Natulala naman ako sa kanya, hindi ko napansing ang ganda niya pala para siyang anghel na bumaba mula sa langit. Ang amo ng mukha niya tapos parang ang sarap niyang mahalin. May gusto na yata ako sa kanya.

Parang may hinahanap siya dito sa classroom namin dahil palinga-linga siya tapos napatingin siya sa akin kaso iniwas din niya agad iyon. Sayang, kala ko magkakatitigan kami kaso mali ang akala ko. Sino kaya yung hinahanap niya? Sana ako na lang.

Pagkaalis nila ay agad ko namang tinanong kay Kean kung ano kinailangan sa kanya ng girlfriend niya.

"Pre, ano sabi sayo ng girlfriend mo? Kiss ba? Haha" Pang-aasar ko.

"Ikiskis ko yung mukha mo diyan sa upuan eh. Hindi ganung babae si Krissa. May hiniram lang sa akin." Sabi ni saka nagsulat ng notes.

"Joke lang kaw naman." Sabi ko tapos humarap sa may prof namin.

"Wait, type mo ba si Shana? Yung kasama ni Krissa? Lakad kita sa kanya gusto mo?" Tanong niya

Wait, ilalakad niya ako kay Shana? Huwag na nakakahiya kahit gusto eh hindi ko kaya may pagkatorpe kasi ako eh.

"Oo maganda siya, pwede na rin pero she's not my type." Sabi ko baka may mahalata siya eh. Mabuking niya pa ako.

"Ok sabi mo eh!" Tapos nakinig na kami sa prof namin.

May chance nga bang maging kami? Pero paano ko siya liligawan kung torpe ako? Kailangan ko na bang humingi ng tulong?

♠♠♠♠♠

Elmo's Note:

"Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito."

Kayo? Susundin niyo ba agad? There is a time for everything kaya kung student ka pa study muna pero kapag nagtatrabaho ka na at sa tingin mo ay kaya mo ng pumasok sa isang relasyon then go.

Youth must triumph.......now 

Love must triumph.......now 

Afterward.......it will be life

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now